Chapter 1: Strange morning
Serafina Avanzado
"Serafina gumising ka na."
Nagising ako sa boses ni Nanay sa labas ng pinto ng kwarto ko. Antok na antok pa ako.
Napatingin ako sa orasan ay nakita kong 6 am palang naman at 8:30 am pa ang klase ko. Naisipan ko pang matulog kahit 10 minutes lang dahil antok pa talaga ako. Late na akong nakatulog kagabi dahil sa paggawa nang reporting at iba pang assignments na ngayon ipapasa.
"Serafina kanina pa kita ginigising. Malelate ka na sa klase mo!" Sigaw ni Nanay dahilan para magising ulit ako. Mabilis na nilingon ko ang digital clock ko at lumaki ang mata nang makitang 7:56 na.
Sabi ko 10 minutes lang!
Mabilis na bumangon ako at nagmamadaling kinuha ko ang tuwalya ko at lalagyanan nang mga sabon ko bago tumakbo sa baba, sa may Cr.
"Ayan na ba ang sinasabi ko. Huwag magpupuyat para hindi malelate sa klase " rinig kong sabi ni Nanay.
Hindi nalang ako sumagot dahil kailangan kong magmadali. Traffic pa naman kapag ganitong oras dahil hindi pa tapos ang pagsasaayos sa kabilang road kaya maliit pa ang space. Sana ay hindi ako malelate sa klase ko.
5 minutes lang ay tapos na ako eh usually 10-15 minutes akong maligo.
Hindi ko na nagawang i-blower ang buhok ko dahil kailangan kong magmadali. Bukod sa traffic ay paubusan rin ng masasakyan dahil madaming pupunta sa trabaho at mga katulad kong estudyante.
Napatingin ako sa wrist watch ko at nakitang alas otso na. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Bukod sa hindi ako sanay na malate, strict rin ang Professor namin ngayon.
"Serafina hindi ka ba muna kakain?!" Sigaw ni Nanay nang makitang palabas na ako ng bahay. Kumuha lang ako ng cinnamon bread para may makain ako kahit papaano.
"Hindi na, Nay! " Sagot ko at halos takbuhin ko na ang pababa sa street namin hanggang sa main road.
Medyo paakyat kasi ang street namin.
Pagdating ko sa gilid sa may main road ay wala nang jeep na nag-aantay ko kahit tricycle man lang. Nakatayo ako sa tabi ng street light na sa kabila nito ay arrow sa direction ng street at pangalan na ' RH6 High Hills street'
Marami ring estudyante ang naghihintay sa gilid pero sa ibang school nag-aaral. Napalingon sila saakin at ang iba ay ngumiti dahil naging kaklase ko rin sila noong elementary ako pero ang iba ay tiningnan lang ako at para bang sinuri pa ako mula ulo hanggang paa. Ako lang din kasi ang naiibang uniform dito.
"Malelate na ako nito." Mahinang bulong ko sa sarili ko nang makita ko ang oras sa wrist watch ko.
Kinuha ko nalang ang cinnamon bread ko at kinain habang naghihintay nang masasakyan. Tinanong ko pa si Pixie na kaibigan ko kung may klase na ba. Minsan kasi maaga talaga ang Prof namin na kahit hindi pa oras ay pumapasok na siya.
Minsan nakakabanas rin na gumawa sila nang time schedule tapos hindi rin nila sinusunod. Minsan may make up class pa sila at kami pa ang mag-aadjust sa oras nila.
"Hmp." Napakagat labi ako at palihim na nagdadabog. Sabi ko kasi 10 minutes lang tapos hindi ko na namalayan na lagpas 1 hour na pala.
Dala-dala ko pa ang laptop ni Time na kaibigan ko rin. Hiniram ko para sa presentation ko mamaya dahil wala pa akong laptop. Stress na stress na ako buong linggo dahil ang daming pinapagawa. Reporting dito, reporting doon. Sana nag news reporter nalang ako.
Napaigtad ako nang may bumisina na sasakyan. Nang tingnan ko ay may humintong sasakyan sa right side ng kalsada habang ako ay nasa left side.
Kinakabahan na nga ako, ginulat pa ako.