KUNG anuman iyong nasa kalooban ni Pierre nitong mga nagdaang araw ay mas lalo lamang gumulo iyon. He had kissed Amari, now he wanted more. Lalo pa't alam niyang hindi lamang halik ang gusto nilang gawin ng babae sa mga sandaling iyon. Kung walang nakaistorbo sa kanila, siguradong nauwi sila sa mas mainit na tagpo.
Noon lang siya nawalan ng kontrol sa sarili. Yes, he was sexually active, pero kaya niya namang magpigil ng libog kung wala sa lugar. Parang may ibang katauhan siyang lumabas at nagwala. Wala siyang anumang inhibition pagdating kay Amari.
He wasn't sure what was happening to him but he only cared for only one thing right now: He had to have her. Bad. Like it was the air that he breathe— no, that was lame. He needed Amari so bad like it was the last thing on earth that could save his soul from total damnation. Hindi siya matatahimik hangga't hindi niya ito nakakasiping. He would move heaven and hell if that would be the only way.
Wala din siyang pakialam kung makakaribal niya ang kanyang kaibigan.
"May balak ka bang i-date si Amari?" diretsong tanong ni Isaac na dumayo pa talaga sa mesang kinaroroonan niya sa Tipsy Bear.
"May problema ba kung oo?" diretsong sagot din niya.
"Kilala kita, pare. Hindi ang tulad ni Amari ang tipo mong babae."
Hindi ang tipo ni Pierre ang madaling mapikon ngunit sa mga sandaling iyon ay gusto niyang sapakin ang kausap.
"And what is exactly ang tulad ni Amari na sinasabi mo?"
"She's not a beauty queen."
"What's wrong with that?"
"And she's definitely not some girl that you pick up from clubs."
"And your point is?"
"What are your intentions, Pierre?"
Tumawa siya nang pa-sarkastiko. "Who the hell do you think you are? Boss ka lang ni Amari, wala kang karapatang panghimasukan ang buhay ng mga taong may kaugnayan sa kanya. It is none of your fucking business."
Nagtiim-bagang si Isaac. Hindi pa ito nakita ni Pierre sa ganoong estado. Mabait ang kaibigan niya, palaging nakakaintindi, at hindi nangingialam sa personal niyang buhay. Ngunit parang nag-iba ito ngayon.
"What is your deal, anyway?" kastigo niya sa kaibigan.
Iba ang isinagot ni Isaac. "May naghahanap sa iyo," pagak na sabi nito saka umalis.
Agad namang nakita ni Pierre ang sinabing naghahanap sa kanya. Papalapit sa kanyang mesa si Eloise, nakasuot ng masikip na bodycon dress.
"Hey, handsome," matamis ang ngiting bati nito sa kanya.
"Hey," bati niya pabalik.
Agad namang nakita ni Eloise ang protesta sa mukha niya nang akma itong uupo sa bakanteng silya sa kanyang harapan.
"Seat's taken?" tanong nito.
Gusto niya itong sagutin ng I am taken. Tipid niya itong nginitian. "Not really, I just don't want company."
"Ah, I see." Humalukipkip si Eloise. "Who's the lucky girl?Alam ba niya?" pabirong tanong pa nito.
Tumawa lang si Pierre.
Does she know?
Alam ba ni Amari kung paano niya ito pagnasaan? Na gabi-gabi itong laman ng maiinit at maduduming pantasya niya? She had no idea. Or maybe she had some. Naramdaman naman siguro nito iyon mula sa kanyang halik. Tumugon pa nga ito.
BINABASA MO ANG
Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)
RomanceWattys 2024 Grand Prize winner Goal: Gayumahin ang lalaking crush na crush mo. Plot twist: May ibang nakiinom sa drinks na hinaluan mo ng gayuma.