When could I say that I've got all the things that I prayed for?
Or
When could I say that I am blessed and already contented in life?
Kapag ba, naging kami na ng matagal kong crush?
O kapag nahanap ko na ang the one?
Masasabi ko nga bang nasagot na ang kahilingan ko kung ang kapalit naman ng hiling kong 'yon... ay ang pamilya ko?
Should I let go of the one that I've prayed for so long and loved for so long... just for the blurred tragedy in the past?
Would I rather choose love over the world?
Kabado ako, kasabay nang paghakbang ay ang pagkalabog din ng puso ko. My junior highschool life is different compared to now. Ngayong senior na, at huling year na bilang senior, mas lalo lang lumala ang pressure.
Last year was still easy and all okay for me. The adjustments to my subjects were all fine, I find it a bit difficult at some specific subjects, but I still managed.
Sinalubong ako ng mga kaibigan ko sa gate pa lang. Somehow, nabawasan ang kaba. Kaso lang, the warnings of my sister resonated in my head again.
"Mahihirapan kana ngayon. Focus on your study. Your practical research 2 will be difficult compared to what you did in your Grade 11," my sister's voice in my head.
Feeling ko naman kaya ko. Kinaya ko nga last year. Pero tumatakas pa rin ang kaba sa tuwing maalala ang mga babala niya. To her, this Grade 12 experience will surely be hell. A total disaster that I need to prepare for.
Inakbayan ako ng best friend ko, si Lea, sa gabi. Pero dahil umaga ngayon, siya si Leo.
"Sis, balita ko may poging subject teacher tayo! Omg! Excited na ako!" His squeal irked my ears.
Umirap ako. "Tss. Iyan talaga nasa isip mo? Hindi ka kinakabahan?"
"Bakit naman ako kakabahan? There's nothing to be nervous for! Nukaba!"
Ang ibang kaibigan ko ay sumang ayon sakanya. Hindi ako kumbinsido. Last school year isang timba ata ang iniyak ko dahil sa lintik na research na 'yan. For sure higit pa roon ang iiiyak ko ngayong taon.
Sabay sabay na kaming umakyat. Leo and I were in the same room because we're classmates. Ang ibang kaibigan naman ay sa ibang floor dahil iba ang strand. HUMSS kasi kami ng bff ko, unlike sa mga kaibigan namin na STEM ang kinuha.
As usual, late na naman kami. Pagkarating ay naroon na ang lahat at nagsisimula na sa introduction ang adviser namin. Bumati muna kami at naupo sa harap dahil iyon na lang ang available. Huminto saglit ang adviser at nagpatuloy na nang makaupo kami.
Mukhang mabait naman ang adviser namin at mukhang bata pa. Maybe he's in his early thirties or late twenties. Akala ko ito ang tinutukoy ni Leo pero nang tignan ko ang reaksyon niya, normal lang naman at seryosong nakikinig. So hindi ang adviser namin. Kasi kung iyon, malamang nakangisi na ito at naglagay na nang pang malakasan niyang lipstick.
The introduction and minor reminders for the school rules this year lasted for about an hour. Nagpakilala rin kami sa isa't isa as usual. Then after, sumunod naman ang babaeng subject teacher. Sa hula ko'y nasa mid fifties na at mukhang masungit. Nagpakilala rin at nagpa introduce yourself.
"Syl, tingin ka sa likod mo, sa bandang gilid katabi ng bintana, ang guwapo," malanding bulong ng katabi ko.
Inirapan ko lang siya dahil ako na ang susunod na magpapakilala.
"My name is Sylvester Adrian Lopez, eighteen years old," sabi ko at naupo na.
Sumunod naman si Leo na nakasimangot na dahil ayaw na ayaw niyang nababanggit ang full name niya.