Prologue
People would say that it's better to be poor or helpless than rich and arrogant. Well, there's a part of me na sang-ayon sa sinasabi ng iba. Kasi naman diba? Yung ibang tao pag may pera at kapangyarihan na sila nagiging gahaman sa kung anong meron sila. Nagiging sakim at masama para lang sa pera. Lahat gagawin nila kahit ito may nakakabuti o nakakasama alang-alang lang sa pera.
Fuck that money and their mindsets.
Tulad ng sinapit namin noon... hindi sana kami maghihirap ngayon kung hindi lang nalulong si papa sa kanyang bisyo. Dahil sa pagiging despirado ni papa na gustong dumami ang aming pera at mas lalong yumaman, lahat ng inipon naming pera naubos lang sa isang iglap... Nabaon kami sa utang, pati yung negosyo namin nalugi dahil isinangla iyon ni papa at lahat ng yun ay dahil lang sa mga pesting utang!
Kung hindi lang sana naging despirado si papa noon at naging kontento lang sana siya sa kung anong meron kami edi sana hindi ito nangyari.
Yes, galit na galit ako non kay papa. Ang mala prinsesa kong buhay nawala na parang isang bula. Kaya hanggang ngayon hindi ko pinapatawad si papa at mas lalo lang ako nagalit sakanya nong pinagpalit niya kami sa walang kwenta niyang kabet!
I wish we weren't suffering right now... I miss those times. Those times, na hindi ko iniisip yung pera at paghihirap. I miss my almost perfect and one big happy family...
Napabuntong hininga na lang ako sa tuwing naiisip ko ang mga bagay na yun. I sighed again when someone interrupt me.
"Para kanang kambing jan sa kakabuntong hininga mo ng malalim. May problema kaba Jean?" tanong ni ma'am Mira sakin. Agad naman akong napailing at ngumiti sakanya "Wala naman po ma'am. May iniisip lang kaya ganun."
"Oh, ok... akala ko iniisip mo na naman yung pambayad niyo sa renta. Don't worry I will—"
Sunod-sunod ang pag-iling ko and cut her off.
"Naku, ma'am hindi po. Tsaka kahit 'wag niyo na din po ako bigyan ng pera ayos lang naman po maam, may naipon pa naman ako."
"No, it's okay I ins—"
"Ma'am Mira ayos lang po talaga promise!" tinaas ko pa ang kanang kamay ko sabay ngiti ng pagkalaki laki "Totoo po ma'am ayos lang po na huwag niyo na po ako bigyan ng pera, ang laki na po ng utang na loob ko sa inyo... Kaya ma'am maraming salamat nalang po sa alok niyo."
She hold my hands and smiled sweetly at me "Jean, wala namang kaso sakin yun. Kahit 'wag niyo na 'kong bayaran, ok lang sakin yun. Basta ang importante natutulungan ko kayo ng nanay mo, and besides parang anak na rin ang turing ko sayo Jean kaya hayaan mo nakong makatulong sa inyo kahit papaano man lang, hmm?"
"Eh, ma'am nahihiya na po ako kasi—"
"No, darling don't be! Nong tinanggap kita dito noon sa coffee shop ko alam ko ng may mabuti kang puso at mabuti ka ring bata. Kaya nga tinutulungan kita kahit sa maliliit na bagay man lang, kasi nakikita ko sayo ang hirap na pinagdaanan ko din noon. Kaya tanggapin mo na lang mamaya ang perang ibibigay ko sayo, hija. Huwag mo ng tanggihan ang grasya!" napatawa na lang ako sa huling sinabi ni ma'am Mira sakin. Lagi niya na lang kasing sinasabi sakin yan tuwing gusto niya akong tulungan o bigyan ng pera.
YOU ARE READING
My Summer Nights (Summer Series 1)
FanfictionJeannina Shyn Aguilar was born into a wealthy family, but her existence as a princess burst like a bubble because of her father. She has a bitter childhood and is determined to do everything in her power to keep her family out of poverty. She thoug...