"Tay, wag na kayong malikot ako ng bahala d'yan, maupo na po kayo! Pagpupumilit niya sa kanyang tatay habang pinapaupo ito sa tumba-tumbang silya sa kanilang Sala." Kaya ko naman 'anak' ayaw ko namang maging masyadong pabigat sa inyo ng iyong nanay, pabigat na nga Ako wala pa akung ginagawa! Paghihimutok nito sa kanya
" O, oh! Ikaw talaga Marcelo o, nag-alala naman kasi iyang anak mo bakit Hindi ka nalang makinig at umupo ka nalang d'yan Kaysa aabalahin mo pa Ang sarili mo sa pag didilig Ng mga halaman. Alam mo namang bawal sayo Ang mabibigat !"
Pagbubunga naman ng kanyang nanay.Natawa naman siya sa mga ito kahit ganito ito araw-araw ay kita parin ang pagmamahalan sa isat-isa.
" Oh, Ikaw naman Lusing bagot na bagot na Ako , Wala akung ginagawa !
Sagot naman ng kanyang tatay.
' Tama, na yan Nay hayaan niyo na si tatay hanggat Hindi siya gumagawa Ng mga bagay na ayaw sa kanyang katawan. Ngumiti naman siya sa kanyang Ina
" Halika, rito Marcelo, bagot na bagot kana kamo? Hala , Dito ka sa kusina at chop-chapin mo itong mga gulay at hiwain mo iyong dapat hiwain dahil magluluto ako ng mananghalian !
Naka kunot noo namang sumunod ang kanyang tatay sa kusina.
"Silly, Tay si nanay lang pala hinihintay mo! Tumawa naman siyang pagka lakas-lakas.
Nilingon naman siya ng kanyang tatay at kinindatan bago nagpatuloy sa paglalakad papasok sa kusina.
After 3 years, being away from her original home she never felt contented and happy. Kahit sa simpleng bagay lang iyon pero nagbibigay na ito ng subrang kaligayahan sa kanyang puso.
Kuntento na siyang mamuhay ng ganito , mahirap ngunit kontento at may pagmamahalan sa Bahay at pag-uunawa sa bawat bagay.
She smile.
Pinagpatuloy naman niya ang kanyang ginagawa dahil naudlot iyon kanina ng lumabas ang kanyang tatay dahil gusto niya daw mag kilos-kilos. Pero bawal naman ito sa kanyang tatay , dahil inaatake ito sa puso kapag nagpapagod ito.
Mataas ang sugar nito at palaging tumataas ang dugo dahil sa init Ng panahon.Napapailing naman siya ng dinig na dinig na naman niya ang pag bunga-nga ng kanyang nanay.
Galit na naman siguro ito dahil may ginawa na naman ang kanyang tatay sa kusina na dapat si nanay lang Ang gumagawa .
Sa tatlong taon na lumipas na gusto niyang kitilin ang kanyang buhay ay Dito naman siya napadpad sa simpleng Bahay Kubo na may mag-asawang naninirahan.
Kinupkop siyang walang pagdadalawang isip. Inilagaan siya at binihisan kaya subrang-sobra Ang kanyang utang na loob sa mga ito dahil itinuring siyang tunay na anak.
Dahil sa kabutihan ng mag-asawa ay bumawi naman siya sa pagtulong sa pamamagitan ng kanyang pagtitiis na matutunan ang mga bagay-bagay. Sa karaniwang tao ay isa lamang itong simpleng gawain.
Pero para sa kanya isa na itong mahirap aralin tulad ng paglalaba, paghuhugas ng pinggan, pagluluto at marami pang iba.
Sa halip nga ay halos kasing haba ng lubid ang pasensya kanyang tinutiring na nanay sa ngayon ang Pagtuturo sa kanya at pag gabay hanggang sa makasanayan na niya lahat ng gawain.
Sa kasalukuyan ay nag babanlaw na naman siya sa kanyang labada. Kaya malapit na niya itong matapos.
Hanggat maaari ayaw niyang iasa sa kanyang nanay Ang mga mabibigat na gawain dahil inaalagaan din nito ang kanyang tatay.

YOU ARE READING
Wanted Nanny
RomanceSYPNOSIS KAYA BANG hanapin ni Desiree ang buhay na gusto niyang makamit? "FREEDOM." that is what she wants. She can left everything, her status, her career and mostly her identity. Dahil sa kagustuhan niyang makalaya sa buhay na meron siya at sa ka...