Chapter 9

45 9 0
                                    

Chapter 9


Tahimik lang kaming dalawa ni Geo sa loob ng sasakyan niya hanggang sa napansin kong papunta kami sa tabing dagat.


"Bakit mo ako dinala rito?" I asked him.


"Bumaba ka nalang."


"What?"


"Baba kana." casual na sabi niya.


Umirap muna ako bago bumaba sa kotse. Pagbaba ko ay bumaba na din siya at naunang naglakad papunta sa dalampasigan. Medyo makulimlim na ang ulap at ang hangin din ay lumalakas na.


"I was used to go here just to calm myself." aniya nong nasa harap na kami ng dalampasigan.


"Bakit pa siya nagpakita bigla?"


"Who?"


Bumuntong hininga muna ako saka sumagot "Si papa..." sagot ko saka mapait na natawa.


"I didn't know that Tito Samuel is your dad, what a small world."


Napalingon ako saglit sa kanya saka binalik ang paningin ko sa dagat. "Tito? Kaano-ano mo si papa?"


"Well, he's my dad's best friend."


Tumango lang ako at tahimik na pinagmamasdan ang alon ng dagat. Parang tila kinakalma ako ng alon sa tuwing pinagmamasdan ko ito sa kabila ng makulimlim na langit.


Ilang taon nakong hindi nakapunta ng dagat ah?


Nang maramdaman kong parang namamanhid na ang mga paa ko ay umupo muna ako sa buhangin habang si Geo naman ay nakapamulsang nakatayo pa rin, medjo magulo na ang buhok dahil kanina pa hinahangin.


Pinagmasdan ko ang itsura saglit ng lalaki. His perfect jaw, his perfect nose and lips. Kahit magdidilim na, I can still see his beautiful light brown eyes. Sa kabila ng malafuck boy niyang hitsura ay hindi ko maipagkakailang gwapo siya sa malapitan.


"Baka matunaw ako kakatitig niyan." biglang sabi niya kaya iniwas ko agad ang tingin ko. "Tss." tanging nasabi ko saka narinig ang mahinang pagtawa niya.


I sighed again and cleared my throat "Alam mo ba bata pa lang ako malaki na ang galit ko sa tatay ko..." pagsisimula ko. "Bakit naman?" tanong niya sakin, nakabaling na ang paningin sa direksyon ko.


"Ewan. Galit na galit ako sa kanya noon dahil iniwan niya kami, at hanggang ngayon galit pa rin ako sa kanya. Pero nakakatawa lang kasi... kasi miss na miss ko siya sa kabila ng malaking galit ko sa kanya..."


Tahimik lang na nakikinig sakin si Geo at naramdaman ko naman na umupo siya sa tabi ko.


My Summer Nights (Summer Series 1)Where stories live. Discover now