Chapter 3: Meeting Kadynce
Ngayon na ang last day ng Mid term exam namin at sa sobrang malas ko na naman ay nalate ulit ako nang gising dahil sa pagpupuyat ko sa pagrereview kagabi.. Major subject pa naman ang examination namin kaya hindi pwedeng 'bahala na' at hindi kaya nang manifest kung wala ka namang effort para matupad ang manifesting mo.
" Nakakainis.." mahinang bulong ko dahil puno ang mga dumadaang jeep at tricycle.
30 minutes drive pa naman papuntang school kaya talagang malayo pa. Hassle talaga sa biyahe everyday. Naisip ni Nanay na ilipat nalang ako sa boarding house malapit sa school para walking distance.
Napaigtad ako nang may bumusina na sasakyan at nagulat pa ako nang makita ko ulit ang sasakyan ni Ma'am Rayhana na huminto mismo sa harapan ko. Nakita ko namang napatingin ang mga tao sa may tindahan dahil sa humintong sasakyan. Binaba nito ang salamin sa driver seat at bumungad saakin ang neutral na expression niya.
" Get in." Tipid na sabi nito but full of authority kaya hindi na kailangang sabihin niya ulit siya. Impatient pa naman siya at mainit lagi ang ulo.
" Good morning, Ma'am. " I greeted her and bow my head a bit bilang respeto nang pumasok ako sa passenger seat.
Tumango lang siya kaya sinuot ko nalang seatbelt ko. Napakagat labi ako dahil ang awkward pero sa tingin ko ako lang naman ang nakakaramdam dahil seryoso lang ding nagmamaneho si Ma'am.
Nakakahiya. Pangalawang beses nang nangyari ito. Baka isipin nito na pabaya ako dahil lagi akong late.
" After your last exam today, pumunta ka sa office ko" Nonchalant na sabi niya.
" Yes Ma'am." I said politely.
Pagdating namin sa tapat ng CAS department ay nagpasalamat naman ako kay Ma'am.
" Next time, don't be late, Miss Avanzado. " Sabi lang nito kaya napakagat labi ako bago sinara ang pinto ng kotse.
Pinagmamasdan ko nalang siyang nagdrive paalis bago ako nagmamadaling pumasok. Nasa 3rd floor pa ang room ko kaya kailangan ko pang gumamit ng elevator. Mabuti nalang ay hindi siksikan.
Pagdating ko sa room ay nagsisimula na ang exam. Nakita ko ang Prof namin na nagbabantay sa dulo ng room kaya kumatok ako. Sobrang busy ng mga kaklase ko sa pagsagot at tanging si Wil and Pixie lang ang umangat ng tingin saakin. They look at with worried face kasi baka hindi na ako papasokin since 20 minutes na akong late.
" Yes Ma'am." Rinig kong sabi ni Prof Melendez na may kausap sa cellphone habang papalapit saakin. " She's here po. Opo." Then binaba na nito ang cellphone.
Nahihiyang ngumiti naman ako." G-ood morning Prof sorry po late—" she cut me off by giving me test paper.
" Read the instructions carefully. Sit there." Turo niya sa upuan sa first row.
Agad na sumunod naman ako at umupo. I started reading the instructions before answering all the questions.
Hindi ako binigyan ng extension para sumagot kaya binilisan ko talaga. Naiintindihan ko naman dahil late ako at nagpapasalamat ako na pinatake parin ako ng exam.
120 items ang exam at masaya ako na marami akong sure na sagot doon. Worth it parin ang pagpupuyat ko kagabi. Nakailang baso pa ako nang Milo.