"Didn't bother to change clothes?" bungad niyang pagbati. Napatingin naman ako sa damit ko. I was just wearing a lavender pajama while my hair was still uncombed.
I rolled my eyes before letting myself into the nearest comfort room to gurgle, brush my teeth, and even wash my face before facing my cousin again.
"What brought you here at seven o'clock in the morning?" tanong ko sabay upo sa harap niya.
"I just want to check on you. Yves said, hindi ka raw makalakad nang maayos."
Luminga-linga ako sa main entrance dahil baka biglang sumipot si Yves sa harap ko na napakaimposibleng mangyari, pero nagawa ko pa ring umasa. Nawala ang timpla ko at nabahiran na naman ng lungkot ang mukha nang maalala ko ang nakita ko kahapon.
"Yves is not with me. Niyaya ko siya, but he said he has an important commitment today kaya hindi siya makakapunta."
Yaya Mildred served fruits and milk in front of us while Mael was having coffee.
"Hindi ko naman tinatanong," singhal ko sabay inom ng gatas.
I heard him chuckle. He shook his head in disbelief. "But I know you so well; you're waiting for him."
I rolled my eyes. Hindi ko kailanman sinabi sa kaniyang may gusto ako ay Yves, pero malakas ang kutob ko nahahalata niya iyon kaya ganito niya na lang ako asarin.
"Kaano-ano mo ba si Yves?" pag-iiba ko ng usapan.
"Why? Why did you ask?"
Sumandal ako bago siya tinitigan. This is the question I wanted to ask him before he was accelerated to college. Kaya gusto ko rin sanang pumunta sa Mondalla Residences para magbakasaling makikita siya roon, pero dahil masakit pa rin ang sugat ko at iika-ika akong maglakad ay mas pinili kong magmukmok sa kwarto. Tutal, heartbroken din naman ako at walang energy na lumabas. Kung hindi nga siya dumatin ay hindi ako lalabas ng kwarto ko.
"Pinsan mo ba siya? Kanino siyang anak? Pinsan ko rin ba siya?" sunod-sunod kong tanong na lalong nagpangisi sa kaniya. Muli siyang uminom nang kape habang sumusulyap sa akin.
"Why? What did he say?"
Umiling ako. "I never asked him."
"Why not?"
"I don't know. I'm scared."
"Scared of what?"
Takot akong malaman ang totoo. Na kamag-anak ko talaga siya. At hindi talaga kami pwede. Takot akong masampal ng katotohanan dahil pakiramdam ko, hindi ko kakayanin. Kahit pa napagdesisyunan ko nang tigilan ang lahat, mas gusto ko nang walang alam, pero hindi ko alam kung bakit itinatanong ko ito kay Mael. Siguro, takot lang ako na marinig mula mismo kay Yves ang lahat.
"You should ask him, Jenna. Don't be scared. Kapag hindi ka nagtanong, paano mo malalaman ang sagot?"
Nanatili akong nakatitig kay Mael hanggang sa makaalis siya ay paulit-ulit lang sa utak ko ang isinalita niya sa akin. He even bid goodbye and told me everything about his whereabouts but what remained on me was that statement—you will never know, if you never ask.
And here I am, marching my way to Altrius Academy. It's Monday and the first thing that came to mind was to confront Yves. The whole week was a mess, not around me but inside my head. Si Yves at si Yves lang ang patuloy na umiikot sa isipan ko. Gusto kong malaman mula sa kaniya ang lahat kung magkaano-ano kami. Gusto kong malinawan kung bakit niya ako hinalikan, kung bakit niya sinabi kay Zeus na boyfriend ko siya. Sawang-sawa na akong sagutin ang lahat ng tanong sa isipan ko dahil wala naman akong makuhang definite answer.
BINABASA MO ANG
After Years
Teen FictionWarning: Mature Content | R18 Kaya mo bang iwan ang taong mahal mo para sa ikabubuti niya? Jenna Levanier has long-time feelings for Yves Roize. They were classmates since grade school, and she developed a certain feeling towards the guy becaus...