DISCLAIMER
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
✨
𖹭
She got a beautiful mind and pure heart, you can't buy that.
⋆。‧˚ʚ♡ɞ˚‧。⋆
Seven years later. (Paris, France)
Babalik na si Dewy sa Pilipinas matapos mag aral ng Bachelor of Fine Arts in Music. sa France, seven years din siyang namalagi doon upang ipursue ang kanyang passion, hindi lang painting ang pinursue niya kundi maging ang music, especially violin, wala namang humpay ang suporta ng kanyang mga magulang habang siya ay nag aaral,, kaya hindi naging mahirap kay Dewy ang mamalagi doon.
Habang nag aaral siya, nakilala niya si Angelina, pinay din ito at naging kaklase nya sa unibersidad.Naging matalik na magkaibigan silang dalawa. At nalaman rin niyang may exhibit na sinalihan si Angelina upang i-auction ang mga painting nito, at naengganyo rin siyang ilabas ang kanyang mga paintings, nung bata pa kasi sya, mahilig siyang mag pinta pero nakatago lang sa kanyang art room, walang sino man ang nakakakita nito maliban sa kanyang mga magulang, nahihiya kasi siyang may ibang makakita nito.
Pero ngayon, simula nang makilala niya si Angelina, nagkaroon na siya ng confident at hindi na rin siya mahiyain, mabilis niya ring nakasundo ang kanyang mga classmates, although, may mga mangilan-ngilan talagang maldita at bully pero hindi naman ganoon kalala, at kaya naman niyang ihandle.
Mabilis umusad ang buhay niya sa France, ngayon ay twenty-three year's old na siya at isa na siya sa kilalang classical violinist sa France, bukod kasi sa sumasideline siya sa mga orchestra or theatrical play, isa rin siyang vlogger, at paminsan-minsan nagse-share siya ng mga tips and lesson about violin, minsan nagcocover din siya mga sikat na kanta using violin at doon siya nakilala kaya naman marami ang kumukuha sa kanya upang tumugtog. Nakapag perform na rin siya sa Carnegie Hall, bilang isang main guest sa isang bantog na pianist na si Alphonse Moreau. Siya ang ka una-unahang pinay na nakapag perform doon.
"Dewy, you are going back to the Philippines pero hanggang ngayon hindi mo parin sinasagot si Liam? Sadyang hindi mo lang ba siya type or hindi kapa handang magka love life?" Tanong ni Angelina, kasalukuyan silang nasa Nouveau Cafe, nag order siya ng Salade Carciofi with fresh apricot juice at ito naman ay chocolat liégois.
Napangiti nalang siya sa sinabi nito. "Type ko naman siya, pero nagdadalawang isip pa ako, kung sasagutin ko na siya or hindi." Tanging sagot niya, totoo naman, nagdadalawang isip pa talaga siya, her mind says, 'sige sagutin mo na' but her heart says the opposite and she doesn't know why. Or talagang hindi pa siya handa for a romantic relationship.
"Really? Wala ka bang nararamdaman spark towards him? I think he's really your type? Yung tipong Boy Next Door at gentleman." Nung sinabi yun ni Angelina, saglit siyang napaisip at may isang taong pumasok sa isip niya, speaking of type kasi, nasabi niya dati kay Angelina na attracted siya sa mga ganoong lalaki, like how she describe before, yung mala 'Golden Retriver' boyfriend type.
BINABASA MO ANG
His Feisty Innocent
RomanceShe is sweet and pure. He is dark and dangerous. She is soft spoken and timid He is aggressive and harsh. She is young and gullible He is cold and domineering What if these two opposite collide? What will happen? WARNING! ⚠⚠ Mature content!! ⚠⚠ Gram...