Chapter 14: Almost kiss
" Anong drama 'yon?" Tanong ni Wil.
" Anong pinagsasabi mo?"
Pinanliitan niya ako ng mata. " Hindi ako bulag. Akala mo ba hindi ko napansin kanina na sinasadya mong iwasan si Ma'am President?" Napamewang ito.
" Iniiwasan? Bakit ko naman siya iiwasan?"
Natawa ito. " Hindi ka parin magaling magsinungaling, Fin." Kinurot nito ang magkabilang pisngi ko kaya nairita ako.
" Ano ba!" Inis na tinabig ko ang kamay nito.
" Hala siya ang sungit. Kanina ka pa masungit ah. Ang kilala kong Fin mahinhin at laging nakangiti." Sabi nito.
" Nakakainis ka kasi. Ang sakit." Nakasimangot na sabi ko at napahawak sa magkabilang pisngi.
" Sorry naman. " Mabilis na hinalikan niya ako sa pisngi. " Ayan kiss nalang kita. Bati na tayo?"
Napairap ako. " Oo na. Nanghahalik pa e." Inis na pinunasan ko ang pisngi ko.
" Hoy ang sama! Ikaw na nga itong kinikiss!" Maktol niya.
" Bakit sinabi ko bang gusto ko ng kiss mo? Kadiri ka."
Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako. " Ang sungit mo talaga ngayong araw ah. Did you wake up at the wrong head?"
Napakunot ang noo ko." Anong wrong head? Wrong side of the bed."
" Ah nabago na?"
I gave her a deadpan look kaya napakamot siya sa ulo bago ako inakbayan. " Hayaan mo na. Magkatunog naman e. "
Napairap nalang ako. Hindi ko alam pero ang bilis kong mairita ngayon.
" Tara sakay tayo ng octopus ride." Aya ni Pixie.
" Ayoko." Agad na tanggi ko. Nakakahilo ang rides na 'yon.
Tinawanan naman ako ng dalawa.
" Hays takot naman pala ang baby ni Miss De—"" Tumigil nga kayong dalawa!"inis na wika ko at iniwan silang dalawa. Sana hindi nalang ako sumama sakanilang gumala. Kanina pa nila ako inaasar.
Tinawag pa nila ako pero hindi ko sila pinansin. Mabilis na lumiko ako ng daan. Nasa may auditorium na pala ako. Sakto namang lumabas mula doon si Tony. Nakasuot ito ng jersey at pawis na pawis. Mukhang may training parin sila kahit na may festival.
" Oh Fin. Naligaw ka ata dito?" biro nito kaya natawa ako. Ito palang ata ang pangatlong beses na nakapunta ako dito.
" Oo nga. May training parin kayo?" Tanong ko at tumango naman siya.
" Ngayon lang naman since next week may laro na kami." Sabi nito. Basketball player si Tony kaya marami ring nagkakagusto.
" Tara Jollibee tayo. Libre ko." Aya nito.
" Ah wag na. Tsaka may training kayo diba?"
Ngumiti naman siya. " Kakatapos lang din namin. Wait lang shower lang ako. Tara sa loob. " Hindi na nito hinintay ang sagot ko at hinila ang kamay ko papasok. Nakita ko rin ang ibang teammates nito. 'Yong iba ngumiti saakin 'yong iba naman inirapan ako. Sanay na ako sa ganun kaya hinayaan ko na.
" Hintayin mo ako dito. Wag kang aalis ha? Bibilisan ko lang." Paalam niya at mabilis na tumakbo papuntang shower room. Umupo nalang muna ako sa steps at kinuha ang cellphone ko. May message ang dalawa at tinatanong kung nasaan ako dahil may naghahanap daw saakin. Hinayaan ko nalang at hindi nagreply.