Chapter 16: The Cook
Rayhana Abi Valle d'Aosta
"What are we doing here, Eliane?" I asked her nang makapasok kami sa isang kwarto na tanging ang salamin lang ang nagbibigay liwanag.
She didn't say anything at nakamasid sa mga Elements na mukhang mahimbing na sa pagtulog. Tinted ito kaya tanging kami lang ang nakakakita sakanila mula sa salamin na 'to.
Hindi ko nga alam bakit pa nila ako sinama dito. Sinabi ko naman ma busy ako sa school.
"Panonoorin ba natin silang matutulog?" Medyo may sarkastikong sabi ko.
She turn her gaze towards me without expression oh her face. Typical Sevrianna Eliane.
"Watch." She only said at may pinindot na red button.
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano 'yon pero agad din akong napasinghap nang makita kong unti-unting may tubig sa loob ng kwarto ng mga Elements. Hindi pa nila 'yon nararamdaman.
"What are you doing?" Tanong ko. "Eliane?"
Pero hindi niya ako sinagot at tiningnan lang ang suot nitong relo kaya binalik ko ang tingin ko sa kabilang kwarto at ilang segundo palang ay tumaas na agad ang tubig kaya nagising na silang lahat. Kitang-kita ang pagkataranta sa mukha nila lalo na't sobrang closed ng mga walls. Walang pwedeng labasan ng tubig. Kitang-kita ko kung paano sila humanap ng paraan. I saw Phoenix, my personal butler tried to open the door pero nakalock ito.
"West! Look for escape routes!" I heard Silver shouted.
I heard the tic-tacs of Sevrianna's watch kaya pati ako natetense na rin since nasa leeg na nila ang tubig. They tried everything to look for possible ways to escape pero wala pa rin hanggang sa hanggang ceiling na nila ang tubig kaya kailangan na nilang lumusong sa tubig.
"Papatayin mo ba sila?!" I exclaim dahil nanghihina na rin ang iba sakanila. "Sevrianna Eliane!"
But she didn't say anything kaya na-frustrate na rin ako sakanya. Bakit niya ba to ginagawa sa mga Elements?
Lumapit si Storm sa salamin kung saan kita namin siya mula rito. She punch the window pero hindi pa rin 'yon sapat. She gave hand signs sa mga kasama niya na tulungan siyang basagin ang salamin.
"Step aside." Sevrianna said kaya sumunod ako dahil malapit na nilang mabasag ang salamin. Sabay-sabay nilang sinipa ng malakas kaya tuluyan nilang nabasag at bumagsak ang malakas na tubig kung nasaan kami pero agad na pinindot ni Sevriann ang green button para i-open ang drainage para mawala ang tubig. Basang-basa na rin ako.
The Elements were struggling to breathe. They are gasping and choking. Halata sa mga mukha nila ang panic.
"Good job everyone." Sevrianna utter na para bang hindi niya kasalanan ang muntik na silang malunod. Wala pa rin siyang expression. Ibang-iba talaga siya kapag kasama niya ang asawa niya.
"I'll give you all 7 for the teamwork. Pero masyadong matagal ang 10 minutes." She said at umalis pero huminto ito nang nasa pinto na siya. "Sleep well."
Natawa ako. Ang harsh naman ng way of goodnight niya sa mga Elements.
"Ang galing niyo." I said to them at sumunod na kay Sevrianna. Naabutan ko siya sa lobby at mula rito at tinitigan ko nalang ang likod nito. Napailing ako. I think I know na bakit takot si Kadynce sakanya. She's quiet, but dangerous. Tsaka si Sevrianna ang pinakamayaman saaming magpipinsan.
Pagpasok ko sa living room ay nakita ko agad ang ibang pinsan ko na busy sa panonood. Yong iba naglalaro. We are here at one of our Family's rest house dahil may inasikaso kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/333079434-288-k912720.jpg)