CHAPTER SIX

19 2 0
                                    


Kinabukasan ay maaga ako nagising para ipraktis ang solo dance ko. Alas 10 daw ang practice namin at alas otso pa lang ngayon.

"Aba dancer na dancer ang datingan nak ah."
Nasa sala ang pwesto ko at papasok naman si mama sa trabaho nya.

"Ma naman." Pabebe kong sabi.

"Oh basta nag iwan na ako ng pera sayo ha. Mag ingat ka at wag magpapagabi." Sabi ni mama at naglakad palabas.

"Opo ingat ka rin."

Kumain na ako pagkatapos at nag ayos na rin.

Paalis na ako ng saktong pababa si kuya.

"Oh san ka pupunta ang aga aga?" Tanong nya habang sinusuklay ang buhok.

"Practice kuya babye." Paalam ko ng mabilisan at lumabas ng bahay.

Sa kabilang subd. pa ang pagpapraktisan namin malapit sa bahay nila Alexis dahil may magandang spot daw dun.

Isang sakay lang naman yun ng jeep at pwede ng lakarin ang looban.

"Bayad po makikisuyo." Sabi ko at inabot ng lalaking mejo may edad na.

Nagcp ako para makaupdate sa gc. Papunta pa lang din ang iba katulad ko.

Bigla namang may sumakay na dalawang babae.

Magkahawak kamay tapos nakaakbay pa ang isang kamay ng nakaboycut sa babaeng mahaba ang buhok.

Ano kayang pakiramdam ng ganyang relasyon no? Just curious pero wala akong balak subukan haha.

"Hi Wency."
"Sup Salvilla."

Bati nila sakin pagdating sa place.

Nandito na rin si Nathan laloves.

Dalawa na lang ang wala pero dumating na rin sila maya maya.

"So ayun nasabi na rin naman namin sa inyo na magready kayo ng solo nyo. Nagawa nyo naman diba? Oo dapat." Simula ni Alexis na ikinatawa namin.

Kabado lola nyo te dahil dancers tong mga to.

Nakakasali sa mga competition at nananalo sila. Sino ba naman ako diba.

"Bale tatlo lang kayo na magpeperform. Nathan, Klio at Wency since magkakasama naman na kaming apat kaya alam na namin ang galaw ng isa't isa." Sabi naman ni Lacey.

"Start na yan." Sabi naman bigla ni Brandi.

"Wag kayo kabahan, tayo tayo lang naman" Si Klyde.

Parang hall ang lugar kung saan kami ngayon kaya di rin nakikita sa labas kaya bawas kaba nga naman.

"Klio mauna ka na." Tumayo naman si Klio at kinonek sa dala dala nilang speaker ang cp nito.

Despacito ang tugtog ni Klio pero may beat at oo magaling sya. Mas malambot pa ang katawan kesa sakin hahaha.

"Galing mo pala Klio e. Nice nice." Puri ni Lacey.

"Di ba ako mukhang bulateng inasinan? Hahshahaha." Tanong nya na mejo hingal.

"Di naman mejo lang. Biro lang, magaling ka nga." Sabi naman ni Klyde.

"Oh si Nathan naman." Sabi naman ni Brandi.

Tumayo naman si Nathan sa tabi ko at kinonek ang cp nya.

"Wag kayo tatawa ha." Kabang sabi nya samin. Natatawa naman ako sa mukha nya.

Sinimulan na nyang sumayaw.

Ang hirap magpigil ng kilig shet. Isipin nyo na sinasayawan ka ng crush mo.

He is good and handsome.

Naging classmate ko sya noong g10 kaya nakikita ko na syang sumayaw at nagiging partner pa kami minsan kaya ko rin sya naging crush.

Ang buhok nya ay parang korean style oo, mahaba talaga na bumagay sa kanya. He is tall, hanggang balikat nya lang ako e.

"Ta-Tapos na." Hingal na sabi nya dahil antahimik naming lahat hahahaha.

Hoy ang galing galing ng laloves ko!!

"Panalo na tayo nito mga pre, gagaling pala e." Sabi ni Alexis na manghang mangha.

"Edi kahit di na ko sumayaw?" Sabat ko naman.

"Ay hindi pwede Wency, gusto pa namin makita ng harapan ang galawan mo." Sabi naman ni Brandi.

"Ready ka na?" Tanong ni Lacey sakin.

"Mamaya na, hinihingal pa si Nathan charot." Natawa naman sila.

Umupo na ulit si Nathan at uminom ng tubig. Nahihiya ako sa kanila.

"Teka lang nakalimutan ko steps hshahahaha."

"Kaya mo yan." Si Nathan. Wala na, naalala ko na ulit charot.

Plinay na nila ang tugtog kaya sinimulan ko na ring gumalaw.

Nasa harap ko sila lahat pero nakadiretso lang ako ng tingin dahil nakaupo naman sila, para iwas distract.

"Angas ng galaw mo!"
"Ayan ba yung di marunong sumayaw."
"Whoooo" Si nathan ang nagsabi nyan. Napatakip naman ako ng mukha.

"Ang gandang simula nun ah. Gagaling nyo lahat." Sabi ni Alexis.

May mga sinabi pang advice sila Lacey at Alexis bago kami magsimula.

Konting warm-up at pwede na hahshaha.

Bandang 12 ay nagpahinga muna kami at kumain. May nakita kaming Tapsilogan kaya dun na lang kami kumain.

Konting kulitan at kwentuhan muna ang ginawa namin bago nagstart bandang 1:30

"Nathan and Wency sa part na to kayo ang maraming galaw." Si Alexis.

"Wency dito, Nathan ipapakita mo na ginaguide mo sya."

I do not expecting this kind of steps but okay na rin ehe.

Serious mode pala dapat ako. Dahil nagsasaway sila oo.

Tinuro nila ang steps namin at kahit mejo hirap ako pero keri naman.

"Game doings tayo from the top." Wala pa raw sa kalahati ang napapraktis namin dahil 5-6mins. dapat ang music.

"And 5, 6, 5, 6, 7, 8. And one, two, three eyyy. Klyde blockings. Wency position, and seven and eight. Groove guys groove. More swag, here we go and boom."

Oo ang ingay ni Alexis hahaha.

"Mabagal lang yan Wency at Nathan, chill guys, yeah right right and left. Nice." Kapagod.

"Water break." Sabay sabay naman kaming nagsiupo at nag cp ang iba habang sila Alexis at Lacey ay nag uusap.

Sa steps namin ni Nathan ay may part ng guiding bandang chest shet.

"Galing mo." Puri nya sakin dahil sa magkatabi lang kami ng pwesto. Kahit pawis sya ay naaamoy ko pa rin ang pabango nya.

"Ikaw din naman hahaha."
Ang gwapo gwapo nya.
-
May itinuro ulit na steps sila Alexis bago kami nagsimula sa umpisa at nagdalawang doings. Nakakapagod.

"For now yan muna, baka makalimutan nyo ang iba. Be ready na lang sa iba pang steps ha." Alexis.

"Good job for today guys. Pahinga bukas at sa weekdays tayo ulit. Pag uwian matik na practice natin yun. So yun lang pwede na kayong umuwi, salamat ulit." Si Lacey.

Nagbabye na rin kami at sumabay sakin si Nathan dahil sa kami lang ang magkaparehong subd.

I LIKE GIRLS? (G×G)Where stories live. Discover now