Chapter 15
If you could have anything in this world
what would it be?𓆩♡𓆪
Unedited.
When we arrived at our destination, agad kong tinawagan si Don Trevino to inform him of our arrival.
After 5 minutes bumukas ang malaking gate ng mansion, muling pinaandar ni Stefano ang sasakyan papasok ng bahay. Agad nilang nakita na nag aabang ang mga magulang ni Dewy. Ang dalaga naman ay tuwang tuwa nag matanaw ang mga magulang. Nang naihinto niya ang kotse, ay siya paglapit ng mga ito, agad binuksan ng Mama ni Dewy ang pinto ng kotse upang salubungan ang anak.
Nagyakapan ang dalawa habang umiiyak. "Mama, I miss you!" Mariing turan ni Dewy habang umiiyak.
"Oh thank God, you are safe." Ganting turan ng mama ni Dewy habang sinasapo ang likod niya.
Lumabas din si Stefano ng sasakyan, nagkatitigan sila ni Don Trevino, tumango siya dito at ganun din ang ginawa ng huli.
"Papa!" Tinakbo ni Dewy ang pagitan nila ng papa niya at sinalubong siya nito ng mahigpit na yakap.
"Na miss ko po kayo." Sumisikdong sabi ni Dewy.
"We miss you too my daughter." Wika ni Don Trevino sa anak.
Matapos ang tagpong iyon, muling naalala ni Dewy si Stefano, nilapitan niya ito at hinila papunta sa mga magulang niya.
"Papa, Mama, I want you to meet my friend, Steffy. Can he stay here for a while?" Nakangiting turan ni Dewy. Poker face naman si Stefano.
"Well, why not we go inside first." Bagkus ay tugon ni Don Trevino. Pagpasok ni Dewy at ni Mrs. Hart, ay binaling naman ni Don Trevino ang tingin nito kay Stefano.
"May I speak with you?" Don Trevino spoke, napabaling naman ang tingin ni Stefano kay Don Trevino, tumango siya, upang sang ayunan ito sa hiling nito.
"Let's go inside." Paanyaya ng Don at nauna itong pumasok.
Sa Study Room.
"Congratulations for a job well done. You are really like your father, a shrewd criminal." The Don said when they settled.
"I'm worse than him, Don Trevino." He sarcastically scoffs.
"Of course, I know your reputation, that's why ikaw ang nilapitan ko." Wika ng Don at sumimsim ito ng brandy. "Bianchini has been a thorn in my throat for a long time, I'm glad you killed him." Dugtong nito, pinagsalin din siya nito ng brandy, pero hnd niya iyon ginalaw.
"Speaking of him, his son just got out of jail, and he already knew what happened to his father, he will not stop until his revenge is obtained, if he finds out that you are the one who ordered his father to be killed, your life and your family will be in danger." Umigting naman ang panga ng Don ng marinig iyon. Humigpit ang hawak nito sa baso.
"I suggest that you add more men to secure your wife and your daughter." Paalala niya rito, pero tahimik ang Don at mukhang malalim ang iniisip, kaya naman tumayo na siya upang umalis.
"I will go now." Paalam niya rito.
"Bueno, I will call you if I need your service again." Tumayo rin ito. Tumango lang siya dito at nilisan ang kwarto.
Hinatid naman siya palabas ng security palabas ng bahay, hindi na niya hinanap pa si Dewy, coz this will be the last time that they will see each other, and he's not planning to see her again even in the future. Dewy is still young, she will eventually forget him. Bumuntong hininga sya bago tinungo ang kanyang kotse at inistart ito.
After 10 minutes after Stefano left, Dewy went to the study room to check if her Dad and Stefano is still talking. Binuksan niya yung pinto without knocking, at tumambad sakanya ang Papa niya na may kausap sa telepono habang nakatingin sa may bintana.
"Papa, where is Steffy?" Tanong niya nang napansin niyang wala si Stefano sa loob, napalingon naman si Don Trevino.
"He's left. Do you need something?" Tanong naman ng papa niya. Kumabog ang dibdib niya sa sinabi ng papa niya. Stefano left?
"Nothing Papa." Tipid niyang sagot at muling isinara ang pintuan ng study room.
No! He didn't wait for me? Wika ng isip niya. Sumilay ang lungkot sa mukha niya.
Agad siyang tumakbo palabas upang tingnan kung andun pa ang kotse nito, pero walang kotse siyang naabutan. Nilapitan niya ang guard na nakabantay sa may pintuan.
"Has my guest left already?" She asked.
"Opo señorita, nakaalis na po." Sagot nito sabay yuko. Mas lalo siyang nalungkot sa nalaman, muli siyang pumasok ng bahay at tinungo ang kwarto niya. Pagpasok niya, nilock niya ang pinto at humiga sa kanyang kama at doon ay nagsimulang umiyak at humagulgol.
Nasasaktan siya, hindi man lang ito nagpaalam at umalis nalang bigla. She felt heartbroken. Is she going to see him again? When? How? Mas lalo pang lumakas amg hagulgol niya nang marealize niya na hnd na niya ito muling makikita. She already misses him.
"Sorry Mr. Coco, I wet you with my tears." Turan niya nang mapansin na basa ng luha niya ang stuffed toy niya. Pinunasan niya iyon kanyang kamay as if matatanggal ang basa, at muli niya itong niyakap. "I missed him." Wika niya habang humahagulgol
"W-why did he l-leave without e-even saying go-goodbye? d-does he not want m-me a-anymore? does he not want to be m-my friend a-anymore? I'm c-confused." Wika niya habang humahagulgol. Hindi maampat ang luha na dumadaloy sa kanyang mga mata.
"M-maybe I-i w-was too a-annoying or he got f-fed up with m-me, so he left s-suddenly?" Just by thinking about it, she gets hurt even more and she can't stop crying.
Patuloy lang pag iyak niya habang nakasubsob ang mukha sa stuffed toy niya, nang may kumatok.
"Dewy, are you ok there? Would you like me to go inside." Napatigil siya sa pag iyak nang marinig niya ang boses ng mama niya. She wiped her tear-stained face with the back of her hand.
"I'm okay mom, I wanna take a rest first." Sagot niya rito. Ayaw niyang makita ng mama niya na umiiyak siya. At gusto niyang mapag isa muna. Saglit na natahimik ang mama niya sa labas ng kwarto niya.
"Just tell me if you need anything okay?" Tumango siya bilang sagot kahit hindi siya nito nakikita. "I will mom. Thank you." Muli niyang sinubsob ang mukha niya sa stuffed toy habang humihikbi ng mahina. Naramdaman niya palayong hakbang ng mama niya. At muli siyang umiyak, and sleepiness and darkness enveloped her.
✌️
AN : Sorry for the filler update 🥺
But watch out for the next chapter ☺️☺️
Thank you for reading, don't forget to click the ⭐
And follow me also 🥺🥺☺️☺️
![](https://img.wattpad.com/cover/108558211-288-k561014.jpg)
BINABASA MO ANG
His Feisty Innocent
RomanceShe is sweet and pure. He is dark and dangerous. She is soft spoken and timid He is aggressive and harsh. She is young and gullible He is cold and domineering What if these two opposite collide? What will happen? WARNING! ⚠⚠ Mature content!! ⚠⚠ Gram...