chapter 10

40 2 0
                                    




LEVITHAN's POV.

Pag tapos naming makita ang letter sa lamesa na iyon ay agad kaming umalis, palipad sa Russia. Aabutin kami ng ilang araw bago makarating doon. Alam ko na matagal din sila bago maka punta doon.

Hindi naman nila alam ang location ni dad. pwera nalang kung may alam silang tao na alam ang location ni Dad.

"You're shaking Levi" Nagulat ako sa sinabi bigla ni Midnight. "Calm down, I know Luna will be fine" Dagdag pa nito.

"We need to discuss something" Sabi naman bigla ni Kuya Alex. "We all know that Luna has been kidnap by that guy Harry and that woman Mhiel." Dagdag pa nito at napa tango naman kami.

Hindi parin ako mapa kali, hindi ko alam kung anong nangyayari kay Luna.

"Yuri, search that woman" Utos ni Kuya Alex kay yuri.

Si Yuri kase ay computer engineer, at si Yuri lang ang pinag kakatiwalaan ni Kuya pag dating sa mga information. Napaka galing din nitong si Yuri minsan eh, napapa nganga nalang ako sa taglay niyang talento at talino.

"Hmm.. That Mhiel is 18, her parents died 11 years ago.. Yeah we all know that, but.." Yuri paused. "Mhiel Killed her nani when she was 9 Because of her nani's behavior.. Ang sabi ay aksidenteng natapunan nung matanda ang kanyang bestida at pinatay niya ito dahil don.. Then nadala siya sa mental and before that she was checked by a Psychiatrist and diagnosed as a Psychopath" Paliwanag ni Yuri na ikina gulat ko.

That woman is a Psychopath?. Damn man that was crazy, that girl is crazy.

"Anong gagawin natin? baka kung anong gawin niya kay Luna" singit ni Midnight.

"We all need to do is to wait" Sagot ni Kuya Alex at sumandal sa kina uupuan nito.

Mababaliw ako sa mga nangyayaring ito eh, baka ako pa ang madala sa mental kesa sa Mhiel na iyon.


PAG KA TAPOS ng mahabang byahe ay naka rating kami ng Russia, agad agad naming tinawagan ang butler ni Dad na sunduin kami at dalhin sa lokasyon nila.

Limang minuto lang ang hinantay namin at naroon na agad ito.

"Ok lang ba si Dad?" Tanong ni Shan sa butler.

"Oo naman bakit?, at bakit kayo andito?" Tanong ng butler. Pilipino kasi ito kaya nakakapag tagalog.

"Na nganganib ang buhay ni dad" Sagot naman kaagad ni Lech.

"Ano?!" Sigaw ng butler at gulat na gulat. "Walang kasama si Master doon sa mansion ngayon." Natatakot nitong sabi.

Ilang oras ang inabot nang maka rating kami sa mansion ni dad, sa labas ay may nakita kaming sobrang daming sasakyan na kulay itim, at sa labas ay mayroong mga naka tayong lalaki.

Nag simula silang mag pa putok ng makita kami.

Shit.

"Dito lang kayo" Sabi ni Kuya Alex sa butler.

Kami nila kuya Alex, Midnight, Xander, at Yuri ay lumabas ng sasakyan at para kaming nakikipag digma dahil sa sunod sunod na pag papaputok ng baril.

Na daplisan ako at si Yuri sa balikat pero hindi namin iyon ininda hanggang sa maubos namin silang lahat, pag tapos namin doon ay pumasok agad kami sa loon at napunta kami sa library ni dad at doon ay nakita ko ang hindi ko inaasang makita.

Nakita ko na andon na sila, sila Harry at kasama yung Mhiel pati narin si Luna at ang mas nakakagulat ay ang walang expression na muka ni Luna habang naka tutok ang baril nito kay Dad.

My Assassin BrothersWhere stories live. Discover now