CHAPTER 12

4.1K 156 21
                                    

LUCILLE'S POV

2 months old ngayon ni baby pero heto kami, pupunta sa center at magpapa-bakuna na naman. Si Hammer ang driver namin ngayon. Siya ang maghahatid sa amin at magsusundo. Hindi raw kami masasamahan ngayon ni tita Dia dahil marami siyang aasikasuhin sa company niya ngayon.

“Tumawag ka na lang kapag magpapasundo ka, bansot. Ayaw ko na doon mga tsismosa ang tao doon!” Aniya na may halong pagre-reklamo. Epic ba naman ng itsura niya noong napagkamalan siyang tatay ni baby Zhairo.

“Oo na, pero kahit naman hindi mo na kami sunduin ni baby okay lang, eh. Kaya naman na namin umuwi.” Malaki na kaya ako.

“Utos ni tita 'yon kaya hindi ko p'wede suwayin,” sabi nito. “Oh, nandito na us, ingat kayo ng anak ni Gray kasi kapag hindi mo iningatan 'yan mapipilitan kang gumawa ng ganiyan.” Pang-aasar niya sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Pumasok na ako sa loob ng center at tumabi sa bagong batch ng mga marites. Heto na naman tayo sa mga tinginang mapanghusga. Kaka-upo ko pa lang nagbulungan na agad sila. Hindi man lang ba nila ako isasali para naman masaya kami? Gusto ko rin kasi makipag-bulungan sa kanila. Sila lang ba ang may karapatang mag-tsismisan?  Napa-erap na lang ako dahil habang nagbubulungan sila, sa akin sila nakatingin. Kung sabagay, maganda naman kasi talaga ako kaya dapat tignan. Anong magagawa ko kung gano'n ang epekto sa kanila ng ganda ko?

Hayss.

“Good morning, everyone!” Bati sa amin ng doctor na kalalabas lang sa pinto. “I just one to tell you that maybe next month hindi na ako ang magba-bakuna sa mga babies niyo. Kailangan ko ngayon ang inyong vaccination card para ma-i-turn over ko sa susunod na doctor na papalit sa akin.” Announced niya.

Kinapa ko ang vaccination card sa dala kong shoulder bag. Bigla akong kinabahan dahil wala ito sa kahit na anong sulok ng bag na dala. Tinignan ko pa ulit pero wala talaga. Nakalimutan ko na naman yatang kunin sa ibabaw ng drawer, bwiset! Mas lalo akong kinabahan dahil nakita kong halos lahat ng nanay dito dala ang vaccination card nila. Mga epal, pinakita pa talaga para tumaas ang kaba ko, kainis! Kinuha ko ang cellphone ko sabay dinial ang numero ni tita Dia.

Ilang ring lang at sinagot naman agad ni tita ang tawag ko. Sinabi ko sa kaniya na hindi ko nadala ang ang vaccination card at naiwan ko iyon sa drawer ni baby. Papupuntahin na lang daw niya si Hammer upang ihatid sa akin. Naging kampante naman ako dahil hindi naman iyon makakatanggi kay tita. Tahimik ko na lang na hinintay ang pagdating niya. Maiinis na naman sa akin ang lalaking 'yon dahil no'ng nakaraan na pumasok siya rito, napagkamalan siyang tatay ni Zhairo. Aba, kung ako nga napagkamalang batang ina pero keri boom boom lang. Kung ganito naman ka-guwapo ang batang sinasabi nila na anak ko aba'y bakit hindi ko tatanggapin ang paratang?

Isa pa, ang mga nanay ngayon malaki talaga ang problema sa batang ina. Siguro oo, hindi maganda tignan ang pagiging batang ina lalo na kung umaasa lang sa magulang. Nagpabuntis tapos sa magulang aasa? Ano 'yon? Joke? Kung magpapabuntis kayo dapat siguraduhin niyong kaya niyo ng tumayo sa sarili niyong mga paa. Hindi 'yong lalapit kayo sa parents niyo habang umiiyak na iniwan kayo ng boyfriend niyo tapos buntis kayo. Hindi kasi porket mahal dapat bumukaka na. Stop normalizing giving your virginity to someone na hindi ka naman sure kung makakasama mo nga habang buhay.

Nakikipagtalo ako ng may kakaiba akong marinig sa bulungan ng mga nanay. Animo'y kilig na kilig ang mga ito habang nakatingin sa isang direksyon. Ang tatanda na kung kiligin akala mo nakakita ng pogi.

“Kanino kayang asawa 'yon?”

“Oo nga, napaka-guwapo!”

“At mukhang mayaman pa!”

Babysitting the badboy son [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon