Chapter 5

43 10 0
                                    

Chapter 5


"If that's what you call what I'm doing now, then it's a date..."


Para akong nabinge ng ilang minuto dahil sa sagot niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya kaya kinuha ko na lang ang cellphone ko na nasa loob ng aking bag.


"Pwede ba akong maki-connect sayo?" tanong ko.


"Hotspot ba?"


"Hindi. I-I mean ng bluetooth. Gusto ko kasing makinig ng music..." pagpapaliwanag ko sakanya. Tumango lang siya sakin indikasyon na pwede kong gawin ang gusto ko.


Agad ko namang binuksan ang aking bluetooth at ang sa maliit na screen ng sasakyan niya. Nang ma-i-connect ko ang aking cellphone sa may screen ng sasakyan niya ang nag patugtog agad ako ng music sa spotify.


Wala akong ibang ginawa sa loob ng kotse ni Geo kundi ang makinig ng music at nakikisabay rin sa kanta. Pinuri pako ng ugok na 'ang ganda daw ng boses ko' at 'ang sarap daw pakinggan'. Tuloy panay irap lang ako sa kanya at sinungitan dahil alam kong nambobola lang sa kanya.


He's a typical playboy. I don't know if ilan naba ang naging girlfriend niya. Bat naman ako magiging interesado kung ilan na ang ang naging jowa niya, eh wala naman akong paki kahit may ka fubu pa siya jan.


"May tanong ako." biglang tanong ko sa kanya nong huminto ang sasakyan dahil traffic. 


"What" tamad na tanong niya rin sakin. "Do you have a girlfriend?" hindi agad siya makapagsalita sa tanong ko na tila ba gulat na gulat siya sa naging tanong ko sa kanya. Natawa ako ng sarkastiko ng ilang minuto siyang hindi nakapag salita.


"Huwag muna lang—"


"Why? Do you want to apply?"


"Hindi." narinig ko lang na pagak siyang natawa sa sinabi ko. Naramdaman kong umaandar na ulit ang sasakyan niya at makalipas ang ilang minuto ay dinala niya 'ko sa isang mamahaling restaurant.


Talagang ki-na-reer niya yung sinabi niya sakin kanina ah?


"What do you want?"


"Kahit ano nalang."


Tumango lang siya at nagtawag ng waiter para mag-order. Ako naman ay nagcecellphone lang at chinachat si Neilla habang naghihintay ng pagkaing inorder ni Geo para samin.


Neilla Ramos:

Jean miss ko na sila Tita Jen:(( Punta kaya ako jan sa inyo ngayon? At jan na rin ako kakain at matutulog!


Jeannina Aguilar:

Huwag muna ngayon.


Neilla Ramos:

BUT WHY?!! WHY WHY WHY DELILAH.


My Summer Nights (Summer Series 1)Where stories live. Discover now