Chapter 1: Nightmare

329 23 6
                                    

UNEDITED. SORRY.


Chapter 1: Nightmare

Tinitigan ko ang isla na milya ang layo mula sa islang kinatatayuan ko.  Nilipad ng walang direksyon ang mapula kong buhok dahil sa hangin na nanggaling sa eroplanong nag landing sa likod ko. Nakikita ko mula dito na ilang kilometro ang layo sa inaapakan ko ang maliit na alon. Mapayapa dito at wala kang makikitang polusyon. Malinaw ang tubig. Sariwa ang hangin. Tahimik. Perpekto. Masarap mamuhay sa ganitong lugar. Walang tao na titira kundi ikaw. Pero kahit sa lugar na ganito kaperpekto, may makikita ka paring problema kahit malayo.

"Beautiful, isn't it?" Nakangiting tanong sa akin ni Richard nang makalapit siya sa tabi ko at sinamahang titigan ang view sa harap. Patuloy ang pag alon ng tubig at ganun din ang hangin na nanggaling sa eroplano na kinuha ni Richard para ihatid ako dito. Binababa ng dalawang lalaki ang mga gamit ko sa papag para mamaya ay wala ng hassle.

Hindi ako sumagot kay Richard at tinitigan ang view. Halos umabot sa sampung milya ang layo nito mula sa islang tinatapakan namin. Natatabunan ito ng makakapal na ulap. Mula dito ay mukha itong Mt. Everest. Halos kasing laki at taas nito. Pero alam kong hindi iyon isang bundok o bulkan. Ang Firin Academy.

Nasa gitna ng dagat ang Firin Academy. Fvck it.

May isang mahabang tulay na gawa sa semento ang nag kokonekta sa dalawang isla; ang isla na ngayon ay kinatatayuan ko at ang isla kung nasaan ang Firin Academy. Kung lalakarin mo ito ay baka umabot ka ng ilang araw, pwedeng linggo o mas mahaba depende sa lakad na gagawin mo. But I won't dare to walk. I'm not that stupid kung alam ko namang pwedeng languyin.

I sighed. That's my new cage. Apat na taon akong titira doon. Sa loob ng mataas na pader. Kung saan wala ang mga lugar na nakasanayan ko, ang mga taong gusto kong mawala at mga bagay na gusto kong mag laho sa harapan ko. Doon, iba na ang buhay ko.

"Don't expect me to be a perfect student, Richard." Halos pabulong kong banta habang titig na titig sa korte ng isang bundok sa harap. Hinangin ang buhok ko sa huling pagkakataon dahil tumigil na ang eroplano sa pag andar ng makina nito sa likod. "I'm never gonna be." Pag tatapos ko.

Mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong tumango si Richard. "I won't expect. I don't push you to be different," lumingon siya sa akin at ngumiti. "I just want you to know that there's a place you can call home, Cass. Kung hindi man sa tabi ko, at least... you have that place. That home. It's fine. Firin can be your home. The people you'll love there can be your family. Its fine if I'm not belong there, Cass. It's fine."

I heard his voice crack. Umiwas siya ng tingin noong lumingon ako sakanya ng may blangkong mukha. Ngumiti siya sa akin ngunit hindi siya naka tingin. I can see his eyes almost closing dahil singkit ito. I didn't felt a thing. I'm tired of the drama.

"I just want to fulfill your mother's second and last wish. Sana... mangyari yon."

It was the last words I heard from him bago dumating ang isang barko. Nanggaling ito sa Firin Academy at may dalawang taong naka-sakay doon. Kilalang kilala ko ang kumakaway na lalaki mula sa gilid ng Bangka na iyon habang kumakaway siya.

Firin AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon