Chapter 18: It's Official

1.6K 123 36
                                    

Chapter 18: It's Official


"Tangina! Ngayon pa talaga umulan!" Inis na sigaw ni Pixie dahil kanina pa kami nakasilong sa may kiosk. Nakaupo na nga kami sa table dahil tumataas na ang tubig sa lakas ng ulan. Mukhang may bagyo pa.

"Ang lamig sheetttt. Sana may kayakap ako ngayon. Sarap mag cuddle pag ganito ang panahon." Sabi ni Wil habang yakap ang bag nito.

Ngayon ang last pasok namin sa school dahil magbabakasyon na. Nagpasign lang kami ng clearance tapos saktong pauwi na kami nong umulan.

"Ayos ka lang, Fin?" Tanong ni Pixie.

"Ah oo. Bakit?" Tanong ko pabalik.

"Tulala ka kasi nitong nakaraang araw." Komento niya.

"May iniisip lang." Sagot ko.

"Sino? Si Ma'am President?" Mapang-asar na sabi ni Wil kaya bigla akong namula kabit sobrang lamig. Natawa silang pareho nang makita ang reaction ko. Mga baliw.

Paanong hindi ko siya maiisip e hinalikan niya ako noong nakaraan. Hindi ko narinig ang dapat na sasabihin niya pagkatapos non dahil tumakbo ako. Madalas na niya akong tawagan o i-message para mag-usap kami pero ako ang umiiwas dahil sa sobrang hiya. Pinapatawag niya ako sa office niya regarding daw sa scholarship ko pero alam kong hindi dahil doon. Gumagawa lang siya ng paraan para makausap ako. Hindi pa ako ready na makausap siya sa sobrang hiya at confuse sa nangyari.

Rinig ko ang sigawan sa mga katabi naming kiosk dahil sa malakas na hangin. Malayo kami sa mga rooms kaya hindi kami makaalis dito. Medyo nababasa na rin kami.

Nandito pa naman kami sa may mababang parte kaya mabilis tumaas ang baha dito. Inayos ko ang buhok ko dahil magulo na at tumatama sa mukha ko. Kainis! Wala pa kaming dalang payong.

"Hala baka kapag tumagal pa tayo dito, maabutan tayo ng baha. Hindi tayo makaalis." Nag-aalalang sabi ni Pixie.

"Tumakbo kaya tayo? Hayaan na kung mabasa tayo ng ulan. Kesa naman malunod tayo sa baha mamaya." Sagot ni Wil. Basa narin ang likod niya.

"Eh hanggang baba ng tuhod na ang baha. Si Fin, allergic sa ganyan. Mangangati na naman buong paa niya panigurado." Sabay tingin dalawa saakin.

"Arte-arte ba naman kasi ng skin mo teh para kang di anak mahirap." Asar ni Wil kaya hinila ko ang hibla ng buhok niya.

Last time kasi na sumulong ako sa baha, nangati ang buong paa ko. Kung hindi pa ako nadala sa hospital ay baka lumala pa.

"Una nalang ako tapos hihiram ako ng payong tas balikan ko kayo. Ano g?" Sabi ni Pixie.

"Sige sige. Iwan mo nalang bag mo baka mabasa ang clearance mo." Sagot ni Wil at kinuha ang bag ni Pixie. Tinaas nito ang suot na trouser at inayos ang pagkakatali ng buhok. Huminga pa siya ng malalim. Mabilis na sumulong ito sa ulan habang sumisigaw pa kaya natawa kami ni Pixie. Muntik pa siyang madapa. Medyo abot tuhod na niya ang baha kaya talagang maabutan kami dito lalo na at mukhang walang balak tumigil ang ulan.

"Wil!!!" Sigaw niya nang makarating siya sa building. Tumakbo ito at mukhang maghahanap ng payong.

Mga ilang minuto pa ay tinawag niya ulit kami kaya napalingon kami sa gawi niya at nagulat ako dahil kasama niya na ngayon si Toni, Cliff at si Ma'am Rayhana. May kanya-kanya silang payong. Unang bumaba sa baha si Cliff at sumunod si Toni. Nakita kong sumunod si Ma'am Rayhana at kitang-kita ko ang tingin ng mga tao sakanilang tatlo.

"Naks naman. Tatlo 'yong sundo. Paano naman ako? Haba ng hair mo girl." Hinawakan pa ni Wil ang buhok ko at halatang inaasar ako.

Nang makarating sila sa tapat namin ay ngumiti ang dalawa maliban kay Ma'am Rayhana.

Mystery Strings (Valle d'Aosta Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon