08

37 4 0
                                    

"M-Mike?" nanghihina kong sambit nang ako'y magkamalay mula at dahil si Mike ang batid kong nakasalo saakin ay sya agad ang aking tinawag.

Nakinig ni Mike na tinawag ko sya kung kaya naman tumingin ito saakin at nakitang ako'y gumagalaw na at ako'y nilapitan.

"H'wag kang masyadong gumalaw, higa ka lang" tugon nito at ako'y inihigang muli.

"Where are we?" tugon ko dahil tila hindi ko namumukaan ang aking nasa paligid dahil sa malabo pa ang aking paningin hindi ko rin batid kung sayang bahay ito.

"Nasa bahay ko, hindi ko pwedeng hayaang makita ka ni tita ng ganto" tugon nito.

Huminga ako ng malalim at tumahimik, at bigla akong nagulat nang biglang naalala ko ang nangyari maaari kayang nakita ni Mike ang buntot na nasa aking likodan? sana naman'y hindi.

Inalala ko lahat ng pangyayari at napansin ko na ako at ang lalaking aso na iyon ay may angking kakayahan na dapat wala ang tulad naming mga tao, but the question is how? how can Mike fight off someone like him if Mike is normal? when I have this ability and I still don't have a chance for him for Mike has so how?

Napatingin nalamang ako sa aking kaibigan, kilala ko si Mike noon pa lamang kaya naman napaka imposible na ito'y katulad ko o nung lalaking aso, baka masyadong iniisip ko lang ito gawa sa nangyari.

"By the way, you need to rest at mag pagaling dahil kayo ay quiz daw, your teacher called me and told me about it, lalabas lang ako bibili ng pwede mong makain before we go." sambit ni Mike nang ako'y manahimik sa higaan at nag tungo na sa labas ng bahay.

Hindi na ako sumagot sa kanyang sinabi dahil ako'y tinatamad na sumagot dito. Sya'y nag tungo na sa labas at iniwan ako sa kwartong ito, medyo bumabalik na sa dati ang aking paningin, napakaganda ng kwartong ito, ito ba ay silid para sa mga taong bisita sa kaniyang tahanan o silid nya ito mismo.

Ang laki ng kama ay king sized bed na kulay puti at sa bandang uluhan ay may litratong napakalaki na black and white ngunit tila tungkol sa puno ang litratong ito, sa gilid ng kaliwang gilid ng kama ay may sobrang laking bubog na pintuan, ito ay de-slide na pintuan patungong terrace ng kwarto, sa bandang kaliwa naman ay ang pintuan palabas ng silid ngunit bago iyon meron munang bed side table dito at maliit na ilaw sa ibabaw nito. May malaking karpet na nasa lapag na kulay kayumanggi at puti, salitan ang kulay nito, na sa sobrang laki ay merong karpet sa harap ng puntoan at may kaunting parte naman ng karpet na ito ay nasa ilalim ng higaan at sa dulo ng karpet na tapat ng pinto ay may upuang pang mayaman dito at sa tabi nito ay maliit ka lamesa.

Mike seems to be rich? or does he just have money?

Dumating na si Mike sa loob ng silid at nag tangka na akong bumangon nang akin itong naramdaman ako'y nakita ni Mike bumabangon kaya naman agad nyang isinara ang pinto at inilapag ang pagkain sa ibabaw ng lamesa, tabi ng ilaw, at ako'y inalalayang tumayo, inilagay nya ang unan sa aking lokoran upang akin itong sandalan.

"Salamat" ani ko at sya'y nag tungo lamesa sa dulo ng karpet dahil doon ay may maliit na mangkok at inilagay doon ang aking kakaainin.

"Lugaw?" mahina kong tugon dito nang nakita ko ang pagkaing kanyang binili.

"Oo bakit?" anito.

"Mike wala naman akong lagnat, bakit naman iyan ang iyong naisipang bilhin?" nakasimangot kong tugon dito.

"Mainit ito, pampalakas ng katawan, nakakabuhay ng cell sa dugo mo" lalong kumunot ang akin noo "Halina wag ka nang maarte papasok pa tayo" dagdag nito at itinapat ang kutsara na may aroskaldo sa may bibig ko.

𝐓𝐡𝐞 𝐋𝐞𝐠𝐞𝐧𝐝 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐍𝐢𝐧𝐞𝐝 𝐓𝐚𝐢𝐥𝐞𝐝 (𝐁𝐨𝐲𝐱𝐛𝐨𝐲)✔️🔞 Where stories live. Discover now