Chapter 3: Lesson

276 24 5
                                    

A/N: UNEDITED PO. PAGBIGYAN.

Chapter 3: Lesson

Maingay na nag lalakad ang dalawa, sina Claira at Kara, sa harapan ko. Wala gana akong sumunod kung saan sila tutungo. Ang alam ko lang, kasama ko sila sa classroom ko. Since hindi ko alam kung saan ang pesteng class room, wala akong choice kundi sumama sakanila kahit naririndi na ako sa bunganga nilang walang tigil. Kahit kagabi, kung mag kwentuhan sila sa ibabaw ng kama ni Kara ay parang walang taong pagod at matutulog! Damn them. Kung may lakas lang akong sapakin sila kagabi, baka nagawa ko na.

It's all that President Council's fault. Napaka-wala niyang modo. Wala akong pakielam kung nilabag ko ang mga rules ng Academy na ito. Walang hiya yon. Sa susunod na makikita ko siya, I won't get fooled again. Entering that Sinner's room is beyond hell. Posible palang may impyerno sa loob ng mismong impyerno. It was hell.

The Sinner's room was forbidden, to be exact. Kinatatakutan ito ng mga etsuydante dito. Nalaman ko din na bukod sa akin, isa palang ang nakakapasok roon. At iyon ay si Abran. Wala akong balak na alamin kung anong klaseng kasalanan ang ginawan ni Abran pero gusto kong malaman kung paano niya nakakayang bumalik doon ng halos araw-araw.

It was torture inside there. Sa oras na umapak ka sa loob ng Sinner's room. You'll fall asleep. Sa loob ng panaginip mo ay pag sisisihan mo ang lahat ng ginawa mo. You will saw the things you hate-the people you want to disappear at ang taong ayaw mong makita kagit kailan. Fear will envade your whole system. At nasa loob ako ng bangungot na iyon sa loob ng tatlong oras. Nilabas ako ni Mr. Scarlet doon matapos. He let me drink a glass of water para kumalma. Nileksyunan niya ako tungkol sa ginawa ko. Hindi ako nakinig. I don't want to. I was too tired. My whole body aches. Kaya noong makabalik ako sa dorm ay humiga kagad ako. Pero hindi naman ako makapag pahinga ng mapayapa dahil sa dalawa. NAPAKA-INGAY!

"Eh ikaw Cass?" Natigilan ako nang biglang lumingin sa akin ang dalawa, nag hihintay ng sagot. Napa-taas ang dalawa kong kilay. Nasa gitna kami ng hall at madami kaming kasabay na estudyante na pupunta sa kanya-kanyang class room.

"Ano?" I asked. Hindi ko naman pinakikinggan ang pinag uusapan nila.

Claira pouted. "Tinanong ka namin kung ready ka na para sa Physical Battle mamaya?"

"Physical Battle?" para akong batang nawawala, walang idea sa kung ano ang sinasabi nila. Bahagyang napa-kunot ang noo ko. I felt something is coming na hindi ko magugustuhan. "Ano 'yon?" tanong ko pa.

"Uh... hindi mo nga pala alam." Napa-kamot sa ulo si Kara. "Test iyon monthly. Nasaktuhan lang na ngayon gaganapin iyon matapos ang Lunch. Lahat ng mga nasa Senior level ay bubunot. Yung mabubunot mong pangalan, yun ang makakalaban mo sa field."

"Kayong dalawa ang mag dedecide ng set of battle niyo unless under ito ng Physical traning. Kayo din ang mag se-set ng rules at kung saan ang sakop ng lugar ng laban niyo." Claira added and licked her lips.

"Ang mananalo ay bibigyan ng yellow card."

Napakunot ang noo ko kay Kara. "Ano naman ang red card?"

"It's uh... parang credit card!" sagot niya na parang hindi pa sure. "Parang point chips. Ang value ng isang red card ay 15 points. You can use them to buy points sa tests, quizzes, seat works, assignments. Kaya talagang nag iipon ang mga estudyante nun. Isn't it cool na maka kuha ka ng red card tapos madami?"



Hindi ako umimik. Tumaas kami sa isan mataas na hagdanan kung saan halos lahat ng senior students ay papunta. Sa kabila ang freshman at hindi ko alam kung saan ang juniors at sophomores.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Firin AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon