This chapter is dedicated to bitchy_me01 Thank you for reading my story, hope you enjoy it!
LUCILLE'S POV
Balik na naman sa pagdurusa. Kailan na naman kaya ang day off ko. Isang araw lang day off ko, bitin na bitin. Nagkita pa kami ni Sir Gray ng hindi sinasadya. Minsan nakakasama na rin ang mukha niya. Syempre kidding lang. Ang guwapo kaya niya paano ako magsasawa sa mukha niya. Lalo na 'yong mata niyang hazelnut. Ang sarap dukutin tapos ipalit sa akin. Sana nga ako na lang ang may gano'ng mata para marami rin ang ma-in love sa akin.
Nakatanga lang ako ngayon habang nakatingin sa alaga kong baby. Naglalaro ito kaya hindi ko ginagambala. Baka kapag ginambala ko siya umiyak na naman. Maganda nga 'yong ganito. Siya natututong manahimik. Pagka-uwi ko galing day off kinuha ko agad 'to sa condominium ni Hammer. Natatawa pa nga ako kasi naabutan kong gising ang bata tapos 'yong taga-bantay ang sarap-sarap ng tulog. Hindi niya alam na kinuha ko ang baby kaya naman napatawag agad siya kay Sir Gray dahil nawawala raw ang bata. Kasalanan niya naman 'yon tulog siya nang tulog imbis na binabantayan ng maigi si baby Zhairo. Habang lumalaki si baby lalong kumukulit. May time na sinusubo niya ang paa niya. Ewan ko paano niya nagagawang paabutin ang paa niya sa bibig niya. Astig nga, eh. Kung ako hindi ko kaya 'yon.
Maikli kasi binti mo, self.
“Ge-ge.” Napatayo akong bigla ng marinig ang salitang iyon. Gulat akong napatingin kay baby sabay tumili ng pagkalakas-lakas.
Tama ba 'yong narinig ko?! Nag-salita siya, shit! May kaya ng bigkasing words ang alaga ko! Wahhhhh! 2 ½ months pa lang siya nakapag-salita na! Shit, how to calm down?!
“What the hell is happening here?!” Tanong ni Sir Gray na tila nagulat din sa akin. Mabilis akong lumapit sa kaniya sabay yumakap.
“What the—”
Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. “Nagsasalita na sa baby, Sir!” Tuwang-tuwa na balita ko sa kaniya.
“Really?” Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Tumango naman ako ng may malapad na ngiti. Halos mapunit na ang labi ko sa ngiti.
“What did he say?” Tanong niya. Tumingin siya sa anak niya.
“Ge-ge raw. Hindi ko alam kung ano 'yon pero, WAHHHHHHH!” Muli ko na naman siyang niyakap.
“Woah, easy, Dwarf. Are you hugging me on a purpose?” Bigla akong napabitiw sa kaniya sabay layo. He smirked at me. Lumabas ang konting ngipin niya. “Malapit na talaga akong maniwala na may pagnanasa ka sa akin.” T-Tangina!
“Wala, ah! Masaya lang kaya ako! Nadala lang ako ng saya ko kasi nagkaroon na ng first word ang alaga ko!” Defensed ko.
“Hm? Part bang pagiging masaya ang pagyakap? You hold my hands and hug me for two times. Part pa ba ng pagiging masaya 'yon, hm?” Makahulugang tanong niya. Mas lalong lumapad ang kaniyang ngisi.
“S-Sorry po. H-Hindi ko naman sinasadya... s-sadyang nasobrahan lang ako sa saya.” Nakayukong sabi ko. Nahihiya ako at saksi ang umakyat na dugo sa tainga at mukha ko sa pagkahiya ko. Parang sasabog na sa init ang pisngi ko.
“Tsss, anyway dahil sa magandang balitang 'yan magbihis kayo ng anak ko may pupuntahan tayo,” aniya na ikina-angat ng ulo ko. Hindi niya ako hinintay na makapagtanong, bigla niyang sinarado ang pinto.
Kay bilis na naman ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko hihimatayin ako. Did I just hug him? Ang bango niya! Amoy na amoy ko ang mamahaling pabango sa leeg niya. Naramdaman ko ang ma-muscle niyang dibdib ang braso, fuck! Tumingin ako sa alaga kong nakatingin din sa akin. I smiled at him and poked his nose.
![](https://img.wattpad.com/cover/298682177-288-k43857.jpg)
BINABASA MO ANG
Babysitting the badboy son [✓]
RomansaAnong gagawin mo 'ko mag-aalaga ka ng anak ng isang masungit na tao? Lucille, ang babaeng naghahanap ng trabaho. Sa sobrang pagiging desperada nitong makahanap, agad niyang tinanggap ang alok ng dati niyang kasama. Akala niya'y simpleng pagiging ba...