Katulad ng ipinangako ko, hindi ko pinansin si Yves kahit na nakita ko siya kanina sa may guard house na mukhang inaabangan ako. He was calling me, but I acted like I did not hear him, and it pierced my heart. Tumakbo ako papunta sa C.R. at dito, dito ko tinuloy ang pag-iyak ko.
My eyes were swollen when I entered the class. Everybody's watching me, but I chose to ignore them and go to my seat to place my face on the desk.
"Jenna, are you okay?"
That voice pushed me to sob. Yves was near me, fucking beside me, but I couldn't look at him or answer his calls.
"May problema ba?"
Ang maamo niyang boses, tumutunaw nang husto sa puso ko.
"I woke up without you by my side, kaya inagahan ko rin ang pagpasok, hoping that I could talk to you, but you seem to be ignoring me. May nagawa ba ako?"
Nanatili akong nakayuko sa desk ko, pero ang marahan niyang paghaplos sa buhok ko ang lalong nagpa-iyak sa akin. How can I resist his touch? Para akong pinapaamo na sumuway sa kagustuhan ni dad.
"Was this about what happened last night? Are you mad at me? Tell me... Are you offended?"
Hindi ako nakasagot. Mabuti na lang at may tumawag sa kaniya at nang tingnan ko ay may kausap siyang lalaki from higher year. I took the chance to go to the comfort room to spend my time there waiting for our first class.
Ilang sandali pa ay dumating na si Sir Bascus kaya lumabas na rin ako sa CR. Sinabihan niya kaming sa dance studio room daw kami magkaklase kaya naman isa-isa na kaming nagpalit ng p.e. uniform. Ilang beses pa akong sinubukang kausapin ni Yves pero itinuturing ko lang siyang hangin hanggang sa napansin kong nagsawa na siya sa kakukulit sa akin.
Kumirot ang dibdib ko but this is what's best for us.
"Okay, class. Good morning. Like what I told you last time, today we will be learning a Latin dance. To start our lesson for today, I will pair you with your official partner," panimula ni Sir Bascus.
Palihim kong sinulyapan si Yves ngunit nakita ko lang siyang malalim na nakatitig sa akin, kaya mabilis din akong umiwas. Muntikan na akong malagutan ng hininga sa paraan ng pagtingin niya sa akin na para bang kanina pa niya ginagawa at hinihintay niya lang akong tumingin sa kaniya.
"Yves and Desiree."
Nagunaw ang mundo ko nang marinig ko ang pangalang 'yon. Kusang nagkasalubong ang mga kilay ko nang tumingin ako kay Desiree na malawak ang ngiti na parang aso kung makatakbo kay Yves. So, is this my karma?
"Jenna and Zeus."
Napapikit na lang ako nang marinig ko 'yon. Hindi ko alam kung nakikisama ba ang tadhana para lalo kaming paghiwalayin ni Yves.
"Jenna," pagtawag sa akin ni Zeus na para bang nag-aalangan kung lalapitan niya ba ako o hindi. "Okay lang ba? Hindi ba magagalit si Yves?"
Umiling ako at hindi ko na sinubukan pang sulyapan si Yves dahil lalo akong papatayin ng kunsensya ko sa pag-iwan ko sa kaniya sa ere. Ako itong humahabol-habol sa kaniya, at ayaw na maiwanan, pero siya itong naiiwan ko.
"Ikaw ba? Galit ka ba sa 'kin?"
Muli kong naalala ang araw na suntukin niya si Yves. That day, Yves told everybody that he was planning to do something for me at his birthday party. Was that even true? And here I am, letting this guy go near me.
"It is just speculation, Jenna. You know that I won't do that to you. I had clear intentions when I asked you to go out on a date with me and even attend my party. I just want to know you more, and I don't have any intention of taking advantage of you."
BINABASA MO ANG
After Years
Teen FictionWarning: Mature Content | R18 Kaya mo bang iwan ang taong mahal mo para sa ikabubuti niya? Jenna Levanier has long-time feelings for Yves Roize. They were classmates since grade school, and she developed a certain feeling towards the guy becaus...