CHAPTER 5

4.1K 178 6
                                    

LUCILLE'S POV

Matapos ang nangyari hindi na kami muli nag-usap ni Sir. Halos hindi na rin siya namamalagi rito sa condominium niya kaya naman madalas solo ko ang lugar. Hindi pa rin ako nagso-sorry sa kaniya dahil hindi ko pa naman siya niti-tyempuhang umuuwi. Nahihiya rin kasi akong kausapin siya. Syempre, ikaw ba naman sampalin mo ang amo mo hindi ka ba mahihiya? Daig ko pa asawa niya kung umasta, amp.

Pupunta nga ako ngayon sa center para paturukan si baby. Hinihintay ko lang sila tita Dia at Hammer para samahan ako. Ayaw nilang aalis ako ng mag-isa dahil hindi ko naman daw kabisado ang lugar. Mahirap na rin daw kung magko-commute ako. Baka makasama raw sa bata ang pollution. Binihisan ko na si baby at hinanda lahat ng dapat dalhin. Siniguro kong kompleto ang lahat para oras na umalis kami, walang kulang.

Ilang minuto pa ang hinintay ko dumating din silang dalawa. Tinulungan ako ni Hammer na dalhin ang ibang gamit tapos si tita Dia naman kinuha sa akin si baby. Siya na lang daw muna ang magdadala hanggang mamaya.

“Nagbati na kayo?” Bulong sa akin ni Hammer.

Umiling ako. “Hindi na siya umuuwi rito,” mahinang sabi ko sa kaniya.

Tumaas ang kilay niya. “Hindi siya bumabalik dito? Mukhang na-offend mo talaga siya, ah,” sabi niya. Nakaramdam na naman tuloy ako ng guilt.

“Gusto ko namang mag-sorry kaso hindi ko siya natatagpuan kapag na-uwi siya. Ewan ko ba kay Sir Gray, parang bula na bigla-biglang nawawala!” Reklamo ko.

“Kahit ang ex girlfriend niya hindi siya nasasaktan before, ngayon lang siya nakatanggap ng sampal mula sa ibang babae,” aniya.

Tumingin ako sa kaniya. “Ano ng gagawin ko? Pakiramdam ko mas pahihirapan pa ako ni Sir dahil sa katangahan ko,” may pagma-makaawa sa tono ng aking pananalita. Humihingi ako ng tulong sa kaniya kasi mas kilala niya ang kaibigan niya.

“Hayaan mo na kapag pinahirapan ka, deserve mo naman. At saka deserve niya ring masampal para magising na siya,” sabi nito sabay ngumiti ng naka-aasar.

Yawa ka, Hammer!

“Deserve mo rin masampal, tsss!” Sa inis ko ay na-una na akong maglakad sa kaniya. Narinig ko pa ang malakas niyang tawa pero hindi ko na pinansin.

Haysss!

Kung mga kagaya lang sana ni Hammer ang amo ko madali sanang pakisamahan. First time ko lang naman mapunta sa ganitong klase ng amo kaya hindi ako sanay. Hindi na lang siguro ako matutulog mamaya lara matyempuhan ko naman si Sir. Hindi ako p'wedeng magkaroon ng conflict sa kaniya ng matagalan, baka hindi niya ako pasahurin sayang naman mga paglilinis at saka pagluluto na ginagawa ko.

Kasalukuyan na kaming na sa center ngayon. Ako muna ako umupo at nagpila kay baby dahil bibili raw si tita Dia ng makakain. Si Hammer naman na sa sasakyan lang. Ayaw daw niya pumasok sa lugar na ito dahil baka ma-issue raw siya na may anak na. Sayang daw ang kapogian niya. Tangina niya! Ang dami niyang alam maging mabait lang minsan ang hindi.

Habang nakapila, hindi nawawala ang mga matang nakatingin sa akin at sa sanggol na hawak ko. Ito na naman tayo sa mga mapanghusga nilang titig. Kailangan ko pa bang sumigaw ulit ng kung ano-ano? Ang sarap pagtutusukin ng mga mata nila. Nagbu-bulungan pa akala mo mga bubuyog. Tanggalin ko kaya mga mata niyo? Kung wala lang akong hawak na bata baka kanina pa ako sumampal ng tsismosa. Tingin nang tingin sa akin losyang naman na. Sa ganda kong 'to pagkakamalan ba naman akong batang-ina?

I mean, wala namang mali sa batang ina pero mali kung sa akin nila sasabihin. Mas tatanggapin ko pa na ang liit ko tapos nanay ako ng batang 'to kaysa sabihan ako ng batang ina, hindi naman na ako bata. Nako, nako, Lord! Ilayo mo 'ko sa mga masasamang nanay na 'to. I swear maglalakihan na ang mga anak nila ng tsismosa gaya nila, hmp!

Babysitting the badboy son [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon