Kabanata XXIII

912 18 0
                                    

Days have passed, and Yves and I are exchanging letters. Actually, natutuwa ako sa ginagawa namin. Kahit hindi kami mag-usap at paminsa'y nagkakasulyapan lang sa room ay masayang-masaya na ako.

Pumunta na ako sa locker room para magpalit ng damit dahil ngayon na ang araw ng presentation namin ng Latin Dance. Medyo kinakabahan ako, pero dahil tinulungan naman ako ni Zeus ay kampante ako na makakasabay ako at magagawa ko ang lahat ng routines.

Nawala ang ngiti ko nang makita ko sa locker na naroon pa rin ang sulat ko para kay Yves. Bakit narito pa ito? Nakalimutan niya bang kunin kahapon?

"Jenna."

Napalingon ako kay Desiree na ngayo'y nakagayak na. Siya ang tumawag sa akin.

"Yes?"

"Nakita mo ba si Yves?"

"Hindi. Bakit?"

"Wala. Kanina ko pa siya hinahanap. Sigurado ka bang hindi mo siya nakita o nakausap man lang?" Nanginginig ang kamay niya sa kaba at pag-aalala. "S-sabagay, bawal nga pala kayong mag-usap, kaya bakit ko siya hahanapin sa 'yo?"

Napabuga ako nang marinig ko iyon sa kaniya. Nang-aasar ba siya? Baka gusto niyang isampal ko sa kaniya lahat ng sulat ni Yves para sa akin! Agang-aga, iniinis ako ng isang ito.

Kalat na kasi sa section namin ang hindi namin pag-iimikan ni Yves. At sinabayan naman namin iyon, dahil mas makabubuting ganoon ang nakikita nila para hindi maghinala si Dad.

"Ni hindi nga kayo, eh. Sinabi sa akin ni Yves dati na nagsinungaling ka raw at hindi mo raw siya talaga boyfriend."

Naumid ang dila ko. Doon ko lang naalala ang katotohanang hindi nga pala kami ni Yves, pero kung mag-I love you-han kaming dalawa ay parang kami na.

Napakagat ako sa labi ko at pinagmasdan na lamang na umalis si Desiree.

Tila ba nawala ako sa mood. Bumagsak talaga ang mga balikat ko at maging ang mukha ko'y hindi maipinta sa labis na pagkadismaya.

"Jenna!"

Tumunghay ako para makita kung sino na naman ang tumawag sa akin at sa pagkakataong ito, lalo akong nakaramdam ng kirot.

"Tinanghali ako ng gising kaya ngayon ko palang makukuha ang sulat mo para sa akin. I'm sorry."

Akmang bubuksan niya ang locker ko nang isara ko iyon. "Wala. Wala akong sulat para sa 'yo, Yves."

Nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Tsaka, bakit mo ba ako kinakausap? Gusto mo bang makarating ito kay Dad? Bawal nga, 'di ba?"

I was rude. I know. But I can't help it. I am so mad, kaya ganito na lang katabil ang dila ko kahit na alam kong masasaktan ko siya gamit ang mga salita ko.

"Anong problema, Jenna?" nag-aalala niyang tanong sabay hawak sa kamay ko na siya ring inalis ko.

"W-wala. Umalis ka na. Magbibihis na ako. Malapit nang magsimula ang presentation."

"But, can we just talk before you go? You know I can't stand it if you're being like this? May nagawa ba ako? Bakit ang cold mo?"

And I can't bring myself to tell him what's bothering me. I don't want him to think of me as pushing us to be in a relationship. Ayokong magmukhang desperada.

"Kung hindi ka aalis, sa banyo na lang ako magpapalit."

"Hindi naman kita pinipigilang magpalit, pero pwede bang sabihin mo muna sa akin kung bakit ka nagkakaganiyan?"

Napabuntong-hininga ako. "I told you, it was nothing."

Akmang papaalis na ako nang makita ko si Zeus, Desiree, at Sir Bascus.

After YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon