CHAPTER 8

3.1K 38 2
                                    

CHAPTER 8

𓆩♡𓆪


"Si Jollibee?!" Bigla napasigaw si Dewy, Naramdaman niyang wala na ang ulo nitong nakasandig sa likod niya.

"Baby, wag kang malikot." Tiningnan niya ang ang sinabi nito. Isang poste ng malaking ulo ni Jollibee ang nakita niya, umiilaw. May nakalagay na 24/7. Napailing nalang siya.

"Gutom ka nanaman?" Tanong niya rito. Umungol ito upang tugon. Shit!! Stefano and his dirty mind. Nagdrive naman siya papunta sa Fast food.

"Nakikita ko lang siya sa TV but I've never been there nor taste their Chicken Joy. Dad and Mom said it's unhealthy food." May lungkot sa tinig nito. Gusto niya tuloy bugbugin ang tatay nito! Paano nila natitiis na itago ang anak nila? And deprived her of anything. Kahit sa simpleng bagay na kahit bata ay naranasan ay hindi nila naibigay. They are filthy rich but couldn't afford even simpliest thing for her. Her simple happiness. Napapailing nalang siya inis.

"We'll go there, don't feel sad." Pag aalo niya rito. Humigpit naman ang kapit nito sa bewang niya at muling isinandig ang ulo sa likod niya.

"Thank you Steffy." Masigla nitong wika. Napangiti siya sa tinawag nito sakanya.

**
Nang makapasok na sila sa Jollibee, napili niyang upuan ay ang malapit sa glass wall. Konti lang ang taong kumakain. madaling araw na nga kasi.

"Wait here OK." She gave him a pouty lips.

"I want to personally order please." Napatawa siya ng mahina. Sumang ayon nalang siya. Agad itong tumayo at isinukbit ang dalawang kamay sa braso niya. Napapatingin ang mga kumakain sa kanilang dalawa.

"Good Morning Maam, Good Morning Sir Welcome to Jollibee." Nakangiting bati ng cashier sakanila. Napangiti rin si Dewy animo'y naaaliw.

"Hi Miss Lyka." Nag wave pa ito. Nakita nito ang name plate ng Cashier. Napapailing nalang talaga siya. Na ooverwhelm ito sa mga bagong nakikita.

"Ano po ang order nyo, maam and sir?" Tanong ng kahera. Binaling niya ang tingin kay Dewy na nakatingin sa mga display na nasa harapan nila.

"Sandali lang miss." Sagot niya.

"Uhm.. Can I have the 1 piece chicken joy with spaghetti and fries? As well as the chocolate sundae and peach and mango pie?" Malambing nitong wika. That's just so cute. Pati ang cashier ay nadadala din sa mala anghel nitong tinig. Hindi niya maiwasang hapitin ito at halikan sa ulo.

"Anything more baby?" Tanong niya rito. Pakiramdam niya kasi may gusto pa itong orderin dahil nakatutok parin ang tingin nito sa display.

"Ikaw?" Napabaling ang tingin nito sakanya. She's asking him kung ano naman ang order niya.

"Coke float lang sakin miss." Yun lang ang order niya, hindi naman siya gutom.

"Sige pati rin ako, I also want coke float, so make it two." Nakangiting turan ni Dewy. Matapos ipunch ng kahera ang huling order nila ay binayaran na ito ni Stefano. Tsaka hinanda ng kahera ang order nila. Saglit silang naghintay.

"Here's your order maam and sir, enjoy your meal." Dalawang tray yun, ang isa ay coke float lang ang nakalagay so yun ang dinala ni Dewy papunta sa table nila.

Nagsimulang kumain si Dewy. Nagulat siya sa lakas nitong kumain, ang liit-liit nito pero ang laki naman ng alaga sa tiyan.

"Dahan-dahan lang baka mabilaukan ka." Paalala niya rito, pinunasan niya ng tissue ang gilid ng labi nito na may sauce ng spaghetti. Ngumiti lang ito sakanya at itinuloy ang pagkain.

His Feisty InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon