CHAPTER 10
𓆩♡𓆪
Sisimulan na nila ang plano. Ang tapusin ang italian mob boss na si Arturo Bianchini.
"Na disable na kagabi ni Raider ang cctv sa loob at labas ng mansyon ni Don Bianchini kaya madali na para samin ang patayin ang mga bantay niya, pero itinago na muna namin ang mga bangkay para hindi maghinala ang mga ibang tauhan niya." Wika ni Niko. Napatango- tango nalang sila sa tinuran ni Niko.
"Ipinaalam ko na rin kay Don Bianchini ang plano mo na umanib sakanya. Mamayang gabi 7 PM sharp ang appointment mo with him." Tumango siya.
"Okay! Let's get it on !"
**
"Long time no see Rossetti?" Wika ni Don Bianchini, nasa loob siya ng study room into, nakatayo siya sa harap ng table nito habang nakaupo naman ito sa swivel chair nito.
"It's nice to see you again Don Bianchini. " Nakangisi niyang turan.
"You may take a sit." Inilahad into ang kamay nito sa upuan na nasa gilid ng table. Umupo naman siya.
"Ah.. I was so excited when I knew na tinatanggap mo na ang offer ko, hmm I know you cannot resist my excellent offer. Am I right Rossetti?" Simula into habang nakasalikop ang dalawang kamay na nakapatong sa mesa.
"I'm not a fool Don Bianchini, ngayon napagtanto ko na na dapat ko nang tanggapin ang alok mo, pardon me, if it took times for me to realized it." His smirk didn't fade.
"And I'm glad that you finally came to your senses. Alam ko ang kapasidad mo, kaya naman tuwang tuwa ako nang nalaman ko ang bagay na ito." Mas lalo pang lumapad ang ngisi ni Stefano.
'At ang kaligayahang yan ay pansamantala lang tanda!'
"Kaya naman, gusto ko nang simulan kung ano man ang gusto mong ipagawa saakin ngayon." He cross his hand in his chest. Tumawa ng nakakaloko si Don Bianchini.
"Yan ang gusto ko sayo, palaging kating kati na pumatay, you are just like your father, everyone's worse nightmare." Wika nito. "Anyhow.. I know you know who is Trevino Ross? " pagpatuloy nito. Kumunot ang noo ni Stefano.
"I want you to kill him." May diin na wika ni Don Bianchini.
"Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit gusto mo siyang ipapatay, bago ko simulan ang misyon na ito."
"Simple lang, gusto kong maging pinaka makapangyarihan na Don dito sa underworld, pero siempre bago magyari yon, it is necessary to get rid of the obstacle to carry out that plan." He explained. Tumawa naman si Stefano ng patuya.
"At ano naman ang makukuha ko, kapalit ng ulo niya?" Sigurista niyang turan, kampante siyang nakaupo habang naka ekis ang dalawang paa.
"Posisyon at kapangyarihan, right by my side as my second in-command" he confidently said as if na sigurado itong hindi niya mahihindian ang inaalok nito. Tumayo siya. Sumilay naman ang pagtataka sa mukha ng Don.
"May kasabihan na "First Come First Serve" at mas nauna si Don Trevino Hart na ipaligpit ka, and unlike you, hindi ako gutom sa kapangyarihan." Nanlaki ang mga mata ng Don.
"Anong ibig sabihin nito Rossetti!?" Galit na sigaw ni Don Bianchini, pinukpok pa nito ang mesa sabay tayo na nanlilisik na mga mata. Sound proof ang silid, at kahit magsigawan sila, Hindi maririnig sa labas. Tinaas niya ang isa niyang kilay at ngumisi dito.
"Any last word Don Bianchini?"
"Traydor ka!" Akmang huhugutin nito ang baril nito pero naunahan niya ito. Agad niyang hinablot ang baril na may silencer na nakasukbit sa pantalon niya, at walang sabi-sabing pinaputok niya iyon, natumba ang Don at muling napaupo sa trono nito na nakadilat ang mata. Bull's eye.
Inihipan niya pa ang ang bunganga ng baril bago isinukbit ulit sa pantalon. Agad niyang tinungo ang bintana ng silid na iyon, hinawi niya ang makapal na kurtina na tumatabing doon, nasa second floor siya ng mansyon na iyon. Walang pag aatubiling tumalon siya mula sa kinaroroonan, na parang isang pusa, na wala man lang tinamong galos. Tinungo niya ang kanyang big bike na nakaparada sa tabi at agad iyon pinaharurot.
**
"Let's cheers for another successful mission!" Hiyaw ni Ryder sabay taas ng kanilang mga bote at pinagpingki ito.
"Grabe Stefano, hindi man lang ako pinagpawisan dun ah? Akala ko nga it will be a bloody hell war, tsk. I was expecting some more thrill, yung buwis buhay kaso wala! Eh sabaw pala yang Don Bianchini na yan!" Komento ni Alenxander, habang pinapapak ang sisig na kanilang pulutan.
"Malamang, Hindi na malaman ng mga tauhan niya kung ano ang gagawin, ngayong patay na ang amo nila." Nakangising turan ni Ryder. Habang si Stefano naman ay tulala at nakatingin lang sa kawalan na parang malalim ang iniisip. Siniko siya ni Niko, napatingin naman siya dito.
"Lalim ng iniisip mo ah?" Tanong nito. Ininom naman niya ang beer na hawak niya at pagkuway nilapag ito sa mesa.
"Anong sabi ni Don Trevino?" He changed the topic.
"Ah yes. We still have another mission right? Hanapin ang missing daughter niya, at kapag nahanap na natin ang batang yon, idedeposit na niya ng buo ang kabayaran sa account natin." Kanina pa bumabagabag sa utak ni Stefano ang bagay na iyon. Ibibigay na ba niya si Dewy sa pamilya nito? Sabi ng tusong bahagi ng isip niya. 'No not yet! I want her and she's mine!' At ang sabi naman ng matinong bahagi ng utak niya. 'Yes! Let her go! And let her be with her family kung saan siya mas safe at mas masaya.'
"Yeah. Let's find her." Tanging nasabi niya.
✌✌✌
BINABASA MO ANG
His Feisty Innocent
RomanceShe is sweet and pure. He is dark and dangerous. She is soft spoken and timid He is aggressive and harsh. She is young and gullible He is cold and domineering What if these two opposite collide? What will happen? WARNING! ⚠⚠ Mature content!! ⚠⚠ Gram...