CHAPTER 29

3.6K 142 3
                                    

GRAY'S POV

Simula kagabi hindi pa ako umuuwi. Pinanindigan kong sa tabi lang ako ni Lucille. Na-CT scan na rin siya. I am just waiting for the result. As for my son, pina-uwi ko muna siya kay nanay Felly. Ibabalik din nila si Zhairo rito mamaya. Hindi ko na pinansin ang pagsakit ng ulo ko. Gusto ko lang talagang na sa tabi ko ni Lucille.

“Umuwi ka muna, Gray. Wala ka pang tulog at kain simula kagabi,” sabi sa akin ni tita Dia. Hawak niya ang balikat ko.

“Ayaw ko. Dito lang ako sa tabi ni Lucille. She need me,” matigas na sagot ko.

Wala akong maramdamang antok at pagod. Kahit na ang gutom hindi ko maramdaman. All I want is to spend my whole time with her. She need me. I need her. Kahit anong mangyari hindi ako aalis sa tabi niya.

“Nasaan si Hammer?” Tanong ko.

“Na sa labas siya. Kararating lang niya galing bahay.”

Tumango ako. Hinalikan ko ang kamay ni Lucille bago tumayo at lumabas. He was sitting on a bench. May mababakas ka ring puyat sa kaniya dahil kagabi inutusan ko siyang kuhaan ako ng mga gamit. I plan to stay here hanggang sa magising at makalabas si Lucille. Na sa private room siya ngayon. Only relatives lang ang makakapasok. I'm afraid na baka balikan siya ng lunatic kong ex. Dito rin muna sa akin si Zhairo. Si nanay Felly muna ang bahala sa mansion.

“How is she?” He asked.

I shook my head. “Still waiting for the result. Can I have a favor? Ngayon lang naman 'to.”

“Ano 'yon?”

“P'wede bang ikaw muna ang bahala sa company?”

“What?! Hey, hindi ko kaya 'yon! Malaking responsibility 'yang binibigay mo sa akin, Gray! Hindi ko kaya!” Tanggi niya.

“Please, Hammer, please. I'm begging you. Kahit hanggang makalabas lang si Lucille, please. I can't leave her. She need me. My son need me. Please, do me a favor. Nakikiusap ako not as your friend but as your childhood friend,” I pleaded. Luluhod pa sana ako pero agad akong pinigilan ng dalawang kamay niya.

“Fuck, don't do that! H'wag ka ngang lumuhod, nyeta ka!” He sighed. “Sige, ako na muna ang bahala sa company,” pagtanggap niya sa alok ko. Ngumiti ako sa kaniya ng pilit. Hindi ko pa rin kayang ngumiti ng malapad sa kahit na sino ngayon.

Paano ako ngingiti kung alam kong na sa loob ng puting pinto na nasa harap ko ang babaeng mahal ko? Nakaratay at hindi makagalaw. Walang kasiguraduhan kung kailan magigising. At mas lalo akong kasiguraduhan kung kilala niya pa ako oras na nagising siya. Ang daming negatibong bagay ang pumapasok sa isip ko. Natatakot ako na baka kapag gumising si Lucille itanong niya kung sino ako at anong ginagawa niya sa loob ng kuwartong iyon. Iniisip ko pa lang parang gusto ko na agad bawian ng buhay. Gusto kong patayin ang gumawa sa kaniya ng ganito.

Alang-alang sa anak ko isinangtabi ko ang galit ko. Iniisip ko rin kung anong iisipin sa akin ni Lucille kapag nagising siya at nalamang napatay ko si Niza. What important to me is her condition. I must stay beside her. Hindi ko siya iiwan kahit anong mangyari. Marahan kong hinaplos ang pisngi niya. Mala-anghel ang kaniyang ganda. Mapait akong napangiti kasabay ng pagtulo na naman ng aking luha. I don't know how many times I cried.

“Sweetheart, be good, okay? I love you. Hinihintay ka na namin ni baby Zhairo. Alam mong hindi ko kaya 'to mag-isa. You know how much I wanted to be with you so, please.... h'wag mo 'kong kakalimutan o iiwan. Mahal kita, Lucille. Mahal na mahal kita.” I uttered.

She's so damn beautiful!

“Gray, h'wag kang masyadong mag-isip ng kung ano-ano. Malakas si Lucille, I know she's fighting,” saad ni tita Dia. I know she's trying to comfort me.

Babysitting the badboy son [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon