Chapter 17
Naalimpungatan ako ng suminag ang araw sa may bandang mukha ko. Napatingin ako sa kamang hinihigaan ni Geo, nagulat ako dahil mas nauna pa siyang nagising kaysa sakin.
"Morning" he greeted me with his husky voice. "Morning, kanina ka pa ba gising?" tanong ko sa kanya.
"Uh, yes."
"Pucha bat di mo ako ginising?!"
"I like staring at you." aniya saka ngumiti.
"Kahit na! Sana ginising mo ako nang saganun—"
I didn't finish what I was supposed to say when the door suddenly opened and there I saw Xian, standing in front of us wearing his playful smile. "Your breakfast is already served." segunda niya. "T-Teka ikaw lang ang nagluto?" nagtatakang tanong ko sakanya.
"Actually I—"
"No he wasn't. I was the one who cooked and prepared your food not this stupid idiot." putol ni Adam sa sinasabi ni Xian na bigla nalang lumitaw.
"Pabida ka talaga kahit kailan, Adamson!" si Xian.
"At masyado ka namang nagpapasikat, Xiandro." si Adam.
"Kailan ka lang dumating dito Adam?" tanong ko kay Adam. "5am kung hindi lang ako tinawag ng isa dito para disturbuhin" sagot niya sabay masamang tinignan si Xian.
"What?" painosente tugon ni Xian. "By the way dude nakuha ko na kotse mo nasa may parking lot" biglang baling ni Adam kay Geo na ngayon ay nakatayo na pala sa tabi ko. "Thanks, dude. Let's go Jean kanina pa naghihintay yung pagkain satin."
Naunang lumabas sila Adam at Xian papunta sa may dining table. Habang kami naman ni Geo ay tahimik lang na nasa may likuran. Pinaghila ako ng upuan ni Geo kaya nagsabi na lang ako ng 'salamat' sa kanya.
"Naks uso pala sayo pagiging gentleman brad?" kantyaw ni Xian kay Geo.
"Shut up." naiiritang ani ni Geo.
"Hoy, Adamson University ipaghila mo nga ako ng upuan kagaya nong kay—"
"Just eat idiot" masungit na tugon ni Adam kay Xian.
"Edi wag! Ganyan naman kayo! Sa mga babae niyo daig niyo pa santo tapos sakin ang demonyo niyo! You guys hurt my feelings! Ok, lang sino ba naman ako para tratuhin niyo ng tama diba?" nagiinarteng sabi ni Xian. Binatukan ni Geo at Adam ang kaibigan dahilan ng pagka tahimik neto, kumakain habang nakanguso ang kawawang Xian.
Bagay nga silang tatlo pagsamahin mga may saltik sa ulo!
Natapos kaming kumain na tumatawa ng dahil sa mga banat na nakakatawa ni Xian na lagi namang binabara ng dalawang ugok. Mahimatay matay na ko kakatawa sa kanilang tatlo tapos patuloy parin sila sa pagtatalo. Malamang sa malamang sakit sa ulo sa dadalhin nila sa kanilang magiging asawa susmaryosep!
YOU ARE READING
My Summer Nights (Summer Series 1)
FanfictionJeannina Shyn Aguilar was born into a wealthy family, but her existence as a princess burst like a bubble because of her father. She has a bitter childhood and is determined to do everything in her power to keep her family out of poverty. She thoug...