CHAPTER 9
𓆩♡𓆪
BUONG araw lang nanonood si Dewy ng shows sa Nickelodeons nang makaramdam siya ng gutom. tumayo siya at tinungo ang kusina. Hinalungkat niya ang fridge, naghahanap ng makakain. Kumikinang ang mga mata niya ng mahagip ng mga mata niya ang Nutella. Agad niya iyon kinuha at binuksan at sinimulang lantakan. Sinundot niya iyon ng daliri niya."Yum!" Ngumingiti niyang sabi. Kumuha siya ng kutsara tsaka tinungo ang sala at muling nanood ng TV. Sarap na sarap siya sa Nutella nang hindi niya namalayang ubos na pala. Nabahala siya kasi gutom parin siya. Hindi naman siya marunong magluto. Lumungkot ang mukha niya. Bumalik siya ng kusina upang muling maghalungkat ng makakain. Akma niyang bubuksan ang cupboard pero hindi niya iyon maabot.
Lumingon siya sa paligid niya, may nakita siyang stool, kinuha niya yun at tumayo upang maabot niya ang cupboard. Tuwang tuwa siya ng mabuksan niya iyon. Tumambad sakanya ang iba't ibang bote. Binasa niya isa-isa. May soy sauce, banana ketchup, vinegar, cooking oil, hot sauce at kung anu-ano pang pampalasa. Meron ding cereals, powdered milk at kape. Pero walang pagkain na ready to eat.
"I'm hungry" atungal niya habang sapo ang nagugutom na tiyan. Lumabas siya ng kusina at tinungo ang kwarto ni Stefano. Naghalungkat din siya dun, naghahanap siya ng perang pambili nang pagkain. Lahat ng pantalon nito hinalungkat niya ang mga bulsa. Pero wala siyang mahanap. Pinuntahan din niya ang mga maduduming damit nito. Wala din kaya naman bumalik siya sa kusina, napagdesisyunan niyang magluto kahit wala siyang ka ide-ideya kung paano. Pero sinunod nalang niya yung nakikita niya sa mga kasambahay sa bahay nila kapag nagluluto ang mga iyon at pati narin sa nakikita niya kay Stefano. Lumapit siya sa electric stove at in-on yon, kumuha din siya ng maliit na frying fan at nilagay sa stove, naghanda aiya ng maliit na pinggan pagkatapos ay kumuha siya ng dalawang itlog sa fridge, pinukpok niya yung isang itlog, napahiyaw siya ng mabasag yun at mahulog sa sahig ang laman ng itlog, kinagat niya yunh daliri niya, natataranta na siya. Muli niyang binasag yung isang itlog pero hindi gaya ng nauna na malakas, ngayon ay dahan dahan niyang pinukpok, nagcrack yung itlog muli nanaman niyang pinukpok, natapon yung iba pero may nasalo naman ang pinggan kahit konti.
"OK na to." Pagkuway pinirito na niya, napaatras siya dahil sa tunog akala niya tatalsikan siya. Kinuha niya ang kutsara at tinanggal yun pero dumidikit yung itlog mahirap tanggalin. Nagtaka siya kung bakit. Hanggang sa naging tutong ang itlog wala siyang napakinabangan. Hinawakan niya yung frying fan upang tanggalin sa stove, nakalimutan nyang mainit kaya naman napasigaw siya sa sakit pagkahawk nun.
"Ahhh!!" Matinis niyang sigaw, bigla nalang napaiyak sa sakit.
"Waah!! Mama!" In-off niya ang stove at umiiyak na lumabas ng kusina.
"It hurts!" Hinipan niya ang daliri niyang napaso habang umiiyak. Mas lumakas pa ang iyak niya nang maramdaman niyang mas lalo yun sumakit.
"WAAH!!! MAMA!!" Hindi niya alam ang gagawin niya. Umiiyak lang siya, pulang pula na ang daliri niya.
