Chapter 15

36 5 0
                                    

Chapter 15


It's been two weeks... two weeks without interacting with him... Every time I recall that scene, napapaluha nalang ako ng wala sa oras. Hindi ko lubos maisip na nagawa niya yun sakin—sa harap ko pa mismo... Ilang linggo na din akong nagtatrabaho dito sa bago kong pinasukang trabaho.


Nagpapasalamat ako kay Hugo at sa tita niya kasi ng dahil sa kanila nakapagipon-ipon ako kahit papaano. I admit that I'm still mad at Geo because of what he did... but my heart can't deny that I'm always looking for his presence...



Nang dahil sa bago kong trabaho nakapagbayad na din kami ng upa at salamat sa diyos dahil hindi kami napalayas. I don't know what to do anymore kung tuluyan kaming napalayas ng may-ari. 


Hugo was always by my side from that day on, even though he didn't have to be. But I am grateful to him because he continues to assist me with our project. Because of his great idea, we received the highest attainable score. He teaches me new things, and I have to admit that what he does makes me feel better.


"Kamusta ka naman dito sis?" pangungumusta ni Neilla sakin nong nakaraan. "Ok, lang naman ako. Maayos naman ang trato nila sakin." 


Binisita ako ni Neilla sa pinagtatrabahuhan kong restaurant. Gusto nga niyang bigyan niya ako ng pera pang bayad dun sa upa namin kaso tinanggihan ko dahil ayokong umasa sa kanya. Nahihiya nako sa kaibigan ko at sa magulang niya. 


"Dapat lang na maayos ang trato nila sayo no! Kundi babangasan ko yung Hugo na yun dahil siya ang nagpapasok sayo dito." 


"Grabe ka naman ang sama ng pagkatao mo." 


"Nagiging masama lang ako kapag may nanakit sa mga pinapahalagahan kong tao duh." 


Ang sweet talaga netong bestfriend ko, kinikilig nako ah charot.


"Naks, bakit ang sweet ng beshy ko?" 


"Tumahimik ka jan." 


"Oh, kamusta love life?" tanong niya. Napakunot ang noo ko sa kanya. Hindi naintindihan ang ibig niyang sabihin. 


"I mean kayo ni Hugo bruha!" 


"Anong kami ni Hugo tanga walang kami baliw!" 


"Anong wala? Eh, halos magkadikit na nga kayo nong lalaki. Kung hindi lang tanga tong si Geo malamang naging kayo na ngayon."


"Don't bring that man into our conversation, nakakasuka." sabi ko sabay irap sa kawalan. I heard Neilla laugh at my reaction. "Ay wow, bakit naging bitter ang beshy ko?" Umismid lang ako saka pabalang na binato sa kanya yung tissue na nasa may lamesa na inuupuan namin ngayon. 


"Ikaw ba? How is your life now? Also, did you recognize what you were talking about from your new crush? What is his name again?" Pinagcross niya bigla ang kanyang mga braso dahil sa naging tanong ko. I could read in her expression that she didn't want to talk about the person I was referring to.

My Summer Nights (Summer Series 1)Where stories live. Discover now