I opened the camera and took a video.
"Yes, sure. I promise I will marry her kapag bumalik na siya sa akin. Please, help me, Jenna."
Natatawa akong sumagot sa kaniya. "Sure, sure. Walang bawian, ha? Kailangan mo siyang pakasalan dahil kapag hindi, sa ayaw at sa gusto mo aalis na kami ni Yves dito sa kompanya mo. Maliwanag?"
Tumango siya. Matagumpay naman akong ngumiti, bago siya itinulak paupo. Ako naman ay umupo rin sa harap niya.
"Tandaan mo itong sasabihin ko, Mael. Ayaw naming pinagseselos kaming mga babae, kaya mali ang ginawa mo. Mas lalo mo lang siyang tinutulak palayo."
"Hindi ko siya pinagseselos."
"You did! Huwag ka nang magmaang-maangan pa! Kitang-kita ng dalawa kong mata! Kung alam mong mahal ka niya, bakit mo pa siya pinahihirapan at sinasaktan? Tingin mo ba babalik siya sa 'yo kapag ginawa mo 'yon?"
"I'm being honest. I never did."
I rolled my eyes. "But you still gave her a reason to feel bad."
Napabuntong-hininga siya. "Then what should I do? She always asks for separation. I'm nearly anxious that she will leave me again. "
"If you really love her, you need to give her the time she needs. If she asks for it, give it to her. Surely she will realize that what she's doing is wrong. It is not an answer to leave. If you can still fix it, fix it, if you can't, then give it time. Maybe she has a lot of traumas in her that's why she's pushing you away so you won't be hurt. Lalo na kung alam niya sa sarili niya na may tendency siyang makasakit. Sometimes an independent woman like her doesn't need someone to help her heal herself. She can do it on her own by time. The only thing you can give her is time, Mael."
"But I don't have all the time in this world, Jenna."
Napangisi ako nang maalala ko si Yves.
"Then we'll make time, Mael; a time when you can be together alone. Para makapag-usap kayo."
"Paano kung iwan niya akong ulit?"
Kumislap ang mga mata niya. Ganoon din ang akin. "Ang mahalaga naman, bumabalik 'di ba?"
*****
"Nagkabalikan kaya sila?" tanong ko kay Yves nang makasakay na ako sa kotse niya. Papauwi na kami galing sa resort at hinayaan kong magkasama si Jothea at Mael sa sasakyan para makapag-usap pa silang dalawa.
Two days and one night lang kami rito sa Tagaytay, pero parang ang tagal namin dahil sa bagyo na rumagasa pa sa amin kagabi. Naging mahaba para sa akin dahil kahit bumabagyo ay tuloy pa rin kaming dalawa ni Yves sa sarili naming bagyo sa kwarto.
"I think so," wika niya sabay hawak ng manibela. "Let's not mind them. Malapit na tayong makaalis sa LMC. Saang bansa mo gustong pumunta?"
Nagliwanag ang mukha ko dahil sa tanong niya. "Sa China!" sigaw ko.
"Sa China?"
"Oo."
"Bakit doon?"
"Eh kasi noong unang date natin, dinala mo ako sa Binondo. Noong araw ding 'yon, pinangarap kong makapunta sa China kasama ka."
Tumawa siya. "Bagay tayo roon. One child policy," komento niya, bago nagmaneobra upang makaalis na sa rest house.
"Hindi naman halatang gusto mo nang magka-baby? Palagi mong idinadaan sa usapan nating ang anak, Yves."
"Bakit? Ayaw mo pa ba?" tanong niya.
"Hindi naman sa ayaw. Syempre, gusto ko. Pero gusto ko mga after five years pa."
BINABASA MO ANG
After Years
Teen FictionWarning: Mature Content | R18 Kaya mo bang iwan ang taong mahal mo para sa ikabubuti niya? Jenna Levanier has long-time feelings for Yves Roize. They were classmates since grade school, and she developed a certain feeling towards the guy becaus...