CHAPTER 24

4.5K 161 31
                                    

This chapter is  dedicated to Dawndistinctmind and Midnight_Gamers thank you for reading my story hope you enjoy it!

LUCILLE'S POV

Isang linggo na ang makalipas simula ng may nangyari sa aming dalawa. Gray's treat me better than before. Tinatrato naman niya ako ng tama before pero iba ngayon. Halos ayaw na niyang umalis ng bahay kung hindi ko siya itataboy. Nabago rin ang tingin sa akin ng mga katulong. Paminsan-minsan may naririnig ako na pangba-bash sa relasyon na meron kami ni Sir Gray pero hindi ko na lang pinapansin. Kahit naman ako hindi pa naniniwala na may relasyon nga talaga kami ng amo ko. Masyadong malabo pa sa tubig na malabo ang chance.

I was watching the scenery here in veranda. Nakaka-relax kasi panoorin ang mga bulaklak lalo na't alagang-alaga sila ng mga hardenero ni Gray. Hindi na ako nagulat ng may kamay na pumulupot sa tiyan ko kasabay ng pagpatong ng baba niya sa balikat ko.

“Hey, nandito ka na pala,” greet ko sa kaniya. Hinawakan ng isang kamay ko ang ulo niya.

Tumango siya. “Sinadya ko talagang umuwi ng maaga para may time ako sa inyo ni baby,” malambing na sabi niya. Nagiging clingy na naman siya.

“Palagi kang may time sa amin, Gray. Magkaroon ka ng time para sa trabaho mo,” sermon ko.

Pumadyak siya. “Aish, ayan na naman siya!” Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa baywang ko sabay subsob ng mukha niya leeg ko. Bahagya naman akong nakiliti sa ginawa niya.

“Sinasabi ko lang naman sa'yo 'yong nakabubuti.”

“Ayaw ko makinig, bahala ka!” Tila batang maktol niya. Nakamot ko na lang ang ulo ko dahil wala akong magawa.

Kumawala siya sa pagkakayapos sa baywang ko. Pinihit niya ako paharap sa kaniya. “Magbihis ka, ipapakilala kita sa mga kaibigan ko.”

“A-Ano?” Mga kaibigan? Ibig sabihin hindi lang isa?!

He frowned. “Uulitin ko pa ba?” Mataray na tanong niya.

Piningot ko ng malakas ang tainga niya. “Malamang uulitin mo kasi nagtanong ako ng ano! Tinatarayan mo pa ako, eh!” Gigil na saad ko sa kaniya habang hawak-hawak ang tainga niya.

“A-Ahh! Sorry na! Oo na nga, eh!” Pagdaing niya habang hinawakan ang kamay ko. Binitawan ko na ang tainga niya.

He pouted his lips. “Hindi mo na ba ako mahal? Palagi ka na lang mapanakit!”

“Masyado ka kasing masungit at mahilig mambara! Hindi ako natutuwa!”

Hinalikan niya ako ng smack sa labi. “I'm sorry, magbihis ka na aalis tayo. Si nanay Felly na raw muna ang bahala kay baby Zhairo. Don't worry, she's my babysitter before. Hindi ako lalaki kung hindi niya ako pinalaki ng maayos.” Nilagay niya ang mga takas na buhok sa gilid ng tainga ko. He smiled at me sweetly. “Stop looking at me like that, lalo akong na-i-in love,” aniya. Pinitik niya ako noo ko.

Nakasimangot ko siyang tinignan sabay hinampas sa balikat. “Aray, kinikilig ka lang masyado ka ng mapanakit!” Reklamo na naman niya. Hinalikan ko siya sa pisngi sabay tumakbo.

Kasalanan ko bang gano'n ang paraan ko para maitago ang kilig ko?

Naligo muna ako bago naghanap ng isusuot ko. Noong nakaraang araw lang ang dami niyang biniling damit sa amin ni baby Zhairo at ni nanay Felly. Binigyan niya rin ng bonus ang mga katulong. Sabi niya na sa mood daw kasi siya kaya hinayaan na namin. Matapos kong maligo pumili ako ng isang damit. Kinuha ko ang floral na pa-spaghetti ang strap. Hanggang tuhod lang ito at saka pa-ballon siya. Light pink ang kulay niya kaya kumuha ako ng sandals na kakulay lang din ng balat ko. Sinuklay at inayos ko ang buhok ko. Hindi basta lang ang kikilalanin kong tao kung 'di mga kaibigan ni Gray.

Babysitting the badboy son [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon