CHAPTER 1

7.4K 70 1
                                    

CHAPTER 1

𓆩♡𓆪

UNEDITED!! SO THERE WILL BE MANY GRAMMATICAL ERRORS.

 SHE suddenly woke up to the screeching sound of a metal. pero hindi niya maidilat ang kanyang mga mata, at hindi niya rin maigalaw ang kanyang katawan, dahil sa pakiramdam na parang may bumugbog sakanya. Masakit sa pakiramdam, pero pinilit niya paring igalaw ang mga talukap ng mga mata niya upang masilayan ang kung anong bagay ang narinig niya at pumukaw sa kanyang diwa.

Nasilaw sa liwanag ang mga mata niya, kaya naman napapikit siya ulit.

'Nasan Ako?'

"Ineng! Gumising ka! Diyos ko po, inaapoy ka ng lagnat!" Naramdaman niyang may palad na dumampi sa kanyang noo. Agad niyang iminulat ang mga mata at akmang babangon ng biglang umatake ang sakit sa kanyang buong katawan.

"Ah!" Napangiwi siya sa sakit. Dumako ang kanyang paningin sa isang matandang babae na nakaluhod ngayon sa sementong kinahihigaan niya. Kababakasan ang pag aalala sa mga mata nito.

"Mamaya na kita tatanungin kung anong nangyari sayo, kailangan kang maidala sa ospital, tumawag na ako ng ambulansiya at parating na iyon." May pagpapanic sa boses nito.

"A-ano pong na-nangyari?" Medyo namamalat ang boses na sabi niya.

"Natagpuan nalang kitang nakahandusay dito mismo sa tabi ng shop ko at mukhang kakatuyo lang ata ng damit mo, marahil ay dahil sa ulan kagabi." Agad na nag flashback sa utak niya ang nangyari kagabi, simula sa nangyari sa kanilang tahanan, ang mama niya na umiiyak habang sinasabihan siya nito na agad na tumakbo at magtago, hindi niya alam kung bakit, pero may nakita siyang tatlong lalaki kagabi na bumisita sa bahay, mukha silang nakakatakot. Bigla siyang napahagulgol sa naalala at nangyari kagabi.

Ilang sandali palang narinig na nila ang parating na ambulansiya. Pagkahinto ng naturang sasakyan agad na naglabas ng stretcher ang isang EMT at agad naman siyang binuhat at ipinahiga duon. Sumakay naman ang matandang babae na tumulong sakanya.

Hindi maampat ang kanyang luha, naalala niya ang mama at papa niya, hindi siya sanay na wala ang mga ito, at hindi niya alam kung ano na ang kasalukuyang nangyayari sakanila.

Pagkarating nila sa ospital agad siyang inasikaso ng mga nurse at doktor. Pero hindi parin siya matigil sa kakaiyak. Nag aalala siya para sa mama at papa niya, hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa mga ito, o ano ang ang ginawa ng mga lalaki kagabi sa bahay nila, mukhang mga masasama ang mga ito.

"Tahan na bata, wag kang mag alala, gagamutin ka namin." Nagsalita ang nurse na umaasikaso sakanya, pero wala sa ang atensyon niya sa kalagayan niya ngayon, gusto na niyang umuwi. Gusto na niyang makita ang mga magulang niya.

"I wan't my mom and dad." Humahagulgol niyang turan habang hawak ang kamay nito.

"Sige, pagkatapos nito, tawagan natin ang parents mo huh?" Pagbibigay naman nito assurance. At kahit papaano medyo gumaan ang loob niya.

Pagkatapos siyang i-confine at gamutin, agad siyang dinalaw ng antok, epekto ng gamot na pinainom sakanya. Pero saglit palang siyang nakakaidlip, narinig na niyang may mga boses babaeng nag uusap.

"Buti naman at nadala agad siya dito, kung hindi, magiging kritikal ang kalagayan niya, dahil sa taas ng trangkaso niya." Sabi nang isang babae.

"Mabuti nalang dok at naisipan kong pumunta sa shop ko kanina, kung hindi, hindi ko na alam kung anong magiging kalagayan niya dun." Agad niyang nakilala ang boses ng matandang babae na tumulong sakanya kanina.

Idinako niya ang landas niya sa mga ito at agad na nagtama ang mga mata nila ng matanda. Lumapit naman ito sakanya at sinalat ang kanyang noo.

"Gising ka na pala hija, kumusta na ang pakiramdam mo?" Wika nito.

"Ok na po ako." Malumanay naman niyang sagot.

"Mabuti naman, ako nga pala si Marisa, ikaw? Anong pangalan mo?" Nakatingi nitong tanong sakanya.

