Kabanata II

1.9K 33 4
                                    

"Halika na."

Malakas ang kabog ng dibdib ko nang yayain niya akong muli pauwi. Dahil sa pagpupumilit niya, wala na akong nagawa kung hindi ang maglakad kasunod niya. Oo, nakita ko na lang muli ang sarili kong kasama siya.

We went home together. Sumalubong sa amin si mom.

"Oh, Jenna, Yves, narito na pala kayo," bati sa amin ni mom.

"Good afternoon po, Ma'am Milenne," sambit ni Yves kay mom.

"Naku hijo, ilang beses ko bang sasabihing huwag mo akong tawaging Ma'am? Anyway, kumain na ba kayo? Ipaghahanda ko kayo ng meryenda."

"Inihatid ko la—"

Hindi ko na pinatapos pa si Yves na magsalita. "Hindi pa kami kumakain, mom."

"Sige, halikayo sa kusina."

Nauna nang pumasok si mom sa amin at akmang susunod na ako nang tawagin ako ni Yves.

"Jenna, wait."

Nilingon ko siya. "This is how I treat Mael," matabang kong saad sa kaniya. Umaasta siyang pinsan ko, hindi ba? Pwes.

Hindi niya na nagawa pang magprotesta nang tawagin na kaming muli ni mom.

"I heard that Ismael got accelerated. I'm glad that you're taking care of my daughter, Yves," sambit ni mom bago niya kami binigyan ng pagkain. It was sandwiches and a bowl of mixed fresh fruits.

"Hindi naman po abala sa akin ang bantayan siya."

Napalingon ako kay Yves. Sa pagkakatanda ko, palagi ko siyang inaaway. Mukhang hirap na hirap na nga siya sa katigasan ng ulo ko.

Tumawa si mom. "No, I tell you. She's so stubborn but she's a sweet girl so maybe maniniwala ako sa 'yo. Just tell me kung pinahihirapan ka niya o kung may kalokohan man siyang ginagawa sa school."

"Wala naman po."

Natapos na kaming kumain at mas lamang pa nga yata ang pag-uusap nilang dalawa. Na para bang wala ako sa tabi nila kung pagkuwentuhan nila ako. Sana hindi na lang nila ako sinama.

"Here," wika ni Yves nang ibigay niya sa akin ang mga gamit ko na siyang nilagay niya sa bag niya kanina.

"Thank you," walang buhay kong tugon. Nagpaalam na siya sa akin at hindi na ako nag-abala pang ihatid siya sa main door.

Sinilip ko na lamang siya sa may bintana mula sa kwarto ko habang paulit-ulit na bumubuntong-hininga. So close, yet so far. Ang sakit sa dibdib.

"Did I see it right? Roize was here?" Malakas na sigaw ni Dad na umabot sa kwarto ko. Lumabas ako para makita siya mula sa hagdan. Sakto namang papaakyat si dad, nakatingin sa akin habang nagtatanggal ng coat.

"Ayokong nakikipagkita ka sa lalaking iyon."

"Po? But Dad, he's my classmate and he's part of our family."

"Family?" He smirked. "No. Because of their family, kaya nagkakagulo sa clan."

He walked out to his office. Napatingin na lang ako kay mom na nakasunod pala kay dad.

She just shrugged. "Huwag mo nang intindihin ang sinabi ng dad mo. Go back to your room and take some rest."

I nodded before I went back to my room. Napasalampak ako sa kama habang nakatingin sa kisame. What does Dad mean when he says Yves' family was the cause of a mess in our clan?

*****

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa Altrius Academy nang makita ko si Yves na naroon sa guard house at kausap ang isang security guard. Napakunot ang noo ko. Ano naman kaya ang ginagawa niya roon? Ngayon lang ako nakakita ng estudyanteng kumakausap sa mga guwardya at nakikipagtawanan na parang kaibigan niya ang mga iyon.

After YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon