Chapter 6

51 10 3
                                    


Chapter 6


Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas matapos nong huling interaksyon namin ni Geo. Hindi na kami masyado nagkikita dahil bumalik na si Ma'am Dela Cruz. Paminsan minsan pag nagkakasalubong kami ay ako ang unang umiiwas at hindi ko din alam kung bakit. 


Week finals namin ngayon dahil sa susunod na pasukan ay third year college na kami ni Neilla kaya medyo busy na kaming lahat. Busy ang lahat at kanya-kanyang review at memorization ang iba dahil yun nalang daw ang final requirements namin ngayon last sem para makapasa. 


"Nakakamiss naman si Sir Papellino. Dati pinapalabas tayo pag wala tayong nagawang projects at assignment." ani ni Neilla habang nakatanaw sa labas tila nagbabalik tanaw sa nakaraan.


"Buti kamo namiss mo si sir eh kaso ako hindi"


"Paano mo naman hindi namimiss si sir eh ikaw favorite student nun! Like 'Ms. Aguilar, get out!' o di kaya 'Ms. Aguilar bakit wala kang ipinasang project?!'" sabi niya sabay tawa ng malakas, nang aasar at ginagaya pa ang boses ng dati naming prof na terror. 


"Ha-ha nakakatawa sis? Nakakatawa? Tsaka kasalanan ko bang pinaglihi sa sama ng loob yung si sir? Alam mo tangina mo talaga, mag-memorize kana nga lang jan bwisit ka! Pag ikaw di makarecite ng tama sa harap mamaya tatawanan talaga kita" 


"Isang daang pakyu para sayo beh panira ka!" nakangusong saad niya saka nagpatuloy nagpatuloy magbasa at magmemorize sa notes niya. 


Umirap nalang ako at tsaka nagpatuloy sa ginagawa ko. Hindi ko na kailangan mag memorize dahil nasaulo ko na yan last week kaya wala akong pinoproblema. Ewan ko ba kay Neilla bat ngayon lang niya naisipan magmemorize eh last month pa yan pinatake down notes ni ma'am. Baka palihim na lumalandi tong bruhang to, eh. 


I smell something fishy!


Ilang minuto lang ay dumating na ang prof namin kaya nag kanya kanya kaming ayos ng upuan at nagsimula ng mag tawag si ma'am ng mga pangalan para magrecite sa harapan. Pangatlo akong tinawag at confident naman akong tumayo at pumunta sa harapan ng classroom namin because I've memorized it already and there's nothing to worry about. 


Nang matapos akong mag-speech sa harap ay nagsipalakpakan naman ang mga kaklase ko at pati na rin si Neilla at yung prof namin. 


"That was a nice speech then Ms. Aguilar, you may now take your seat." puri ng professor sakin. "Thank you, ma'am," sabi ko saka bumalik sa upuan ko.


"Galing mo talaga Jean!"


"Wala na top one na naman 'to pusta ko."


"Ang galing sana all na memorize yung ganon ka habang speech. Pa share it naman ng brain cells jan Jeannina!" 


"True, parang kamag anak ni Einstein eh." 


Agad namang pinatihimik ni ma'am yung mga classmate kong pinupuri ako ng mga walang kwentang pinagsasabi. Nong tinawag na si Neilla ay pumalakpak ako and I just mouthed her of 'kaya mo yan!' and smiled.

My Summer Nights (Summer Series 1)Where stories live. Discover now