Chapter 13

28 0 0
                                    

A/n: this chapter is a work of fiction, don't take everything seriously. Enjoy reading :))

_____

The Royal Family of Pavlos, the history of the royal family. But what's the connection of the Royal Family to the Ivanovs? How those two family met? May dugong royalty nga ba ang mga Ivanov? Ano namang connection ni Luna Chalotte Ladezma sa mga royal bloods?.

The past...

"Theodore! Nasaan kaba?" Sigaw ng babaeng si Menerva.

Si Menerva ang asawa ni Theodore Luke Ivanov, siya ang ama ni Harold Nera Ivanov. Hindi sila mayaman, at mas lalong hindi sila royalty. Normal lang ang buhay nila, ang babaeng si Minerva ay purong pilipina. Si Theodore naman ay may lahing pilipino lamang.

Nag desisyon silang tumira sa greece dahil ayaw ng mga magulang ni Theodore na manirahan ito sa pilipinas, kaya isinama nalang niya ang asawang pilipina na si Minerva. Masaya naman sila noong una, pero tila naging sakim si Minerva.

Ang pamilya ni Theodore ay may koneksyon sa hari ng Greece. Matalik na mag kaibigan ang ama ni Theodore at ang hari ng Greece, pero nang bumaba sa trono ang hari ay pinalitan ito ng prinsipe. Kasing edad ni Theodore ang bagong hari, kaya noong mga bata pa sila ay naging matalik silang mag kaibigan.

Until now, Theodore and the new king is still best friends. When Minerva found out about the connection between the royal family and the Ivanovs,  Minerva insisted of meeting them, but Theodore disagree.

Theodore is fully aware about Minerva's hidden attitude but he still loved her. That's the power of love, even though you saw some red flags you will stay and love that person.

"Please honey? Let's meet your friend, maybe he can help us with our house here." Minerva said.

Hirap kasi ang mag asawa na makakuha ng bahay na malapit sa palace, doon kasi nakatira ang mga magulang ni Theodore. Gusto din kasi ni Theodore na makapag patayo ng bahay na malapit sa mga magulang niya.

Pero bago siya makapag patayo ng bahay malapit sa palace ay kailangan niya ng permit mula sa hari at reyna. Pinag iisipan na talaga ni Theodore na kausapin ang kaibigang hari, pero nahihiya siya dahil marami na itong natulong sa kanya.

Nag isip ng mabuti si Theodore, kung matutulungan talaga siya ng kaibigan sa pag papatayo ng bahay na malapit sa mga magulang ay ayon na ang magiging huling tulong nito sa kanya.

Ang isa pang iniisip niya ay kung isasama niya ba ang asawa, malaki ang tiwala niya kay Minerva pero kasi tila nag babagong anyo ito sa tuwing nakaka kita ng kayamanan.

Kailan niya lang nalaman ang ugaling iyon ni Minerva, pero minahal at pinakasalan niya parin ito. He genuinely loves Minerva, pero ganon din ba ang pag mamahal ni Minerva sa kanya?.

Bumuntong hininga siya at tumango. "Fine, but I'll call him first." Sagot ni Theodore kay Minerva.

Tila parang batang nag tatalon sa tuwa si Minerva, may kung ano namang kutob ang pumasok sa loob ni Theodore pero pinag walang bahala niya iyon. What could possibly go wrong, if his wife met his old best friend?

Kinagabihan ay pinag bihis ni Theodore si Minerva dahil inimbitahan sila ng hari na doon mag hapunan sa palace. Abot tenga ang ngiti no Minerva dahil sa sinabi ng asawa, kaya kaagad siyang nag punta sa kwarto nila at nag bihis ng isang magandang bestida. Kulay pula ito at kitang kita ang magandang hubog ng katawan ni Minerva.

Nang makita siya ng asawa ay tila napa hinto ito, sobrang ganda ni Minerva. Kahit sinong lalaki ay mahuhumaling sa gandang taglay nito.

Umalis sila ng kanilang bahay at nag punta sa palace, pag dating nila doon ay sinalubong sila ng hari at reyna. Tumingin si Minerva sa hari at ngumiti, iyong ngiting nang aakit. Hindi siya pinansin ng hari at nag punta sa kaibigan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Assassin BrothersWhere stories live. Discover now