Chapter 18
"Hoy Jeannina! Ano tong nabalitaan ko na kayo na daw ni Geo?"
Napailing nalang ako sa tinanong ng kaibigan. Nakuha niya pang tawagan ako nong nakauwi nako samin after Geo drove me home. "Saan mo naman nakuha ang balita na yan?" I frowned.
"Huwag ka ng maraming tanong jan! Just answer my question, ikaw na inggrata ka palagi mong iniiba ang usapan!"
"Hindi pa kami ok? We're in ligawan stage kumbaga."
"Omg, for real?!"
Bahagya kong nailayo ang phone sa aking tenga ng biglang tumili ng malakas si Neilla.
Inang to may balak atang hindi ako makarinig dahil sa lakas ng tili!
"Pwede ba? Huwag ka ngang magtititili jan! Mabibinge pako dahil sayo."
"Ang kj mo eh no? Hindi ba pwedeng I'm so kinikilig ganern?!"
"Tumigil ka jan Divina. Kayo ba ni Adam anong level na?" pang-aasar ko sa kanya at narinig ko naman sa kabilang linya na tila napasinghap siya sa tanong ko. "What the hell, Jean?! Anong ano kami ni Adam? Excuse me hinding hindi ako papatol sa masungit na yun! Daig pa niyang may regla!"
"Weh? Totoo? Wag kang magsalita ng tapos baka sa huli kainin mo yang sinasabi mo."
"Shut up ok? I would never ever like that guy. Over my dead and precious body!" saad niya, nandidiri.
I chuckled and continue to tease her at nararamdaman kong napipikon na siya sa mga pang-aasar ko kaya huminto nako. Pagkatapos nun ay saka na namin pinutol ang tawag dahil matutulog pa kami.
I busied myself more kasi malapit na yung midterm namin. Hindi akong pwedeng bumagsak at mas lalong hindi ako pwedeng mawala sa dean's list dahil maapektuhan ang scholarship ko.
I'm here at the library reading some information about our lesson and I assume that these things I am reading will appear in our midterm exam. I stopped reading a little when someone sat across from me.
"Busy?" I heard Geo's voice.
"Isn't it obvious?" I replied the reason why he chuckled. "Just go straight to the point. What are you doing here?" tanong ko sa kanya. This time tinignan ko na.
"Isn't it obvious?" panggagaya niya sinabi ko.
"Tangina mo umalis ka dito nag-aaral ako."
"Why? Am I not allowed to sit here?" he asked with one eyebrow raised.
"Ewan ko sayo bahala ka sa buhay mo"
Hindi ko na lang siya pinansin at ipinagpatuloy ang ginagawa ko kanina. Pero imbes na mag focus ako sa binabasa ko ay walang pumapasok sa utak ko. Naiilang ako dahil nakahalumbabang tititigan ako ni Geo at mas lalo lang akong naiilang dahil karamihan sa loob ng library ay pagtitinginan kami.
YOU ARE READING
My Summer Nights (Summer Series 1)
FanfictionJeannina Shyn Aguilar was born into a wealthy family, but her existence as a princess burst like a bubble because of her father. She has a bitter childhood and is determined to do everything in her power to keep her family out of poverty. She thoug...