Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya, tsaka ko sininghot-singhot ang kaniyang amoy na nagdudulot ng antok sa akin.
I feel so calm.
"How was your work? Was it really tiring?" tanong niya.
Tumango ako. "Yes, it is. Hindi ko inakalang ganito na pala kalaki ang market ng kopmanya ni Mael. We need additional staff pa for marketing associates."
"Alright. I'll tell Martin to post that we're open for hiring."
"Thank you, babe. How about you? How's your day without me?"
"What do you mean without you? Have you seen my desktop wallpaper here?" Ipinihit niya naman ang swivel chair niya, kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataong makita ang wallpaper niya.
"What the hell, Yves? Sa lahat ng picture na pipiliin mo, iyan pang nangungulangot ako?"
"Why? Isn't it cute?"
"You're so gross! Palitan mo nga 'yan!"
"Anong ipapalit ko? All I have were candids. Baka masakal mo na ako kapag iyon ang nilagay ko."
"Bakit? Patingin nga!"
He grabbed his phone at kahit sa wallpaper niya roon ay nagulat ako. Bakit naman 'yong mukha kong natutulog ang lock screensaver niya? Paano kung may makakita no'n? Baka gamitin iyon laban sa akin!
"Here, babe. Look. All of your pictures are cute. I always look at them whenever I miss you."
Pero mas ikinagulat ko ang keychain na nasa phone niya. Ngayon ko lang iyon napansin. Nasa kaniya pa pala ang binili ko noong keychain para sa aming dalawa. Napasinghot ako nang maramdaman kong naiiyak ako.
"Hey, babe, are you crying? Dahil ba sa stolen pictures mo? Did I make you upset? Should I delete them?"
Umiling ako. "No! Why would you do that? Have a feast of what you want, babe. Naluluha lang ako dahil ngayon ko lang napansin na nasa 'yo pa pala 'yang keychain na 'yan. Naitapon ko na kasi 'yong sa akin."
"Bakit mo tinapon?"
"Sobrang galit ko kasi sa 'yo, pero kalimutan mo na 'yon, dahil mali ako. Wala naman akong dahilan para magalit sa 'yo, Yves. I promise, itong singsing na ibinigay mo sa akin will be always with me. Mapuputol muna ang leeg ko, bago matanggal ito sa akin."
Tumawa siya. "Don't worry. Maisusuot din natin ang wedding rings natin someday where it should be. Gusto kong ipagsigawan sa mundo na sa 'kin ka at sa 'yo lang ako."
"Ako rin, Yves. I don't want our marriage to remain a secret."
Hinalikan niya ang pisngi ko. He looked at me before kissing my lips passionately. "Let's go to my place tonight, babe," he breathed.
Tumango ako. "I would love to." Binawian ko rin siya ng halik, pero akmang tatayo na kami para umuwi nang tumunog ang telepono ni Yves. Mabilis niya iyong sinagot at ang sandali niyang pagtingin sa akin ay nagpabagsak ng mga balikat ko.
"May pinapaayos si Mael. Mukhang mag-o-overtime ako. You want to go home already or you're gonna wait for me?"
Agad na umusok ang ilong at tainga ko sa galit. "Ayoko na! Palagi niya na lang itong ginagawa sa atin! Ginagawa niya tayong alipin!" reklamo ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay iyon sa balikat niya bago ako sinimulang yakapin at lambingin. "Babe, we need to do this, saglit lang naman 'to."
"Ano ba kasing inaasikaso niya? Bakit hindi siya ang gumawa, o kaya bakit hindi niya ipagawa sa iba, o kaya bukas na lang?"
"Babae, of course. Balita ko may inuuwi siyang babae sa penthouse niya. You know what? Pumasok pa si Mael sa Marcus University para sa babaeng 'yon. Mukhang seryoso siya sa babaeng iyon."
BINABASA MO ANG
After Years
Teen FictionWarning: Mature Content | R18 Kaya mo bang iwan ang taong mahal mo para sa ikabubuti niya? Jenna Levanier has long-time feelings for Yves Roize. They were classmates since grade school, and she developed a certain feeling towards the guy becaus...