Chapter 17: The KissSerafina POV
"Good morning, Nay. Thank you po sa paglaba ng mga damit ko kagabi." Bati ko kay Nanay kinaumagahan."Maganda umaga din. Hindi ako ang dapat mong pasasalamatan. Si Abi ang naglaba kagabi. Sinabi kong ako na pero mapilit. Kaya mukhang napagod at napuyat kagabi. Tulog pa ba siya?" Tanong ni Nanay sa huli.
Napasinghap ako sa gulat sa nalaman. Si M-a'am? Naglaba? Jusko po.
Tumango ako." Tulog pa po." Kaya pala ang himbing niyang matulog dahil napuyat at napagod.
"Huwag mo nalang munang gisingin." Paalala ni Nanay kaya tumango ako.
Nasa kwarto ko siya natulog pero hindi ko na namalayan ang pagtabi niya saakin kagabi. Akala ko nga umuwi na siya e. Hindi ko alam kung bakit siya pumunta dito kagabi at siya rin ang nagluto. May pa cake pa tapos may nakalagay na 'Finals done. Congrats'
Kaya ba siya pumunta dito kagabi para doon?
Naglinis nalang ako sa may sala at kusina dahil maganda na ang gising ko ngayon hindi katulad kahapon na sobrang tamad kong kumilos. Feeling ko sobrang nadrained ako sa finals namin.
Halos magtanghali na rin nang magising si Ma'am.
"Kamusta ang tulog mo?" Tanong ni Nanay habang pababa si Ma'am sa hagdan. Suot pa rin nito ang pantulog ko na color pink. Natawa ako sa isipan ko. Ang cute ni Ma'am.
"Okay naman po, Tita." Sagot niya at lumapit saakin. Lumaki ang mata ko nang halikan ako nito sa pisngi. "Good morning.." bati niya na medyo garalgal ang boses dahil bagong gising.
"M-a'am.."
Hindi niya ako sinagot at umupo sa tabi ko bago nilingon si Nanay na nakatingin lang din saamin pero wala siyang reaction sa ginawa ni Ma'am. Para bang nasanay na ito.
"Magbubukas po ba kayo ng bakeshop ngayon?" Tanong niya kay Nanay saka ako nilingon. "Where's my coffee?"
"Po?"
"My coffee." Ulit niya kaya napatango ako. Hindi nga siya nagbibiro. Gusto niyang ipagtimpla ko siya ng kape. Tumayo ako at siya namang pagsagot ni Nanay sa tanong ni Ma'am.
"Hindi, iha. Magsisimba ako sa second mass." Sagot ni Nanay.
Kumuha ako ng baso at nilagyan ng maiinit na tubig at nagtimpla ng kape niya. Saka bumalik sa sala at nilapag sa maliit na mesa ang kape niya.
"Thank you." Sagot niya at hinila ako sa tabi niya nang akmang tatabi ako kay Nanay ng upo dahil nahihiya ako sakanya. Namula ako pero siya kalmado lang na hinigop ang kape niya.
"Magsisimba tayo nila Tita sa second mass." Turan niya. Napatingin ako kay Nanay at tumango siya.
"Okay po. Kumain na muna tayo." Ani ko.
"You're hungry?" Tanong ni Ma'am.
Tumango ako." Nag cinnamon lang po ako kanina e."
Nagfried rice muna ako habang si Ma'am ang nagluto ng ulam.
Balak siguro ni Ma'am maging tagaluto at tagalaba. Pagod na siguro siyang maging President at Professor.
Pagkatapos naming kumain ay si Nanay na ang naghugas ng plato tapos nauna na akong naligo.
"B-akit po?" Conscious na tanong ko nang nakitang nakatitig si Ma'am saakin pagpasok ko sa kwarto. Nandito pala siya. Bigla akong nahiya dahil nakatuwalya lang ako.
Nakita kong napakagat labi ito saka umiwas at tumayo. Pinaypayan pa nito ang sarili.
"I-'ll take a bath, then." Sabi niya at dahan-dahang naglakad palabas pero sinasadya nito na hindi makalapit saakin o kahit tingnan lang ako.