LUCILLE'S POV
Masakit ang pamamaalam ng hindi ka nagsasabi. Pero may kasabihan din naman na kung gusto mong iwan ang isang tao, h'wag ka na lang magpaalam para hindi mo makita kung gaano ito nasasaktan sa ginawa mo. Sa kaso ko ngayon, iiwan ko siya ng hindi niya alam para hindi na siya mag-abala pang ipaliwanag sa akin ang nakita ko. Paulit-ulit kong sasabihin na mahal ko si Gray. Minahal ko siya ng tunay. Ang mali ko lang talaga ay umasa ako sa mga bagay na imposible dahil sa una pa lang alam ko ng magiging malaking kontrabida ang tadhana sa pagmamahalan namin.
Kasalukuyan kaming nag-iimpake ngayon. Nandito pa rin si Hammer. Siya na raw nag maghahatid sa amin patungong airport. Binigay na sa akin ni Tita Dia ang lahat ng sahod ko. Kasama pa nga ang bonus pati na raw ang pera para sa pagpapa-check up ko kada buwan. Sila ang nag-sorry para sa ginawa ni Gray. Ano pa bang silbi ng sorry? Wala na, halos hindi na ako natulog kagabi kaka-iyak. Hindi na mabubura ng sorry ang bawat luhang pinatak ko. Hindi maaalis ng sorry ang sugat na sobrang lalim dito sa puso ko.
“Talaga bang kailangan mong sumama kay mama pabalik sa probinsya? Ayaw mo bang lumayo na lang muna o kaya lumipat tayo ng uupahan?” Kanina pa niya tinatanong ang bagay na 'yan. Iisa lang naman ang sagot ko.
“Sinabi ko naman na sa'yo, Acylle. Gusto ko munang lumayo, gusto ko munang umalis dito sa Manila, gusto kong.... makalimutan si Gray sa mabilis na paraan,” pag-uulit ko sa kaniya ng sagot ko.
Nagpadyak siya sabay umupo sa kama. “Ilang taon na tayong magkasama rito, eh! Biglaan ang pag-uwi mo kaya hindi ako ready na mawawalan ako ng kamag-anak dito!”
“Dadalawin naman kita kapag maayos na ang pakiramdam ko.”
“May sakit lang ang dinadalaw, Lucille! May sakit lang!” Galit na aniya.
Umupo ako sa tabi niya. “Basta babalik ako kapag okay na, ha?” Hinawakan ko siya sa kaniyang balikat.
Ayaw ko rin namang umalis. Ayaw kong iwan ang pinsan ko dahil nangako na sabay kaming babalik sa probinsya. Ang kaso nga lang mukhang hindi na matutupad lahat ng pinangako namin sa isat-isa.
----
Kababa ko pa lang sa kotse. Kasunod ko si tita tapos si Acylle. Huli na si Hammer dala ang dalawang maleta namin ni tita. Papasok na sana kami ng airport ng may marinig kaming sigaw mula sa kabilang kalye. Sabay-sabay kaming napalingon sa sumigaw. Gano'n din ang mga tao sa paligid. Laking gulat ko ng makitang si Gray ito. What is he doing here?! Hindi ba dapat nandoon siya kay Niza.
“LUCILLE, PLEASE, DON'T LEAVE ME!” He shouted while looking at me. Nakatingin din sa akin ang ibang tao. Tila wala na siyang pake kung maging kahiya-hiya man siya sa harap ng nakaparaming tao.
“Tita, tayo na,” aya ko kayla tita. Nakatingin ako sa kaniya ngunit ang paa ko ay humakbang na pasulong.
“WAIT FOR ME, LUCILLE! PLEASE! LET ME EXPLAIN! PLEASE!” He begged. Lumuhod siya na ikinagulat ng lahat. Lalo akong nakaramdam ng pagkapahiya dahil may mga nagvi-video na sa ginagawa niya.
“KAHIT ILANG MINUTO LANG, LUCILLE. NAKIKIUSAP AKO SA'YO, KAHIT ILANG MINUTO LANG!” He begged. Dahil sa sikat ng araw kita-kita ko ang pagkabasa ng pisngi niya sa luha. Hindi, hindi ako p'wedeng magpadala sa mga luhang iyon. Nasaktan ako sa nakita ko. Dinurog no'n ang puso ko.
Nagtama ang aming paningin. Nakikiusap ang kaniyang mga mata. Humihingi ng permiso na palapitin ko at magpaliwanag na siya. Binaba ko ang tingin ko sa semento at tuluyan ng tumalikod. Pinili ko 'to para pareho na kaming makalaya sa maling pagmamahalan na meron kami. Dapat na niyang buohin ang pamilyang nasira. Haharapin ko rin ang bago kong mundo kung saan wala ng Gray Daniel Stevenson na mangungulit sa akin tuwing nananahimik ako. Wala ng magagalit sa akin kapag nag-iingay ako. Wala ng hahalik sa noo, labi, at pisngi ko palagi. Kailangan kong tanggapin ang bagay na iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/298682177-288-k43857.jpg)
BINABASA MO ANG
Babysitting the badboy son [✓]
RomanceAnong gagawin mo 'ko mag-aalaga ka ng anak ng isang masungit na tao? Lucille, ang babaeng naghahanap ng trabaho. Sa sobrang pagiging desperada nitong makahanap, agad niyang tinanggap ang alok ng dati niyang kasama. Akala niya'y simpleng pagiging ba...