XXXV

370 24 3
                                    

Di Inaasahang Problema

Sakay na ako ng eroplano pabalik  ng Iloilo.  Ngunit di ko mawari kung anong damdamin ang namamayani sa akin.  Kausap ko kanina ang daddy sa telepono upang ipaalam rito na pauwi na ako.  Winika ni daddy na hintayin nalang ako sa bahay at wag nang sunduin pa sa airport.

"Diegs,  di kita masusundo, uwi ka nalang dito sa bahay.  Ingat ka."  turan ni daddy sa akin  at nagpaalam na ito.

"Haist!  Mukhang okay lang kay daddy na wala ako." nawika ko sa aking sarili.  Halos aabutin pang isang oras ang biyahe ko bago makarating ng airport. Mag aalas sais ng gabi at pihadong magtataxi nalang ako mula airport pauwi ng bahay.

Halos dalawang linggo din ako sa poder ng Tito Larry ko.  Isang chat ang pumukaw sa aking pagmumuni muni. " Diegs, kailangan nating mag asap pagkauwi mo dito sa Iloilo. Importante ang pag uusapan natin." chat mula sa isang numero na di nakaphonebook sa akin.

"Sino ito?" tanong ko. Napaisip ako kung sino ang nais akong makausap. Hinintay ko ang reply nito subalit walang sagot na labis kong ipinagtataka.  Hanggang sa lumapag  na ang eroplano sa paliparan at makaraan ay palabas na ako ng airport. Bitbit ang aking maleta at backpack ay nagpara ako ng taxi.

Bumaba ako sa tapat ng bahay, bitbit ang aking maleta at isang backpack. Wala akong naidalang pasalubong kay daddy dahil walang panahon at di ko naisip na bilhan ito marahil ay nagtatampo ako.

Pagkapasok ko ay ay isang tao na di ko inaaasahan ang aking mararatnan.  Isang nakakauyam na ngiti ang nakaplaster sa mukha nito at tila nanalo ang pakiramdam.

"Hello my dear half brother! I mean step son of my dad!" wika ni Ramcel sa akin habang nakapwesto sa harap ng pinto. Si daddy ay nasa isang gilid at nakaupo lamang.

"Hello Ramcel.  Andito ka pala." tanong ko ngunit di ko pinahalata ang pagkagulat. 

"Yes Diego. Dito na ako titira kasama ng daddy ko. Dito na rin ako mag aaral sa darating na pasukan sa Hunyo.  I hope na alam mo kung saan ka lulugar." wika sa akin ni Ramcel na wari'y ako isang walang karapatan sa bahay ng daddy.

"Mabuti kong ganun at makakasama mo na ang DADDY MO." tugon ko na may halong insulto.

"Diegs, akyat ka na muna sa kwarto ko. Andun yung mga gamit mo. Sa kwarto mo kasi tumutuloy si Ramcel." mahinang wika ng daddy sa akin animoy galing sa pagkatalo.

"okay Dad. Pano maiwan muna kita Ramcel." paalam ko sabay talikod sa dalawa. Habang paakyat ako sa itaas ay di ko maiwasan magtaka sa aking nadatnan. Andito ang anak ng daddy at parang alam na nito na di ako tunay na anak ng daddy.

Pagkapasok ko ay nakita ko ang aking mga gamit ay nasa isang sulok na maayos na nakasalansan.  Halos lahat ng gamit ko sa kwarto ko ay nakalagay sa kwarto ni daddy maging ang mga stickers ko sa wall ay maayos na inalis at tiniklop.

"Haist! Ano na naman ba ang mangyayari sa akin?" di ko maiwasan na maitanong sa aking sarili. Inilagay ko ang aking dalang maleta at bag sa isang gilid at agad na humiga sa kama ni Daddy.

"RING RING RING" pukaw ng tunog ng aking telepono. Tumatawag si Jomari ang aking pinsan.

"Musta insan? Nakadating ka na sa bahay ninyo?" tanong nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All About DiegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon