Alexander Keir Ivanov

51 1 0
                                    



MAHIRAP lang kami at walang man lang kaya sa buhay, wala akong tatay at hindi ko rin alam kung bakit basta ang sabi lang sa akin ni mama ay ibinigay ako ni god sakanya as a blessing.

Noon akala ko doon gawa ang baby, blessing. Akala ko lang pala lahat yon.

Sa baryo namin sa Bulacan ay maraming mga naka tambay sa labas, limang taon palang ako pero pagala gala na ako sa kayle. Marunong naman na ako sa sarili ko, simula kasi nung nag trabaho si mama ay wala nang nag alaga sa akin.

Hindi naman kami mayaman para mag karoon ng taga bantay sa akin, wala rin naman akong mga kapatid at kung meron sana ay may kasama akong mag laro nitong pogs na hawak ko pero wala eh.

Pina ngarap kong mag karoon ng kapatid kaya gabi gabi akong humihiling kay lord ng kapatid kasi nga ang sabi sa akin ni mama ay blessing daw ako at ang sabi naman ng iba ay ang blessing ay galing kay lord, mula daw sa langit.

Kaya gabi gabi akong nag darasal na sana ay mag karoon ako ng kapatid, babae man o lalaki.

"Mama san ka galing?" Ang pitong taong gulang na ako ay nag tanong sa mama ko na kauuwi lang galing sa kanyang trabaho na hindi ko naman alam kung ano.

"Jan lang nak, rumaraket" sagot sa akin ni mama. "May pag kain na jan, kumain kana" Dagdag niya pa kaya agad akong nag punta doon sa lamesa at kinuha ang dala niyang pag kain.

Tirang minudo. pano ko nasabing tira?, Puro taba at gulay nalang kasi ang nandoon.

Napansin ata ni mama ang mukha ko kaya siguro niya sinabi ang mga katagang. "Pasensya na anak ah.. Hindi pa kasi ako nasahod eh" Matamis siyang ngumiti sa akin.

"Ayos lang ma, basta kasama kita" Binalik ko sa kanya ang matamis na ngiti, kaya't tumawa siya at ginulo ang buhok ko.

Nang mag umaga ay hindi ko na naabutan si mama dahil umalis na siya, basta pag gising ko nalang ay wala na siya.

Pag tayo ko ay may nakita akong pag kain sa lamesa at may limang piso doon, kinain ko ang pandesal na andon at agad na lumabas para makipag laro sa mga kaibigan ko.

Iniwan ko nalang ang limang piso sa bahay para hindi ko iyon magastos, dahil iniipon ko ang mga perang ibinibigay sa akin para sa pangarap namin ni mama. Masaya na kamo kahit kami lanh dalawa ang mag kasama.

Isa pa ayaw rin ni mama na nakihahalubilo sa ibang tao lalo na sa mga kapit bahay namin. Ang sabi kasi ni mama ay mga chismosa daw ang mg ito at kung ano anong kasinungalingan ang pinag sasabi, kaya raw nasisira ang buhay ng ibang tao dahil sa mga taong gamoon.

"Hoy Alexander laro tayo!" Sigaw ng kaibigan kong si Panot sa kanto ng kanilang bahay, nang makita ako ay tumakbo siya papunta sa akin.

"Anong laro?" Tanong ko agad pag lapit niya.

"Sabi nila Pepito taya tayaan nalang daw tas sabi naman nila Ading mag tumbang preso nalang, ang gulo nga nila eh" pag rereklamo ng kaibigan ko sa akin.

Si Panot ang Childhood best friend ko ang kaso nakalimutan ko na ang buong pangalan niya kasi ang tawag lang talaga sakanya noon ay ang palayaw niyang panot.

"Nasaan si Arkin at Lea?" Tanong ko noong makarating kami sa aming palaruan.

"Wala pumasok daw sila sabi ni ante Beth" sagot naman kaagad ni Pepits sa akin.

"Pumasok? saan?." Nag tataka akong nag tanong sa kanila.

"Sa iskuwela malamang" ani Pepits sa akin.

"Ganon ba? sige tayo nalang ang mag laro" sabi ko at nag laro naman kami.

My Assassin BrothersWhere stories live. Discover now