Chapter 11

2.8K 51 2
                                    

CHAPTER 11

𓆩♡𓆪



 Matapos niyang igarahe ang kanyang motor ay umakyat na siya papunta sa kanyang apartment. Dala ang paper bag ng Jollibee na tinake out niya. Hinagilap niya ang susi sa kanyang bulsa at tsaka binuksan ang pintuan.  Pinihit niya ang Pinto at pumasok,  tinungo niya ang sala at naabutan niyang naka on ang TV at may palabas na cartoon,  bumaba ang tingin niya sa may sofa,  kung saan mahimbing na natutulog si Dewy.  Sumilay ang ngiti sa labi niya at sabay iling.  Nilapag niya ang pagkain sa center table at kinuha naman ang remote na nasa tabi nito,  at pinatay ang TV. Pagkatapos nilapitan niya ito at lumuhod paharap dito.  Hinawi niya ang buhok na tumatabing sa mukha nito at mataman itong tinitigan. He cares her cheek and her lips with her partly open mouth.

"Mama.. " Bigla itong nagsalita, kaya naman agad niyang inalis sa pagkakahaplos sa pisngi nito ang kamay niya,  sa pag aakalang magigising ito,  pero hindi pala,  dahil nananaginip ito.

"Mama.. Papa.. " Kumunot ang noo nito habang pabaling baling ang ulo.

"Sshh.. Dewy,  baby. It's OK.." He cooed her and he hug her.

"Steffy?" Bahagya niya itong inilayo sa pagkakayakap niya at tiningnan ito,  nagtama ang mga mata nila.  Her eyes that are full of tears. He softly rub out that tears.

"Are you OK?" He softly asked her,  nakatitig parin ang luhaang mga mata nito sakanya.

"I missed my mom and dad." Sa pagkasabi nun mas lalo pang bumalong ang luha nito,  agad niyang hinapit at isinubsob ang ulo nito sa kanyang dibdib at mahigpit itong niyakap. Inalo niya ito upang tumigil sa kakaiyak. 

"Tell me,  where are they." Malumanay niyang tanong nang humupa na ang iyak nito,  at habang sapo-sapo naman niya ang buhok nito.

"I don't k-know,  m-my mom t-told me to r-runaway from our h-house.." Kumalas si Dewy sa pagkakayakap sakanya at tinitigan siya.

"And?" He asked her to continue. She looked behind her,  like trying to recover something in her mind.

"S-she was p-panicking..  I-i remember,  m-my dad was talking t-to some s-scary men,  and mom wa-was crying.." Humagulgol si Dewy,  agad naman niya itong pinatahan habang pinapahid ang mga luha nito.

"Sshh..  It's OK, do you know who are those men?" He softly asked her. Umiling ito.

"I d-don't know them.. B-but I can s-sense that t-they are b-bad guys,  b-because they are s-shouting at my father." She continue narrating. And she's shaking.

"Hey,  baby, calm down. You are shaking." Sinapo niya ang magkabilang braso,  at ang likod nito at muli niyang hinapit upang yakapin at kalmahin ito. Sa mga sandaling iyon,  tuwang tuwa siyang isipin na pinatay niya si Don Bianchini,  dahil kung hindi,  hindi yon titigil hanggat hindi napapabagsak si Trevino Hart,  at alam niya manganganib si Dewy kapag nagkataon,  he might used her against his father.

"Hahanapin natin ang mga magulang mo, tahan na.  Everything will be okay." He assured her then he kissed her head.

Bumuntong hininga naman si Stefano. He can't see her like this.  It breaks him, He need to do this, kailangan na niyang ibalik ito sa mga magulang nito. She is much safer there, than here with him.

"Let's feed you, may dala akong take out from Jollibee,  dito ka muna, I will prepare it." Paalam niya ng humupa na ang iyak nito. Kinuha niya ang nakalapag na paper bag at tinungo ang kusina.

××

Matapos nitong kumain ay tumungo ito sa bathroom to freshen up.  It's already eight in the evening, and it's time for her to sleep.  Habang nasa banyo si Dewy ay tinungo naman niya ang maliit na terasa ng kwarto niya at nagsindi ng sigarilyo. Habang hinihithit iyon ay iniisip niya ang nangyari kanina. Bumuga siya ng usok,  at hinugot niya ang cellphone na nasa bulsa niya.  Nagtipa siya ng mensahe.

His Feisty InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon