Chapter 11: Overnight" Oh anong pinag-usapan niyo?" Tanong agad ni Wil.
Tinatamad pa akong pumunta dito sa school ngayong araw pero schedule namin ngayon sa office as an officer.
Hindi ko nga alam kung bakit nandito sila Wil sa office.
" Wala.." sagot ko.
" Wala? Totoo?" Tumango ako.
" After kasi naming kumain ay dumating ang dalawang pinsan niya. Family emergency daw kaya kailangan na nilang umalis agad. " Kwento ko.
Tumango siya.
" Nasaan nga pala si Pixie?" Tanong ko.
" Ewan ko. Sabi niya kanina sa chat papunta na siya. " Kibit balikat na sabi niya.
" Si Anim nasaan?" Tanong nito. Si Syxth ang tinutukoy niyang Anim na nakuha niya sa pangalan nito.
" Ewan ko. Kasama niya kanina ni Pres." Sagot ko.
Lumingon-lingon pa sa paligid si Wil bago ulit nagtanong. " May relasyon ba 'yong dalawa?"
" Sino?"
Napairap siya. " Tanga syempre si Anim at tsaka si Pres. Lagi kasi silang magkasama eh."
" Tanong mo sakanila." Walang ganang sagot ko dahil hindi naman ako interesado sa buhay ng may buhay. Kung meron nga ay masaya ako para sakanila at kung wala naman, edi wala.
" Hey." Nakita kong papalapit saakin si Cliff. Nakangiti ito kaya ngumiti din ako pabalik.
" Sched mo ba ngayon?" Tanong ko.
Agad na umiling naman siya. " Ah no. Gumala lang kami kasama ang barkada and I know na sched mo ngayon so...I want to check if you're okay."
" Okay naman ako. " Sagot ko.
" That's good then. Here." Inabot nito saakin ang drinks and biscuits na nakalagay sa supot.
Alanganing tinanggap ko naman ito kahit na nagtataka ako kung bakit niya ako kailangang bigyan nito.
" Ah thanks, Cliff. Nag-abala ka pa." Sagot ko.
" Hindi ka magiging abala saakin, Fin." Ngumiti nalang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
" Uhm may gagawin ka ba bukas?" Tanong niya.
" Hmm..wala naman. "
Napahawak ito sa ulo, halatang nahihiya.
" Uhm pwede ba kitang yayain manood ng sine sa AVR bukas? My treat." Nakangiting sabi nito.
Napatingin ako kay Wil at nakitang hinihintay rin nito ang magiging sagot ko.
" Hindi ako pupunta dito bukas e. Magpapahinga ako. " Sagot ko. Iyon naman talaga ang balak ko. Nakakatamad na kasi. Kung hindi ko lang schedule ngayon ay hindi ako pupunta.
" Ganun ba? Kelan ka ba free? Please kahit isang beses lang. Tsaka may itatanong din ako sayo."
Napakagat labi ako. " Hindi ko alam, Cliff. Iba nalang yayain mo. Pwede naman si Wil diba?" Baling ko kay Wil kaya lumaki ang mata nito.
" Hoy! Bakit dinadamay mo ako?" Tanong niya.
I sign her na tumango nalang siya. Ayokong kulitin pa ako ni Cliff. Alam kong maging usap-usapan na naman ang panonood namin ng sine kaya ayoko. Ang issue pa naman ng mga estudyante dito.
Natapos ang araw na hindi naman ako masyadong napagod. Mabuti nalang at wala masyadong problema kaya hindi ganun kabusy. Madilim narin nong nakauwi ako. Hinatid ako ni Time sa bahay kaya hindi kami nahirapan ni Wil sa biyahe.