"STEFFY HELP!!" Hiyaw niya.
Parang dininig naman ang sigaw niya. Nang biglang bumukas ang pintuan. At iniluwa nun si Stefano. Napatakbo siya dito at agad itong niyakap.
"Baby what happened?" Biglang tanong ni Stefano. May pag aalala sa tinig nito. At bigla nalang nitong nabunot amg baril nito na nakasukbit sa bewang niya. Ipinakita niya rito ang daliri niyang napaso.
"Nap-aso a-ko." Umiiyak paring sagot niya.
"Fuck!" Binuhat siya nito at dinala sa kusina, kumuha ng ice cube sa fridge at ipinahid yun sa daliri niya.
"What have you've done, bakit ka napaso?" Tanong ni Stefano, lumibot ang paningin nito sa kusina, may itlog na nabasag sa sahig, may tutong na itlog na nasa pinggan at frying fan na nasa itaas ng stove. "Nagluto ka?" Tiningnan siya nito, yumuko siya, because she feels guilty, kasi alam niyang kasalanan niya kung bakit siya napaso.
"Hey look at me." Matigas na pagkakasabi ni Stefano, she cower. She feel scared, mistula siyang batang inabutan na nangungupit.
"Nagugutom kasi ako." She sofly said, nakayuko parin siya, ayaw niyang tingnan ito.
"Then you decided to cook!?" Hindi maiwasan ni Stefano ang sumigaw. "Dewy!? Fuck! Wag mo na ulit gagawin yun huh?!" Muli siyang umiyak, kasi nagiguilty siya.
"I'm sorry, I wont do it again." Umiling iling pa siya. Napabuntong hininga ng malalim si Stefano.
"Dapat lang! Paano kapag- oh shit!" Napahilot ng sentido si Stefano sa naisip. "Come here, gagamutin natin yang paso mo." Hinila siya nito papuntang kwarto, para siyang maamong tuta na sumunod dito. Pinaupo siya nito sa kama at pumasok ito sa banyo. Pagkalabas nito may dala na itong maliit na tube.
"Come here." Lumapit siya dito. Walang kangiti-ngiti ang mukha nito, mukhang galit. Mas lalo naman siyang naguilty. Kinuha nito ang kamay niya at pinahiran ng burn ointment ang daliri niyang napaso. Napapangiwi siya kasi medyo nasakit pa iyon.
"Don't ever pull that stunt again!" Mariin ang pagkakasabi ni Stefano. Napayukyok naman ang ulo niya. Napabunyong hininga ito. At may binunot sa bulsa, cellphone iyon, may tinawagan ito.
Pagkaraan ng ilang minuto ay may nagdoor bell, lumabas ng kwarto si Stefano habang hila hila siya. Pinaupo siya nito sa sofa tsaka tinungo ang pintuan. Saglit lang ay may dala itong dalawang paper bag ng Jollibee, umaliwalas ang mukha niya ng masilayan iyon, bumalik ang gutom niya. Lumapit ito sakanya at umupo sa tabi niya. Nilabas nito ang isang bucket na may lamang fried chicken. Agad siyang kumuha nun at sinimulan iyong lantakan.
Umalis ito saglit at pumasok sa kusina, pagbalik nito may dala itong plato. Binigay nito sakanya ang plato na may lamang kanin na galing sa Jollibee. Kinuha naman niya iyon. Nagsimula na silang kumain.
✌✌
AN*
bebe hindi mo kasi nilagyan ng mantika kaya dumikit yung itlog, hindi naman kasi non-sticky fan yung frying fan ni Steffy. 😂😂Vote and comment.
BINABASA MO ANG
His Feisty Innocent
RomansShe is sweet and pure. He is dark and dangerous. She is soft spoken and timid He is aggressive and harsh. She is young and gullible He is cold and domineering What if these two opposite collide? What will happen? WARNING! ⚠⚠ Mature content!! ⚠⚠ Gram...