"Dito ka na nakatira?" tanong ko nang makababa kami sa sasakyan niya. Narito kami sa parking lot ng isang condo unit.
"Oo."
"Wow, ha? Balita ko mga mayayaman ang nakatira dito. Don't tell me, mayaman ka talaga? Tinatago mo lang sa akin."
Umiling siya. "It is pure hard work, Jenna. Dahil masyado akong magaling sa trabaho kaya unti-unti umaangat ang posisyon ko hanggang sa naging supervisor ako. Hindi lang ako maiangat as manager kasi hindi naman ako nakatapos ng pag-aaral."
Naglakad na kami papasok sa elevator. "Sabagay, eh 'di mag-aral ka ulit. I'll support you. Matalino ka, alam kong kayang-kaya mong makipagsabayan sa mga bata ngayon." Nakangiti kong sambit. Hinawakan niya naman ang kamay ko at hinalikan.
"What?" tanong ko nang napatagal ang titig niya sa akin. "Don't tell me, you want to do something here in the elevator?" mataray kong singhal.
Ngumisi siya. "No, Jenna. Hindi lang ako makapaniwala na asawa na kita."
Agad namang namula ang pisngi ko at tila ba umakyat ang init ng katawan ko dahil sa sinabi niya.
"Anong nakapagpabago ng isip mo?" hirit pa niya na para akong inaasar.
"Wala, sabi mo, you want to spend every second of your life with me. Ayan na, tinutulungan na kita."
Ngumiti siya. "Ikaw ba? What would you do if you had all the time in this world?" Napalunok ako nang halikan niya ako sa pisngi. Nagbago din ang paraan niya ng pagtitig sa akin at naging malalim ito.
I shrugged. "I don't know. Kapag kasama kita, hindi ko ginagamit ang utak ko. Kaya siguro inasawa na kita kasi ayoko nang mag-isip. Ikaw na lang ang mag-isip para sa akin. Sasama na lang ako sa 'yo."
Tumawa siya. "Alright. Noted, my dear wife. Tonight, I'll make sure you won't use your brain but your voice only."
Kumunot ang noo ko, pero saglit lang dahil naintindihan ko kaagad ang ibig niyang sabihin. "Like this, Yves? Ahhh—" I tried to moan, pero tinakpan niya lang ang bibig ko. Dinilaan ko naman iyon kaya natanggal niya.
"Jenna! We're still in a public place!"
"Ano naman? Wala namang makakakita sa atin dito sa elevator!"
"Meron! They usually install cameras on the side. Balak mo bang mag-liveshow sa kanila? Kasi hindi ako papayag. Ako lang dapat ang makakita ng lahat mo."
Tinawanan ko siya. "Ito naman! Napakakonserbatibo!"
Siningkitan niya ako. "Pinakasalan mo lang ba ako, dahil gusto mong may mangyari sa atin?"
"What if, yes? Sasama ba ang loob mo?"
"No, I'll take advantage of that if that's the reason. Don't worry, gagalingan ko sa kama para hindi mo ako hiwalayan."
Napapalatak naman ang tawa ko. Hindi naman iyon ang dahilan kung bakit ko siya niyayang magpakasal, pero sige na nga, kasama na rin iyon.
"Pangako, pakakasalan kita sa harap ng altar, sa harap ng Diyos, Jenna. Ibibigay ko sa 'yo ang pinakamagandang kasal na pangarap mo."
Hindi ko mapigilang kiligin sa mga tinuran niya. Pakiramdam ko ay nilikha siya ng Panginoon para pasayahin ang puso ko at tuparin lahat ng mithi nito.
Hinawakan ko ang dibdib niya at ramdam na ramdam ko ang malakas at mabilis niyang tibok ng puso kasabay ng sa akin. Lumapit ako sa kaniyang mukha, para bigyan siya ng matamis na halik.
BINABASA MO ANG
After Years
Teen FictionWarning: Mature Content | R18 Kaya mo bang iwan ang taong mahal mo para sa ikabubuti niya? Jenna Levanier has long-time feelings for Yves Roize. They were classmates since grade school, and she developed a certain feeling towards the guy becaus...