This chapter is dedicated to lady_in_black_o18 and etherealeam thank you for reading my story hope you enjoy it!!!
LUCILLE'S POV
Ang aga-aga nakarinig na naman ako ng panglalait mula sa akala mo perfect na babae. Sabihan ba naman ako ng yaman lang daw ang habol ko kay Gray kaya inakit ko. Excuse me lang, ha. Ako kaya ang inaakit ng amo nila no'ng umpisa pa lang. At saka, bakit ko naman hahabulin ang yaman ni Gray, tumatakbo ba 'yon. Mga mindset nila napaka-ano. Tapos may isa naman sinabihan ako ng kaya lang ako pinatulan ni Gray kasi katawan lang daw ang habol sa akin. Tumatakbo ba katawan ko?
Mga inutil!
Maaga akong insecure sa sarili ko. Parang ayaw ko na namang lumabas ng kuwarto kasi sa kahit na saang parte ako ng bahay pumunta nakakarinig ako ng panglalait. Ang iba hindi ko nga naririnig sinasabi naman sa akin ng dalawa kong kaibigan na maid. Sana kasi kinakausap na lang nila ako kaysa patalikod nilang sinasabi sa akin. Mahilig ba sila sa dog style kaya sa likod sila tumitira?
"What's with the sad face?" Tanong ni Gray. Umupo siya sa gilid ng kama ko. Malamang napansin niyang tanghali na pero hindi pa rin ako nababa.
"Iyong ibang katulong kasi puro na lang panlalait ginagawa sa akin!" Sumbong ko sa kaniya.
Kumunot ang noo niya. "Sino doon?"
"Basta sila!" Pinag-cross ko ang kamay ko.
"Hm? So what's the problem? Tell me I would love to listen."
Tinignan ko siya. "Ang daming problema! Simula ng naging girlfriend mo 'ko hindi na natahimik pati mga katulong mo. Puro sila lait at paninira sa akin. Maybe because of my height. Siguro talagang itong height ko ang sisira sa relationship natin. They say we're not meant to be, maybe oo. Kasi kapag nakahanap ka na ng mas matangkad sa akin baka iwan mo na ako. 'Yong height pa lang maipagma-malaki mo na tapos maganda pa. Pero, okay lang. I-i-enjoy ko na lang muna na magkasama tayo, p'wede namang umiyak kapag iniwan mo na." Nagbabadya na ang luha kong umagos. Kaya ayaw kong mag-overthink ganito ang nangyayari.
Tumingin ako sa kabilang dereksyon kung saan hindi nakaharap kay Gray. Ayaw kong umiyak. Nakakahiya. Ang bago-bago pa lang namin pero punong-puno na ako ng overthink at selos kahit wala naman akong dapat ika-selos at ika-overthink.
"Ayan lang ba ang problema? Baka may iba pa. Tell me," aniya. Tinignan ko siya. Walang bahid ng pag-aalala ang mababakas sa mukha niya. Walang galit, walang inis, o kahit ano.
Umiling ako sa kaniya bilang sagot. Kinuha niya ang isang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon. Masuyo siyang tumingin sa mga mata ko. His eyes speak how much he love me. He smiled at me as he kiss the back of my hand.
"I love you," malambing na banggit niya. "Stop saying that you and I are not meant to be just because of your height. I love your height, I love your voice, I love you imperfections. I love you, my tiny sweetheart." Matamis siyang ngumiti. Hinili niya ako sabay sinubsob ang ulo ko sa dibdib niya.
"Sino ba kasing may sabing ipagpapalit kita sa matangkad? Damn, hindi ka nga matangkad mataas naman ang pride mo." Kinurot ko siya ng malakas sa dibdib.
"Awwww!"
"Ang lakas mo mang-asar!"
"Just telling the truth."
I pouted my lips. "Mataas ba talaga pride ko?" Tanong ko.
Tumango siya. "Mataas pa sa height ko, sweetheart. Now, dress up yourself ngayon ang turok ni baby." Tumayo siya at saka inayos ang damit niya.

BINABASA MO ANG
Babysitting the badboy son [✓]
RomansAnong gagawin mo 'ko mag-aalaga ka ng anak ng isang masungit na tao? Lucille, ang babaeng naghahanap ng trabaho. Sa sobrang pagiging desperada nitong makahanap, agad niyang tinanggap ang alok ng dati niyang kasama. Akala niya'y simpleng pagiging ba...