Chapter 22

41 5 0
                                    

A/N: Hi sweetens! Pasensya na kung ang tagal kong magupdate. As much as I want to na magupdate araw-araw ay di talaga kaya ng sched ko. Anyways happy new year sweetens! Have fun while reading!


Chapter 22


Ilang araw kong hindi pinapansin si Geo. Ilang araw ko na din siyang nilalayuan at iniiwasan. Neilla wants to ask me and know the truth, but she can't talk to me directly because she respects my decision. Even Geo's friends notice my actions towards Geo. Nahahalata nila na iniiwasan ko ang lalaki pero hindi sila nagtanong dahil sa nirerespeto din nila ang desisyon ko.


I even deactivated all my social media accounts to get rid of their harsh comments about me. Hindi ko kayang makita o mabasa ang masasakit na pinagsasabi nila tungkol sa akin na hindi naman totoo.


"Jean, ayos ka lang ba talaga?" tanong ni Niella sakin ng mapansin niyang kanina pako tahimik. Kasalukuyan kaming nandito sa may coffee shop dahil namimiss na daw ni Niella na tumambay dito kasama ako. "Ha?" sagot ko sakanya.


"Tell me the truth, Jean."


"A-Ayoko na siyang makita—"


"Si Geo ba? Ano bang nangyari sa inyong dalawa? Nakakawindang yung bigla mo nalang nilalayuan at iniignora yung tao."


Napayuko ako sa sinabi ng kaibigan sakin. Hindi man niya alam ang dahilan kung bakit ko nilalayuan ang lalaki pero nararamdaman niyang may mali. I can't tell her yet... Ayokong maalala ulit iyon. Ayokong umiyak na naman ako gabi-gabi ng dahil sakanya.


"Niella, tama ba yung desisyon ko na layuan si Geo?" tanong ko sakanya, nabasa ko naman sa mga mata niya ang pagtataka. "What? Tama nga ang hinila ko na may mali sa inyong dalawa! Ano? Susugurin ko na ba ngayon din yung impaktang Alia na 'yon?!" Hinawakan ko ang kamay niya at pinakalma dahil parang susugurin niya talaga si Alia ng wala sa oras.


"Ayoko na kasing umiyak Neilla... pagod na din akong intindihin siya at umasa sa mga pangako niyang di naman natutupad..."


Nararamdaman kong parang babagsak na naman ang mga luha ko ng wala sa oras. Napalitan ng pag-aalala ang itsura ni Niella nang sambitin ko ang mga salitang yun. Marahan niyang hinawakan ang dalawa kong kamay.


"Kung gusto mo talagang layuan si Geo. I will support you no matter what, hmm?"


"Ang dami ko ng problema sa bahay Neilla ayoko ng dagdagan pa iyon... Hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Gulong-gulo nako." tuluyan nakong napahikbi. Agad lumipat si Niella sa tabi ng upuang inuupuan ko upang yakapin ako ng mahigpit.


"Hindi mo naman kailangan pasain lahat ng problema mo Jean dahil nandito naman ako, hand kang tulungan."


"Nahihiya nako sayo Neilla. Ang dami ko ng utang—"


"Don't say that!"


"Pero—"


My Summer Nights (Summer Series 1)Where stories live. Discover now