Chapter 8: baby
Kinabukasan ay naging usap-usapan ang nangyari. Tinanong ko sila Pixie kong anong nangyari after kong mahimatay ay sinabi nilang dumating si Ma'am Rayhana. Dinala niya ako sa office niya at pinakuha ang lalaki.
" Hindi nga rin lumabas sa balita kagabi o kaninang umaga ang nangyari. Si Ma'am Rayhana naman kasi ang umasikaso doon sa lalaking 'yon." Sabi ni Pixie.
" Nakakatakot kaya si Ma'am Rayhana kahapon. Alam mo 'yong tipong wala siyang emosyon na pinapakita pero ramdam mo 'yong dark aura niya. Kinikilabutan ako." Napayakap si Wil sa sarili.
" Eh si Time and Syxth?" Tanong ko. Hindi ko pa nakikita ang dalawang 'yon ngayon.
" Ayon halos mapatay na nila ang lalaking 'yon. " Simpleng sagot lang ni Pix.
Napabuntong hininga naman ako. Ayoko talagang umabot sa ganito ang lahat.
" Eh ikaw? Anong nangyari noong magising ka sa office niya?" Baling nila saakin.
" Umorder lang siya nang maraming foods then after kong kumain hinatid na niya ako sa bahay." Sagot ko.
" Stress reliever mo talaga pagkain 'no? Buti di ka tumataba." I smile because she's right.
" Eh hindi ka naman nanaginip ng masama?" Tanong ni Pix kaya umiling ako.
" Tinabihan ako ni Nanay matulog. Sinabi kasi ni Ma'am Rayhana sakanya ang nangyari kaya ayon, nag-aalala saakin." Sagot ko.
" Matatakutin ka pa naman. " Komento ni Pixie kaya napasimangot ako. Totoo 'yon. Ayoko nga manuod ng horror movies o pumasok sa horror booth.
Starting from that day ay sa tuwing may pupuntahan ako ay sinasamahan talaga ako nang dalawa. Si Time naman at Syxth ay masyadong mapanuri sa mga lalaking lumalapit saakin gaya nalang ngayon.
" Tama na 'yan." Saway ko kay Syxth dahil masama ang tingin nito sa lalaking nagbigay saakin ng bulaklak. Kinuha naman ni Time ang bulaklak at nilagay sa tabi niya. Ewan ko ba kung bakit nandito ang dalawang 'to. Hindi ako nakapagreview nang maayos.
Nandito ako sa may campus park at nagrereview. Wala pa sila Pix and Wil.
" Bakit ba kayo nandito?" Tanong ko sakanilang dalawa. Si Time nagcecellphone sa harap ko at si Syxth naman ay nagbabasa ng libro sa tabi ko.
" Sabi kasi ni Valle d'Aosta bantayan ka daw." Lumaki ang mata ko sa sagot ni Time.
" Ano? Si Ma'am Rayhana?" Tanong ko. Mabuti nalang malayo ang ibang students sa kung saan kami.
Tumango si Time. " Siya 'yong someone mo diba? " Bigla akong pinamulahan sa tanong niya. " Yieehhh.. Costallejo oh ang bunso natin, nagdadalaga na." Pang-aasar niya pa.
" Shut up." Inirapan ko siya pero tumawa lang siya bago dumukwang at pinisil ang magkabilang pisngi ko. Kairita talaga sila minsan. Kung hindi pinaglalaruan ang buhok ko, mukha ko.
" Ang pikon talaga." Komento niya kaya ako naman dumukwang para kurutin ang pisngi niya pero na out balance ako at mabuti nalang nahawakan ni Syxth ang braso ko.
" Be careful. Ang likot mo." Sermon nito.
Napasimangot ako. " Si Time kasi." Bumalik ako sa upuan ko at masama ang tingin kay Time na ngayon ay nagkukunyaring busy na sa cellphone.
Mabuti at dumating din ang dalawa. May dala silang pagkain para saakin dahil alam nilang masama ang loob ko sakanila. Sino ba namang hindi, eh ang usapan 7:30, anong oras na, 9:27 na!
" Kahit talaga nakasimangot, maganda parin 'no? " Compliment ni Pixie.
" Tigilan niyo ako." Sabi ko at kumain nalang habang nirereview ko ang notes ko. May long quiz kami mamaya.