Kusang tumulo ang luha ko nang makita ko si Yves. He was smiling nang tawagin at lapitan siya ni Desiree. Hindi ko mapigilang magselos. Sumasakit ang puso ko.
"Si Mr. Roize po ba iyon, Miss Jenna?" tanong ng driver ko, bago lumingon sa akin at nagulat nang makita akong umiiyak.
"Umuwi na tayo," saad ko. Sinunod niya naman ako at ilang sandali pa ay nakarating na kami sa mansyon. Dumeretso ako sa kwarto ko at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak. Paano niya nagagawang ngumiti na parang wala siyang iniwang tao?
Iniwan niya ako nang walang pasabi, at ayon siya, nakikipagngitian na sa iba. Kasinungalingan lang ba ang lahat noong sinabi niyang mahal niya ako? Pati ba ang pangako niyang ako ang pakakasalan niya ay walang bahid ng katotohanan?
O dahil sa mga sinabi at mga nagawa ko, kaya nagbago na siya?
Patuloy akong humagulgol habang pinagagalitan ang sarili. Punong-puno ako ng pagsisisi. I should have treated him better. Tama si Desiree. Dapat mas pinahalagahan ko ang taong mahal ko.
Huli na ba ang lahat?
Kinalkal ko ang bag ko para kunin sana ang journal ko para makapagsulat nang makitang wala ito. Napakunot ang noo ko. Nasaan ang journal ko?
Inilibot ko ang mga mata ko at sinimulang hanapin ang journal ko, pero kahit saang sulok ng kwarto ko ay hindi ko ito nakita.
Saan ko iyon nailagay?
Sinubukan kong alalahanin kung kailan ang huling beses ko iyong sinulatan, pero hindi ko na maalala. Sobrang daming problemang dumating sa buhay ko at nawalan na ako ng oras pang magsulat ng saloobin ko. Ngayon ko lang napagtantong nawawala pala ito.
Kinabukasan, nagmadali ako sa pagpunta sa locker room sa pag-asang mahahanap ang journal ko, pero wala. Nagkakaroon ako ng kaba dahil kung anu ano pa naman ang mga sinusulat ko roon, baka may makabasa.
"Jenna, okay ka lang? May nawawala ba sa iyo?"
Napatunghay ako nang may kumausap sa akin.
"Zeus, ikaw pala. Oo, meron. Nawawala 'yong journal ko. Hindi ko mahanap. May nakita ka bang makapala na notebook na kulay lavender? Maganda 'yon."
"Notebook? W-wala naman. Bakit? Ano bang meron sa notebook na 'yon?"
Umiling ako. "Ahhh, diary ko. Maraming nakalagay do'n na hindi dapat mabasa ng kahit na sino."
"Ganoon ba? Kaya pala."
Kumunot ang noo ko. "Anong kaya pala? Nakita mo ba ang notebook ko?" Sumeryoso ang mukha ko.
"No, I didn't."
Napabuntong-hininga ako. Now, nananalangin na lang ako na kung sino mang makahanap ng notebook kong 'yon ay huwag niyang mabasa ang mga katangahan ko sa buhay. Majority pa naman ng laman no'n ay tungkol sa nararamdaman ko kay Yves at sa mga ginawa niya sa akin. Ayokong makarating iyon kay dad, dahil baka lalo siyang magalit kay Yves.
"Don't worry, kapag nakita ko, sasabihan kaagad kita. Anyway, kumakain ka na ba—?"
Naputol ang salita niya nang pareho kaming napalingon sa tumili—ang grupo ni Desiree.
"Oo, nag-apply din ako roon sa bakery na pinagtatrabahuhan ni Yves. Mabuti na lang at tumatanggap sila ng part-timer kaya nakuha ako. Magkakaroon na ako ng dahilan para makitang palagi si Yves!" puno ng siglang bulalas ni Desiree.
Bumagsak ang mga balikat ko. Hindi ko alam bakit sa sandaling iyon ay nagngitngit ang mga ngipin ko.
But all I did was walk out. Sinundan naman ako ni Zeus.
BINABASA MO ANG
After Years
Teen FictionWarning: Mature Content | R18 Kaya mo bang iwan ang taong mahal mo para sa ikabubuti niya? Jenna Levanier has long-time feelings for Yves Roize. They were classmates since grade school, and she developed a certain feeling towards the guy becaus...