"Jenna?!"
Tiningnan nila ang paligid na parang may hinahanap.
"Why are you crying? Akala ko nagpapalit ka na?" Lumapit si Zeus sa akin.
"W-wala. Hindi ko kasi maibaba 'yong zipper kanina, pero okay na ako. Medyo nainis lang ako." Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko tsaka mabilis kong isinuot ang dress ko. Mabuti na lang din at turtle neck ang dala kong damit para hindi makita ang itinanim na marka sa akin ni Yves sa leeg. Lihim akong tumingin sa paligid. God, muntikan na kami roon. Saan siya nagtago?
"Desiree, nariyan ka pala. Anong ginagawa mo rito?" tanong ko naman.
"N-nothing. Hinahanap ko kasi si Yves. Baka nandito siya."
Kumunot ang noo ko. "Bakit naman siya mapupunta rito?"
"Yeah, right? Bakit nga ba? Anyway, aalis na ako. Hahanapin ko pa ang fiance ko."
Nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang umalis na siya. "How about us? Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko naman kay Zeus na panay ang titig sa akin.
"What happened to your lips?"
Napahawak ako sa labi ko. "Bakit?" Humarap ako sa salamin at muli kong naalala ang paghalik sa akin ni Yves, maging ang pagtugon ko sa kaniya. "Ah, b-binura ko. Baka kasi mamantsahan 'yong wedding dress kanina."
"I see. Then let's go?"
"Sure." I clung to his arm and followed him. Pasimple pa akong lumingon sa fitting room para hanapin kung saan nagtago si Yves. Hindi ko na siya nakita.
We went inside the car, at doon ko lang napansin ang kapirasong papel na nasa kamay ko. I was about to throw it away nang makita kong parang may naksulat. Agad ko iyong tinago.
"Oo nga pala, Zeus. I-I did not ask you this before, bakit ka nga pala nag-transfer sa Altrius noon?"
Tumingin siya sa akin habang sinusuot ang seatbelt niya.
"Why are you asking that suddenly?" Nagbago ang tono ng pananalita niya at ang paraan niya ng pagtitig sa akin.
"I'm just curious. Tell me."
"Wala naman. My parents want me to study there; that's why. Bakit ka biglang na-curious?"
"Uhm, pakiramdam ko kasi wala pa akong alam sa 'yo. You see, ikakasal na tayo. Nagfitting na tayo, next naman aasikasuhin natin 'yong wedding rings, but up until now, na-realize ko, hindi pa ganoon kalalim ang pagkakakilala ko sa 'yo. I want to know you more, Zeus. I want to know what's waiting for me in Norway with you."
"Norway?" Kumislap ang mga mata niya. "H-hey, do you mean payag ka na? You're gonna live with me there?" Masigla niyang hinawakan ang kamay ko habang nakangiti. Nangingilid pa ang mga luha niya."
"Yes, Zeus. I realized I want to face my fears. Although, mapapahiwalay ako sa parents ko, but that was marriage supposed to be, right? I really have to go there and live with you. And I think, okay sa akin basta kasama ka. 'Yong tayong dalawa lang. Payapa. Walang sagabal."
Lalong tumamis ang mga ngiti niya. "You're right, Jenna. You'll be happy at peace with me. Thank you. Thank you for choosing me. I love you."
"I love you too, Zeus."
He kissed my temple. Niyakap ko naman siya.
Hinatid niya ako sa mansion at pasado alas otso na nang makarating kami. Nagpaalam na si Zeus sa akin, kaya naman pumasok na ako sa loob, pero para lumabas muli pagkaalis niya.
The hell does he want? Why would he give me that letter and ask me to meet him at Binondo? Kung hindi ko pa niyakap si Zeus kanina ay hindi ako magkakaroon ng pagkakataon para mabasa ang sulat na iniwan niya sa akin.
BINABASA MO ANG
After Years
Teen FictionWarning: Mature Content | R18 Kaya mo bang iwan ang taong mahal mo para sa ikabubuti niya? Jenna Levanier has long-time feelings for Yves Roize. They were classmates since grade school, and she developed a certain feeling towards the guy becaus...