"Dewdrops Hart po, pero tawagin nyo nalang po akong Dewy." She sofly replied to her.

"Ang ganda naman ng pangalan mo Dewy, kasing ganda mo hija." I gave her a thankful smile.

"May number ka ba ng mga magulang mo at nang matawagan natin sila" Naglabas naman ito ng cellphone, at agad na sumilay ang ngiti sa labi niya.

"Opo!" Masigla niyang sagot.

Matapos niyang maibigay ang number agad namang di-nial ni Marisa ang numero. She put it on loudspeaker.

But the disappointment flushed into her face when she heard the operator's voice.

'the subscribers cannot be reached, please try your call later.'

Pero muli namang sinubukang tawagan ni Marisa ang number, ngunit cannot be reach parin. Malungkot itong napatingin sakanya.

"Wala ka bang ibang number nila, maliban dito?" Napailing siya habang nakayuko. She held her face onto her palms then she started crying.

All her hopes was vanished into thin air, hindi niya alam kung nasaang lugar siya napadpad, she doesn't even know their exact home address.

"Ihahatid nalang kita sa bahay nyo, ano ba ang address niyo?"hinawakan nito ang kanyang kamay.

"I don't know." Biglang lumakas ang kanyang hagulgol, she feel so pathetic right now.

"Naku, paano yan hija? Paano ka nito makakauwi?" Kinabahan siya, she badly need to see her parents now, she's worried sick about them.

"Ganito nalang, magpapatulong nalang tayo sa pulisya para hanapin ang bahay niyo, okay ba yon?" Umangat ang ulo niya at tumingin dito, kapagkuway tumango siya.

"Sa ngayon sa bahay ko muna ikaw titira."

"Sige." Matipid niyang sagot.

"Pero kumain ka muna para makainom ka ng gamot mo." Napansin niya ang dala nitong white plastic bag. Atsaka inilabas ang styrofoam. Agad naman siyang kumain dahil kagabi pa siya nagugutom.

**

NANG makauwi sila sa bahay ni Marisa, hindi nanaman niya maiwasang isipin ang magulang niya. Tumulo nanaman ang hindi maampat niyang luha. Kanina habang sila ay pauwi, hindi pamilyar sakanya ang lugar na napuntahan niya.

Hindi niya maalala ang lugar na napuntahan niya, dahil sa gabi na at madilim kaya mahirap tandaan.

Bigla siyang bumangon sa pagkakahiga at lumabas mg bahay, agad niyang tinawid ang daan at tumuloy sa paglalakad, hindi palang siya nakakalayo, hindi na niya matandaan ang daan pabalki sa bahay ni Marisa, kinabahan siya, tumingin siya paligid, walang gaanong tao at mga sasakyan dumaraan. Nagpatuloy siya sa paglalakad , kahit nakaramdam na siya ng pagod at gutom, sige parin ang lakad niya.

Hanggang sa nakarating siya sa lugar na maraming mga sasakyan, mga taong animo'y may hinahabol at mga nagtataasang mga gusali.

'Nasan ako?' Inilibot niya ang paningin sa paligid niya, tiningala niya ang mga nagtataasan at naglalakihang mga buildings. Habang abala siya sa paghanga sa mga nakikita niya, bigla nalang may bumangga sakanya na muntik niyang ikatumba. Sinundan niya ng tingin ang babaeng bumangga sakanya, masama pa ang tingin nito sakanya. Napasingamot siya, hindi man lang humingi ng sorry sakanya.

"People here are so rude!" Nagpatuloy siyang maglakad hanggang sa may nakita siyang bench na nakahilera sa gilid ng daan, tuwang tuwa siyang tumakbo papunta sa bench at doon ay umupo.

Pero saglit lang ay bigla namang tumunog ang tiyan niya.

"Gutom na ako." Malungkot niyang,turan habang sapo sapo ang tiyan na kumakalam. Tumayo siya at biglang tumawid ng kalsada, huli na ng parating ang humaharurot na motor bike.

Screeeetchh!!! 

"AY! yung bata mabubunggo!!" May narinig syang mga sigawan, pero huli na.

Natigagal siya sa kinatatayuan, isang dangkal nalang ang agwat ng motor bike sakanya upang tuluyan siyang mabangga.

Mistula siyang estatwa sa kinatatayuan niya, hindi niya namalayan na bumaba ng driver ng motor bike.

"What the fuck Miss??"

✌✌
~~~~~~ cliffhanger!!

Please comment and vote para ma inspired naman ako. 😇

His Feisty InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon